Chapter 1

10.4K 102 0
                                    

Pakanta-kanta pa si Valerie habang sakay ng family car papuntang skuwelahan. Hawak niya ang kanyang iPod sa isang kamay at ang isa ay isang Apple Turnover na pahabol ng yaya niya. Mahilig siyang kumain lalong-lao na kung Dessert. May Family Business ang mommy niya na Bakery. Mahilig itong magluto pero hindi naman tumataba, madisiplina ito sa katawan. Sa umaga ay nag te-treadmill na ito bako pumasok sa trabaho. Ang Daddy naman niya ay isang Abogado. Tatlo silang magkakapatid at puro babae. Siya ang bunso kaya't busog sa pagmamahal at attention ng mga tao sa paligid niya.

Nang makarating ng school ay pinunasan muna niya ang bibig at mga kamay ng wet wipes. "Manong Salamat po. See you this afternoon" magalang na paalam niya sa family Driver nila. Sa St. Agnes siya pumapasok. Isang exclusibong paaralan para sa mga maykaya. May scholarship program sila sa mga estudyanteng may magandang grado pero walang kaya sa buhay. Isa ang mga magulang niya sa nangunguna para i implement ng school ang scholarship program. May nakalaang pondo para rito sa pamamagitan ng mga donations.

Ang bestfriend niyang si Amber ay isa sa mga scholars sa school nila. Ito lang ang nakaka intindi sa kaniya, sa lahat ng nararamdaman niya.

Nasa 6th Grade na siya ngayong taon at sa susunod ay sa kabilang Campus na siya papasok kung nasaan ang mga high Schoolers. Ng mapadaan siya sa Gymnasium ay nakita niyang naglalaro ng basketball ang school players nila ang mga St. Agnes: Bulldogs. Lumingon ang crush niyang si Tyler kaya't napakaway ito sa kaniya. Kumaway rin siya rito. Kinilig siya dahil pinansin siya ng ultimate crush niya. Habang nag didribol ito ay inagaw ni Alex ang bola at itinapon sa kanya.

"Alex!" narinig niyang sigaw ni Tyler para ipagtanggol siya.

Tumalikod si Tyler para kausapin si Alex habang ang ito ay naka ngisi.

Pupulutin sana niya ang bola pero naisipan niyang sipain nalang. Nilakasan niya ang pagsipa kaso na out of balance siya na ikinatawa ng buong team.

Narinig na naman niya ang salitang "balyena". 'Yun ang tawag sa kaniya sa skuwelahan. Tumulo na ang luha niya sa pagka pahiya, may nakita siyang towel sa harap niya.

"Eto o kunin mo." alok ni Tyler

"Salamat."

Nilahad nito ang kamay para matulungan siyang makatayo. Pero dahil sa bigat niya ay muntik na itong matumba. May pagka payatin si Tyler pero makikita na rin ang siksik ng muscles nito.

Narinig nila ang ring hudyat na magsisimula na ang Klase.

"Sige Tyler aalis na ako, salamat sa towel mo ha."

"Ok alng yun, huwag ka ng iiyak ha." Pinunasan pa nito ang pisngi niya.

Matipid siyang ngumiti bago pinamulahan ng pisngi.

Nag excuse siya sa teacher niya para pumuntang bathroom. Pakanta-kanta pa siya habang umi-ihi ng may narinig siyang boses na papalapit ay itinaas niya ang dalawang paa. Humagikhik pa siya sa naisip na kapilyuhan.

"Trish, ano bang susuotin mo sa Christmas party next week?" narinig niyang sabi ng isang boses na sa pagkaka-alam niya ay si Caroline at Patricia or "Trish".

Ginagaya pa niya ang pagsasalita nito sa piping paraan.

"Nag pagawa ang Mommy ko kay Susan Inggoria. Masyado ngang mahal eh pero maganda naman."

Pagmamalaki nito sa maarteng boses. Kinakaway pa niya ang mga kamay. Ang tinutukoy nito ay ang sikat na International Designer.

"Wow buti ka pa." naiinggit na boses nito.

"Sa tingin mo Caroline, maganda na ba ang make up ko?"

Pina tulis pa niya ang nguso habang ang isang kamay sa likod ng ulo niya. Napahagikhik na naman siya sa kapilyahan.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon