Chapter 16 Final Chapter

5.3K 65 0
                                        

What appears to be the end may really be a new beginning. ~Unknown

Sunshine---check!

Happy people----check!

Church ready----check!

Handsome groom---check!

Most handsome partner--- check!

Awesome friends---check!

Two devils--- check!

Kahit baliktarin pa ang mundo ay isusuka pa rin niya ang araw na ito. Ang kasal nina Tyler at Vanessa. But she don’t have any choice dahil mahal niya si Tyler as a friend. Anong klaseng kaibigan ba siya kung hindi niya ito susupportahan, kahit sa katangahan nito? Di ba hindi maganda yun? Kaya ‘eto ang beauty niya, ibabalandra niya sa pagmumukha ng mga evil—lettes na naka maskara. Pakiramdam niya nasa MIB {Men in Black} movie siya. Kunwari siya si K at ang dalawang alliens ay sina Vanessa {bride} at Amelie {maid of honor}.

“Ok ka lang ba?” bulong sa kaniya ni Alex ng magsimula na ang kasal.

“Huh? Oo naman. May naalala lang ako.”

Ginagap ni Alex ang kaniyang kamay bago siya nito inakbayan. Walang kahit isa sa mga kaibigan nila ang kasali sa prosisyon, kaya lahat sila ay naka-upo sa iisang panig ng simbahan. Lahat ng involve ay puro mga kaibigan at kakilala ni Vanessa. Nakita din niya si Amelie na siyang maid of honor ng babae. She’s thankful na nasa tabi lang niya si Alex sa lahat ng oras. Alam nitong hindi siya kumportableng dumalo sa kasal ng kaibigan nila, pero wala siyang magawa dahil ito ang desisyon ni Tyler. Ang pakasalan ang mortal niyang kaaway. Mortal? Eh sobra pa ‘ata sa mortal ang tawag dun eh. Alam kasi niyang hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga ito. Kumbaga, proven and tested na niya ang pag-uugali ng dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma tantiya kung ano ang nakikita ng kaibigan sa pag-uugali ng babae. Base sa naririnig niya ay bipolar ito. Kung totopakin ito ay malala pa ang isang lunatic sa kabaliwan. As in! To the next level and highest power na! Kaya pala nuong High School sila ay minsan napaka sweet nito then suddenly nagiging moody na kaagad. Parang may multiple personalities ang babae. Papalit-palit lang ng maskara.

Nalala na naman niya ang taong nasa likod ng pula at puting helmet kanina sa labas. ‘Sino kaya yun?’ nasa-isip niya. Malakas ang pakiramdam niya na kilala niya ang naturang estranghero. Wala siyang ibang maisip kungdi si Briggs. Kinilabutan siya sa kaniyang naisip. ‘Huwag naman sana’ tutol ng isang bahagi ng kaniyang isipan. Hindi pa siya handang makita ang lalaking muntik ng wasakin ang pagkatao niya. Mabuti nalang at may isang Alex na alam niyang tunay na nagmamahal sa kaniya. Nilingon niya ang katabing lalaki at nginitian. Gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya. Ang isang braso nito ay naka-akbay pa rin sa likod niya.

She literally almost barf when the priest said “You may kiss the monster---este--- bride-llien---oopppsss—bride lang pala.” Nahalata niyang halos walang ganang pumalakpak ang mga kaibigan nila. Pero tuwing lilingon si Tyler sa direksyon nila ay lumalakas ang hiyaw sa grupo nila. ‘Bad people.’ Nasaisip niya. ‘Do we have any choice? Wala naman ah talagang na pwersa lang kami ng pagkakataon.’

Nasa reception na sila ng magpaalam siya kay Alex na pupunta lang saglit sa powder room. Sumabay sa kaniya si Sommers papunta sa powder room. Tumatawa pa silang dalawa palabas ng bathroom ng makasalubong nila ang dalawang hukluban. Nagpalit na pala ng damit ang allien na si Vanessa.

“Well, look who’s here Ams. The two wicked bi-atch.” Harang ni Vanessa sa kanilang dalawa.

“Oo nga, ang kapal talaga at naisipan pang dumalo.” Sabat naman ni Amelie sabay akbay kay Vanessa. Sa itsura nito ay parang dumalo ito sa slut world sa iksi ng mini dress nito at ang bola na parang luluwa na sa harapan nito.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon