Bonus Chapter

5.8K 78 12
                                    

After the Wedding……

           Sakay ng isang top down car na may nakalagay na “Just Married” sa hulihan ng sasakyan, ay ang dalawang happy couple. Ang tanging maririnig sa mga ito ay ang malulutong na halakhak.

“Wow I can’t believe that I’m officially Mrs. Alex Romulo now. Parang kanina lang ikinasal tayo ano?” inabot ni Alex ang isang kamay ng kaniyang magandang bride at hinalikan ‘yon.

“And I’m the happiest man alive!!” sigaw nito.

“May sorpresa pala ako sa ‘yo mamaya.”

“Ngayon muna sabihin hindi na ako mapakali eh.”

“Mamaya na pagdating natin sa hotel. Malapit lang naman tayo eh.” Nakangiti siyang umayos ng upo. Siya na ang napakamasayang bride sa araw na ‘yon. Masarap pala ang feeling na matatali ka sa taong mahal mo.

Hotel (Honeymoon)…..

          Inabot ni Alex ang kaniyang bewang pagkasara ng pintuan ng kanilang suit. Alam niyang atat na itong malaman ang surprise niya.

“Sa pagkakaintindi ko may sasabihin ka sa akin dba honey buns?” biglang tumaas ang balahibo sa kaniyang batok dahil sa init ng hininga ni Alex.

“Meron ba? Nakalimutan ko na eh bukas nalang kaya Daddy?” wika niya sabay hagikhik. Inikot siya bigla ni Alex paharap dito. Tulala ang mukha.

“Y-you mean..?”

Tumango siya. “Four weeks na.” pinakita pa niya dito ang apat na daliri.

Hindi makapagsalita ang lalaki sa harap niya. Napapatawa nalang siya sa rekasyon nito.

“Ano ka ba atleast sabihin mong ‘I’m so happy I’m gonna be a Daddy!’ hindi yang nakatulala ka nalang dyan.”

“I just can’t believe it! It’s a beautiful surprise honey buns.” Alex swept her off her feet and lay her back on the bed.

“Pwede i-update na natin baka uurong si baby or better yet gawin nating kambal. At sana babae at lalaki para may junior na ako. Pero ok rin kung same sex as long healthy sila pareho.”

“Grabe ka ha twins talaga? Sa pagkakarinig ko mahirap manganak. Naiisip ko pa lang para ayaw ko na.”

“You really made me happy Val. I don’t want to promise, pero bilang asawa mo ay aalagaan kita at ang magiging baby natin.” Hinipo nito ang humpak niyang tiyan.

Excerpt from “My Old Maid Lover”

             Sa isang madilim na kalye ay may isang sirang sasakyan na ang tanging maririnig lang buhat dito ay ang pagkukumpuni ng isang lalaki sa hood nito. Pinahid ni Briggs ang pawis sa kaniyang noo gamit ang isang braso. Kanina pa niya inaayos ang sasakyan niya. Hindi pa naman siya masyadong magaling magkumpuni ng sasakyan kaya nahirapan siya. Maya-maya lang ay tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jennifer.

“Nasaan kana?”

“Nasiraan ako dito sa isang madilim na daan sa may Makati. Tatawag na ako ng taxi kung hindi pa ito maayos mamaya.” Paliwanag niya sa asawa.

“Sige mag-iingat ka ha. Tawagan mo uli’t ako kung papa-uwi kana. Na mimiss kana rin ni baby eh.”

“Sige.” Pinindot na niya ang end button ng may malakas na palo sa kaniyang likod. Hindi na niya tuluyang nailagay ang cell phone sa kaniyang bulsa kaya tumilapon ito sa ilalim ng sasakyan. Napasigaw siya sa sakit na naramdama niya. Ang huling naaalala niya ay ang malakas na palo sa likod ng kaniyang ulo.

~~~~~~~~~~END of One Last Chance~~~~~~~~~~~~~

Author’s Note:

Abangan ang continuation nito sa story ng “My Old Maid Lover”

Ms Sapphire

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon