“Bitawan mo ako Briggs hmpp ano ba!” sigaw niya dito habang nagpupumiglas. Nanindig lahat ng kaniyang mga balahibo ng simulan na siya nitong halikan sa kaniyang leeg. Dahil sa laki nito ay hindi pa rin niya kayang tibagin ang lalaki. She tried to pour out all of her strength but she always failed. Bigla na lang siyang inihiga ng lalaki sa damuhan. Nasaktan siya sa ginawa nito. Feeling niya tumaas ang kaniyang ribs palabas sa katawan niya. Sumisipa at nananadyak na siya pero hindi pa rin. Sumisigaw na rin siya ng tulong kahit na alam niyang walang makakarinig sa kanila dahil napakalakas ng musika sa loob ng GYM. Hinablot ni Briggs ang isa niyang manggas at nag iwan ito ng scratch mark sa kaniyang braso. Napahiyaw siya sa sakit. Namamaos na ang kaniyang boses sa kakasigaw pero wala pa ring saklolong dumating kaya napaiyak na siya. Hindi ganito ang gusto niyang ‘page-explore’ kundi ang pakikisalamuha lang sa kaniyang ka-opposite sex. She longed to be loved, cared and have someone or somebody to show affection towards her.
Yun lang ang gusto niya.
Sa murang isip niya ay hindi pa siyang naku-curious sa sex kahit na hindi na siya ignorante dahil tinuturuan sila ng school sa bagay na iyon.
“Huwag ka nang magpumiglas Val dahil kahit kelan hindi mo ako makakaya.” Nahalata niyang the more siyang pumapalag ay mas lalong nagiging aggressive ang lalaki sa kaniya. Kaya napahinto siya at parang tuod lang na umiiyak habang binababoy ni Briggs.
Habang sa loob ng GYM ay hindi mapalagay si Alex. Pabalik-balik siya sa kinatatayuan habang hinihintay sina Tyler at Justin na tinutulungan ang isang guro sa stage. Tinapik ni Ethan ang kaniyang braso para ipa-alam nito na magiging ayos lang ang lahat. Tinitigan niya ang kaibigan.
“If something happened to her ay ako ang malalagot. Kasalanan ko dahil nakinig ako kay Amelie. Ano na ang gagawin ko brad.” nakita nito agad ang dalawang hinihintay na tumatakbo papunta sa kanila. “Bilisan na natin at baka san pa dalhin ng hayop na yun si Val.” Nagpasi-una na siyang umalis kasama si Amber, Tyler, Justin, Ethan, Kelvin at Zack.
Nagtanong-tanong sila sa mga estudyanteng nasa labas pero iba’t-iba ang nakuha nilang sagot.
“Maghiwa-hiwalay kaya tayo brad?” suggest ni Kelvin.
“Alex!” sigaw ni Zack. “Mukhang may tao doon banda sa dilim. Lapitan na natin at baka sila na yun.” Tumakbo silang lahat sa direksyong sinabi ni Zack. Muntik pang matumba si Amber dahil sa takong nito kaya tinulungan ito kaagad ni Zack.
“Ayun may tao nga at mukhang likod ni Briggs yun ah.” Kumpirma ni Justin. “Ethan sa kabila mo hawakan at baka pumalag.”
“Sige dahil uupakan ko ang gagong yan.” Galit siyang tumakbo papunta sa dereksyon ng mga ito. Naka talikod ang lalaki kaya hindi nito nakikita ang grupo nilang paparating.
“Hayop ka Briggs.” Sabay tulak dito. Nilampasan niya si Valerie na tinutulangan nina Amber at Zack. “Tarantado ka kahit babae pinapatulan mo!” binigyan niya ito ng mag-asawang suntok sa pisngi. “Ako ang harapin mo at hindi iyang walang kalaban-labang babae.”
Ngumisi lang ang lalaki habang pinahid ng isang kamay ang dumudugong bibig nito. Dumating ang patrol ng security ng campus nila at may dalang mga pulis. Hinuli ng mga ito si Briggs at dinala sa presinto. Makalipas ng ilang oras ay nasa hospital na silang lahat para gamutin ang natamong galos ni Val. Sabi ng Doctor na tumingin dito ay ipapa x-ray daw nito ang babae dahil sa malakas na pagbaksak ng likod nito sa lupa. Dumating din ang lahat ng pamilya ni Val. Magdedemanda ang mga Concio kay Briggs. Sa malas ng lalaki ay anak pa ng isa sa magaling na Abogado ang pinaki-alaman nito.
Hindi pa rin sila umuwi magkakabarkada hangga’t hindi nila nakaka-usap si Val. Inilipat na ito sa isang private room para magpahinga. Naki-usap siya kay Mrs. Concio kung puwedeng makita si Val mag-isa. Pumayag naman ang Ginang.
![](https://img.wattpad.com/cover/982314-288-k104712.jpg)