Sikat na sikat ang araw pero nasa labas silang magbabakada at naglalaro ng Basketball. Malaki ang baskeball court sa Mansion nina Zack kaya dito sila naglalaro. Pinasa ni Kelvin sa kaniya ang bola. Nagdribol siya patakbo sa kabilang ring para mag shoot ng malakas na binangga siya ni Tyler sa kaniyang tagiliran. Ikinahinto ng lahat ang pagsadsad niya sa semento. Mabilis siyang tumayo at tinulak ito.
“Anong problema mo ha.” Asik niya dito.
“Ikaw ang may problema hindi ako.” Palusot nito. Pumagitna ang iba pa nilang kaibigan. Kanina pa niya nahahalata na hindi siya nito masyadong kibuin. Naisip niyang baka wala lang ito sa mood kaya isinawalang bahala nalang niya ito.
“Eh sinadya mo akong banggain eh. Kitang-kita naman ng lahat ang nangyari.” Sigaw niya dito.
“Laro lang naman ito ba’t ka ba nagagalit ng ganyan. Palibhasa sa ‘yo nagiging makitid na iyang utak mo. Nahawa ka na sa nobya mong basta nalang namimintang.” Sa narinig niya buhat dito ay inundayan na niya ito ng suntok. Sapol ito sa panga.
“Huwag mong idadamay si Val dito!” sigaw niya sabay sugod uli dito.
Nagkagulo ang lahat dahil sa nangyaring suntukan nila ni Tyler. Nahirapan pa silang paghiwalayin ng iba pa nilang kaibigan. Hindi rin kasi pahuhuli si Tyler sa taas at tindig.
“Tama na!” sigaw ni Kelvin. Pero parang walang narinig ang dalawa. Patuloy pa rin ito sa pagsugod sa isa’t-isa. Minsang nabibitawan ni Zack si Alex kaya naka suntok ito kay Tyler. O kaya naman ay lumilihis si Tyler sa paghawak ni Ethan dito para bumaawi kay Alex. Napalingo-lingo nalang ang kaniyang ulo. Hindi ito ang kauna-nahang pagkakataon na nag-away ang dalawa. Naalala pa niya nung unang nasilayan ni Tyler si Vanessa nung High School pa sila.
Past….
“Kelvin, sino yung kausap mo?” tanong ni Tyler sa kaniya. Nakita pa niyang sinundan nito ng tingin ang nakatalikod na babae.
“Ah si Vanessa bago nating kaklase. Nagpapatulong lang sa Thesis natin sa English. Mukhang Campus crush kaya huwag mo nang diskartihan at marami kang kasabay diyan.” Banta niya dito.
“Kelan ba sumusuko ang isang Isidro ha?” tinapik nito ang kaniyang braso bago umalis para sundan ito.
Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan niyang isa na si Tyler sa nakahilerang mangliligaw ni Vanessa. Minsan nalang ito sumasabay sa kanilang gurpo dahil lagi itong nasa bahay ng dalaga. Pati ang kaarawan ni Alex ay nakalimutan na nito.
“Pare kumusta na?” Masayang bungad ni Tyler papasok sa AOC room. Tiningnan lang ito ng lahat pero walang bumati. Gumagawa silang dalawa ni Alex ng assignment ng tapikin ni Tyler ang balikat nito. Pumiksi si Alex.
“Mainit ‘ata ang ulo natin ah.” Natatawang wika ni Tyler. Tumayo si Alex para umalis ng umupo ang huli sa mesa nila. “Anong nangyari dun?” takang tanong ni Tyler sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya para umiwas sa gulo.
Paglipas ng ilang araw ay hindi na masyadong nagpapakita sa kanila ang kaibigan. Nalaman nalang nila sa ibang kaklase na magnobyo na ang dalawa. May mga haka-haka rin na nagsiping na raw ang mga ito. Nalungkot siya sa narinig dahil may Oath sila sa grupo. Na ang grupo ang kauna-unahang makaka-alam sa mga importanteng bagay sa buhay nila. Wala silang sekreto sa isa’t-isa. Nadagdagan ang hinanakit ni Alex kay Tyler dahil dun.
Tanda pa niya ang araw nung nagpang-abot ang dalawa. Nasa canteen silang lahat nun ng dumaan si Tyler sa harapan nila. As usual nakabuntot lang ito sa nobya.
“Alam ‘nyo naghinala na ako sa babaeng iyan. May pagka mangkukulam ‘ata yan eh. Lahat nalang ng mga lalaki eh humahabol sa kaniya.” Wika ni Alex sa barkada. Hindi nila akalain na narinig pala ni Amelie ang pag-uusap nila at binulong kaagad kay Tyler. Sa galit nito ay sinunggaban ng huli si Alex. Umabot sa Principal’s Office ang awayan ng dalawa. Buti nalang at binigyan ang mga ito ng warning dahil kung hindi ay parehong bagsak ang dalawa sa dadating na exam. Nagkabati din naman kaagad sina Alex at Tyler makalipas ng ilang araw. Hindi rin kasi nagtagal ang relasyon ng dalawa dahil hindi ma pirmi si Vanessa sa iisang relasyon.