Chapter 10

5K 71 0
                                    

                    Naghahanda na siya para sa kaniyang shoot ng tumunog ang kaniyang cell phone. Si Alex ang nasa kabilang linya. “Can I pick you up later?” tanong nito sa kaniya.

“Sure. Pero matatagalan pa ako.” Sagot niya dito.

“Don’t worry I’ll wait.” Yun lang ang sinabi nito at nag hung up na.

Dalawang segment ang gagawin niya ngayon dahil humingi siya ng leave of absence dahil pupunta sila ni Alex sa Hongkong. Naisip niyang mabuti na rin siguro at magbakasyon sila after what happened to Justin. Naawa rin siya kay Alex dahil hindi pa rin ito nakapag move on. Very understanding naman ang kaniyang pamilya at nirerespeto ng mga ito ang kanilang pananahimik tungkol sa nangyari sa Cebu.

“Ms. Val ready na po ang set sabi ni Direk.” Paalala sa kaniya ng isang producer.

                   Isinandig niya ang kaniyang likod sa swivel chair na kinauupuan niya. Napabuga siya ng hangin dahil sa nararamdamang pagod. Mabigat ang kasong hawak niya ngayon dahil makakalaban nila ang isa sa maimpluwensyang tao sa bansa. Kanina pa niya ni-review ang mga ebidensya na battered wife si Shannon Cordova sa asawa nito. Lahat ng naging witness nila ay nagba-back out pagkatapos ng unang pangungumpisal ng mga ito. Hindi na nga nila ma locate ang huli nilang witness na isang tindero ng yosi at kendis sa edsa. Inilipat-lipat nila ang taguan ni Ms. Cordova dahil baka sakaling matuntunan uli ito ng asawa.

Kinuha niya ang remote at pinindot ang ON button nito. He scanned the channels hanggang sa matunton niya ang station kung saan nagluluto si Val at ang guest star nitong si Wendel Valderama. Hindi niya nagustuhan ang easiness ng dalawa na para bang matagal ng magkakilala ang mga ito. Tiningnan niyang maigi ang mukha ng dalaga sa tv screen na nakangiti. After what happened seven or eight years ago, all he ever wanted is to see that smile on her face permanently. He put one hand on his pocket and pulled out a necklace. The one he found in the vineyard in Italy. Alam niyang kay Val ito dahil ito lang naman ang taong kasama niya sa bakasyon sa Italy na ipinanganak ng September. May namuong luha sa kaniyang mga mata dahil sa mga naalala. He was confused. But now he already know what he wanted in his life.

Tumingin siya sa kisame para kahit papano mahinto ang luhang nagbabagang umagos sa kaniyang mga mata. Kung alam lang ng babae na pati siya ay nagdusa rin sa nangyari. He never stopped seaking for justice. Yes, he was guilty. Guilty for not treating her right. He is such a chuvinist pig for hurting her like that. Some of it are not intentional. It just came out natural for him. Kaya akala niya ayus lang ang lahat. He wasn’t prepared to face the music. Kahit sino ay hindi nakikita ang emosyon ng babae dahil magaling ito magtago ng nararamdaman. She always display her Happy-down-to-earth personality. Maybe that is the reason why he felt something special towards her. Her laughter that lits up the room. And it is very contagious that you will never know you already started laughing.

He let out a deep sigh. Pinasok niya uli’t ang kuwintas sa loob ng kaniyang bulsa. Lagi niya itong dala-dala kahit saan man siya pumunta. Nagbabakasali kasi siyang hahanapin ng nagmamay-ari nito ang naturang kuwintas.

                   Pagkatapos ng shoot nila ay hinatid muna siya ng kaniyang baklang PA sa labas ng studio. Huminto ang isang itim na Hummer sa harap niya. Napangiti siya bago nagpaalam sa kaniyang PA. Lumabas si Alex at hinalikan siya sa kaniyang labi. Napawi ang kaniyang ngiti dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumportable tuwing hinahawakan o hinahalikan nito sa harap ng ibang tao. Kinuha ng lalaki ang dala niyang gamit bago siya pinagbuksan ng pintuan.

“So how was your shoot?” agad na tanong ng lalaki ng maka-upo na ito sa harap ng manibela.

“Good. Nakakapagod din kasi dalawang shoot ang ginawa namin today. Alam mo bang dalawang matinee idol ang nakasama ko sa set? Ang guguwapo naku kung hindi lang bata pa sa akin hahaha…” hind na niya natuloy ang sasabihin dahil narinig niyang tumikhim ang lalaki.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon