Chapter 8

4.7K 59 0
                                    

                Pagdating niya ng Campus ay dumiretso na siya sa Gym. Nag text na sa kaniya ang mga kaibigan at dadating na rin ang mga ito maya-maya. Nagmamadali kasi siyang umalis ng bahay para sunduin si Val. Kaso naka-alis na pala ito para sunduin si Amber sa bahay nito. Papadami pa lang ang mga estudyante sa loob na naghihintay kaya lumabas na muna siya para magpahangin.

Nakita niya si Amber at Zerina na paparating kaya napakunot ang noo niya. ‘Nasaan si Val?’ tanong niya sa kaniyang sarili.

“O saan kayo pupunta? Nasaan si Val ba’t kayo lang dalawa ang magkasama?” tanong kaagad niya sa mga ito.

Hinihingal ang dalawa kaya hindi kaagad nakapagsalita ang mga ito. Nagtataka si Alex sa nangyayaring kaguluhan sa buong Campus. Postponed and graduation practice nila dahil sa nangyayaring gulo.

“Anong nagyayaring kaguluhan Mrs. Lopez?’ tanong niya sa isang gurong nag anunsyo sa pagka postpone ng kanilang ensayo.

“Mr. Romulo alam o ba kung nasaan si Ms. Concio?” tanong nito sa kaniya. Nang hindi siya makasagot ay nagtanong ito sa buong gym. “May nakakita ba dito kay Ms. Concio?” may sumigaw na nasa library raw ang babae at sinugod sina Amelie at Vanessa. Nag-alala siya dahil kagagaling lang ito sa masalamuot na karanasan kay Briggs. At ngayon kay Amelie at Vanessa naman.  Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa Library pero wala ang mga ito sa loob at labas ng naturang gusali.

‘Nasaan na kaya yun?’ tanong niya sa kaniyang sarili habang nag-iisip ng lugar na puwedeng tambayan ng dating nobya.

                   Hindi makita ni Val ang dalawa sa Library kaya naglakad-lakad muna siya para makapag-isip. Ayaw niyang may sakitan ng katawan na magaganap sa pakikipag-usap niya dito. Gusto lang niyang linawin dito kung ano ang nagawa niyang kasalanan at pinapahiya siya ng babae sa lahat ng tao.

Nakita niyang nakabukas ang pintuan ng Laboratory kaya dahan-dahan siyang naglakad para sumilip kung ay tao ba sa loob. ‘May tao sa loob?’ sabi ng isipan niya ng may marinig siyang may nag-uusap.

“Ano ba itong kaguluhang pinaggagawa mo Amelie?” tanong ni Alex sa babae.

Hindi siya eavesdropper pero na curious lang siya bigla sa pag-uusapan ng dalawa. Nakita siya ni Amelie dahil nakaharap ito sa direksyon niya habang si Alex naman ay nakatalikod.

“Sabihin mo nga sa akin Alex… ginusto mo ba ang pinagagawa sa iyo ng mama mo?” binigyan siya nito ng nakakalokong tingin. Hindi nakita ni Alex iyon dahil nakayuko ito.

“No I don’t.” tipid na sagot nito.

                 Nagdadalawang isip siya kung sakyan lang ba ang dalaga para hindi na nito idamay si Val o babarahin ito. Naisip niyang gawin ang una at dapat.

“You know you’re right.” Tumuwid siya ng tayo at tinitigan itong maigi. “I don’t really know why I have to follow what my mother said. Ni ayaw ko ngang makasama yung balyenang iyon eh. Ang bantayan pa kaya ito araw-araw? Kung wala lang kapalit ang pagsunod ko sa kanila ay hinding hindi ko talaga yun gagawin.” Nahihirapan siyang bigkasin ang mga kasinungalingan iyon. Pero kailangan niyang sakyan ang kamalditahan ni Amelie para sa kapakanan ni Val.

“Talaga lang ha? Kaya ba nakipagkalas ka sa akin?” agad na tanong ng babae.

“Ginawa ko lang iyon para sa ating dalawa.” Nilapitan niya ito para aluin. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito. “Patawarin mo na ako. Ikaw lang talaga ang mahal ko.” Hahalikan na sana niya si Amelie ng may marinig siyang suminghot. Kaya napalingon siya. At ganoo nalang ang panglalaki ng kaniyang mata at ulo ng makita niya si Valerie na nakatayo sa may pintuan ng lab.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon