Chapter 3

5K 60 0
                                    

She was resting when Alex knock on the open door.

                      "How are you?" he asked.

Trying to composed her feelings from what had just happend she look at him in the eye and said...

                      "I'm fine."

                      "If you need help just call me. I think your mom is comming home soon. Alejandro already gave 'em a call." Tumango lang siya  rito.

                      "Sige maiwan muna kita para makapagpahinga ka. Sana makapunta ka mamaya sa Wedding para naman hindi ma aksaya yung bakasyon mo. Martina told me masaya raw ang weddings  dito." ng hindi man lang siya tumugon o tumingin dito ay nagpasya itong umalis nalang.

             Nagpatawag ng Doctor ang mga magulang niya pagdating ng mga ito. Pinainom lang siya ng pain reliever at pinagpahinga nag insist kasi siyang pupunta pa rin sa Kasal. Kinagabihan ay naghanda na silang lahat nagsuot siya ng bestidang kulay puti na pinatahi pa ng Mama niya sa Pilipinas. Naglakad lang silang lahat papuntang reception ng  kasal. Naririnig na nila ang ingay at malakas na tawanan ng mga tao roon. Napaismid siya ng makitang umabrisyete pa si Martina kay Alex. Siya lang ang walang pares dahil kinuha  ng Ate Jana niya si Alejandro. Malungkot siyang sumunod sa mga ito. Pagdating nila roon ay kaniya-kaniya ng nakikihalobilo ang mga kasama niya kaya't napa-upo nalang siya sa tabi at nagmamasid. If she can remember it right siya ay isang "babae sa pader" dahil wala siyang kaparehas at nag-iisa lang sa tabi.

             Kalaunan ay nilapitan siya ni Alejandro kasama ang isang matangkad at guwapong binata.

                       "Hey Valerie meet Arthur he's our neighbor and my best friend. Arthur meet my cousin Valerie." pakilala nito sa kanilang dalawa. Kinamayan siya ni Arthur at tinggap niya ito sabay ngiti.

                       "Nice to meet you Arthur." hinalikan nito ang likod ng kaniyang kamay. Pinamulahan siya ng pisngi.

                       "You want to dance?" tanong nito sa kaniya.

                       "I don't know how to dance." tanggi niya rito dahil alam niyang palaging may aksidente kapag sumasali siya sa sayawan.

                       "Don't worry i'll teach you i'm a good dancer." pinagbigyan na niya ito.

             Nag-iba ang tugtugin at nagsimulang sumayaw ang bride and groom. Sumali ang mga magulang ng mga ito at iba't-iba pang guest na gustong maki sayaw. Kalamatiano ang tawag sa sayaw kung saan puwedeng sumali ang gustong sumali dahil open dance ito. Medyo nahirapan siya sa kaniyang paa pero magaling si Arthur magturo ng sayaw. Nahalata rin niyang naging malaki na ang grupo nila pati ang mommy at daddy niya ay sumali rin pala. Parang ginanahan siya dahil lumulundag na siya sa pagsayaw. Pati si Arthur ay nagiging aggressive na rin ang kilos dahil nagiging mabilis na ang tugtugin.

             Ng umikot sila ay nasa likod na ni Valerie ang lamesa kung nasaan ang mga pagkain ng bigla siyang na tisod. At dahil hindi namalayan ni Arthur yun ay nabangga siya nito kaya tumilapon siya sa mesa kung nasaan lahat ng mga pagkain. Malakas ang sigaw niya na ikinahinto ng musika at ng lahat ng mga tao.

             Mabuti nalang at hindi sa kaniya tumilapon lahat ng mga pagkain. Naka-upo pa rin siya sa sahig habang ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa kaniya. Nilapitan siya ng Daddy niya para tulungan makatayo pero dahil sa bigat niya kailangan pang tumulong ni Alejandro. Sa kahihiyan ay tumakbo siya pabalik ng Villa habang umiiyak. Tinawag siya ng Mama niya pero binaliwala lang niya ito. Narinig pa niyang may sumigaw na "Opa!" at nagpatuloy ang tugtugin.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon