Chapter 14

4K 54 1
                                        

“It is the theory that decides what can be observed.”

- Albert Einstein

In this world, we make mistakes.

All are forgivable, some are harder.

But no matter how lenghty the

Process of our recovery…

We tend to struggle in different ways.

           Nagsi-uwian na ang mga bisita nila ng lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan. Malungkot na pumunta siya sa kaniyang kuwarto para lang magulat sa taong naghihintay sa kaniya roon.

“A-alex? Akala ko naka-uwi ka na rin.” Naka-upo ito sa gilid ng kaniyang kama.

“Hindi ako umuwi dahil gusto kong makipag-usap ulit sa ‘yo.” Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Kinuha ng lalaki ang kaniyang kamay at hinawakan ang kaniyang palad. “Kung may nagawa man akong mali ay pag-usapan natin ito.” May bahid na pagsumamo sa boses ni Alex.

“’lex obvious naman na walang pagmamahal sa pagitan nating dalawa. Bakit pa kailangan nating pahirapan ang ating mga sarili.”

 Inalog siya ni Alex “Hindi totoo iyan! Sa maniwala ka at sa hindi ay napamahal kana sa akin. Nung una parang ayaw kong tanggapin na may pagtingin na ako sa ‘yo….”

Pinutol niya iba pang sasabihin nito. “Pagmamahal? More like pagkamuhi. Huwag ka ng mag maang-maangan pa ‘lex. Kahit kailan ay hindi mo ako minahal. Paano mo ba naman mahalin ang isang matabang katulad ko?” naging hysterical na siya. “Alam mong hindi ako ito. Kung alam mo lang ang pinagdaanan kong hirap makamit ko lang ang minimithi ko.” Huminto muna siya para punasan ang kaniyang mga luha.

“Do you mean?” pagak na tumawa si Alex. “Wow, I can’t believe it… so binigay mo lang ang sarili mo sa akin para paghigantihan ako? Hindi mo ba naisip na ikaw ang naagrabiyado sa ating dalawa? Paano kung buntis ka na ngayon? Sagutin mo ako!” hinawakan nito ang kaniyang braso. Pakiramdam niya ay bumaon ang mga kuko nito sa kaniyang balat.

“’lex nasasaktan ako ano ba?” piksi niya dito. Binitiwan naman ng lalaki ang braso niya. “Huwag kang mag-alala dahil hindi ako buntis!”

“Look, alam kong marami akong naging kasalanan sa ‘yo. I hope you’ll find it in your heart to forgive me. Hindi pa tayo tapos Val dahil hindi pa rin ako uurong sa engagement na ‘to. I’ll give you time to think. Hahabaan ko ang pasensya ko just to prove you that I’m sincere.” Iyon lang ang sinabi ng lalaki at pabalang na sinara ang pintuan.

Nanlulumong napa-upo siya sa sahig. Hinawakan niya ang pipis niyang tiyan. Irregular ang kaniyang menstration kaya hindi niya naisip na hindi pala siya dinatnan nung isang buwan. Napa-iyak na naman siya sa nagawang kamalian. Alam niyang naging irrational siya sa kaniyang ginawa kanina. Hindi man lang niya kina-usap si Alex ng sarilinan. Pati mga magulang nito ay galit sa kaniya. Natatakot kasi siyang hindi mag work out ang relasyon nila ni Alex. Maybe she dreamed of Fairytales and Cinderella’s and Fairy God Mother too much na pati sa totoong buhay ini-expect niya na may isang Prince Charming na magre-rescue sa kaniya. Ang gusto lang naman niya ay ang mahalin siya ng taong magiging kasama niya sa panghabang buhay. A love that will look past all her despondency in life.

Maraming mga WHAT IF sa kaniyang isipan. Isa na roon ay ang…..

“Miss Val ‘eto na po yung script ninyo sa magaganap na guest mamaya sa Bubble Gang.” Paalala ni Rene sa kaniya sabay abot sa isang folder.

Habang minimemorize niya ang kaniyang script ay nakikinig din siya ng balita sa telebisyon. Nakuha ng isang reporter ang kaniyang atensyon ng sabihin nitong may nangyaring shoot out sa labas Supreme Court. Isang Live report ang nagaganap at kitang-kita ng kaniyang mga mata ang replay na nilabas ng station. Nakita niya si Alex kasama ang iba pa nitong kasamahang Abogado at si Miss Shannon Cordova. Malaking kaso kasi ang nagaganap sa pagitan nina Shannon at Macario kaya naging mainit sa press ang nagaganap na hearing.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon