Chapter 12

4K 64 0
                                    

              Matapos maka recover sa sampal ni Alex sa kaniya ay nagmartsa na siya palabas para maghanap ng taxi. Hilam sa luha ang kaniyang mata dahil sa galit. Galit siya dahil walang naniniwala sa kaniya. Nais niyang magwala at magsisisigaw.

Bago pa siya makakuha ng taxi ay na corner na siya ni Alex.

“Val sandali! Look I’m sorry I know I should’ve done that. Pinapahiya mo lang kasi ang sarili mo sa harap ng mga tao. Ayaw mo pang tumigil. I know that’s a lousy excuse. I’m sorry. Please talk to me.” Pagmamaka-awa nito sa kaniya.

“Hindi mo rin naman ako pakikinggan kung magsasalita ako. Ano pa ba ang kailangan kong sabihin sa ‘yo? Sinabi ko na doon sa loob na niloloko lang ng babaeng yun si Tyler. Isa pa s-si Vanes…. I-inamin niya sa akin na siya ang nagpalabas ng v-video k-koh nung College.” Hindi niya halos mailabas ang nais niyang sasabihin.

“Ohh Val I’m so sorry.” Anas ng lalaki. Hinablot nito ang isa niyang braso at dinala siya sa dib-dib nito. “Forgive me baby I didn’t know.” Dito niya iniyak lahat ng hinanakit niya.

“I’m broken ‘lex. I’m ruined ‘cuz of that video. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa lahat. Nasira na. Sinira na nila nuon pa. Para akong naglalakad na walang ulo. Puno ako ng kahihiyan dahil sa ginawa nila sa akin. Bakit kasi ako pa! Kasalanan ko naman ito eh. Bakit pa kasi ako sumama sa hayop na yun? Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko talaga as in!” paninisi niya sa kaniyang sarili.

“Husshhh Don’t say that.” Hinawakn nito ang kaniyang pisngi. Hinalikan ng lalaki ang kaniyang noo. “Wala kang kasalanan. Hindi mo alam na mangyayari ‘yun kasi nagtiwala ka lang.”

“Yeah… to a wrong person!” sarcastic na sagot niya dito. “I feel so stupid ‘lex. Hanggang ngayon I feel so stupid tuwing naalala ko ang araw na ‘yun. Bakit kay hirap patawarin ang sarili ko? Bakit? Hindi ba puwedeng maging masaya naman ako kahit isang saglit sa buhay ko? Feeling ko galit sa akin ang Diyos at ito pa ang kinahinatnan ko.”

“Val, that’s enough.” Pigil sa kaniya ni Alex. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kagustuhan ang lahat ng nangyari.” Hinawakan nito ang magkabilang pulo pulsuhan niya.

Tiningnan niya ito ng diretso. Pinipigilan niya ang mga luhang hindi na ma ampat sa pag agos sa kaniyang mga mata. “I feel so worthless. Bakit ba ipinanganak pa ako?” pinahid niya ang kaniyang luha ng isa niyang kamay. “Ano ba talaga ang plano mo!?” malakas na sigaw niya sa itim na kalangitan. Bumunghalit na siya ng iyak. Yinakap siya ni Alex ng mahigpit habang para siyang bata sa kakaiyak.

Ginawa na niya ang lahat para maramdaman man lang niya ang acceptance ng ibang tao sa kaniya. Naging isang succesful siya sa pagpapapayat. Nagka negosyo pa nga siya eh dahil gusto niyang matulungan ang mga kababaihan na gaya niyang nahihirapang pumayat. Ginawa na niya ang lahat pero hanggang ngayon ay nakatatak na sa mga tao ang pagiging mataba niya at ang pinakamasakit ay ang video na kamuntikan ng winasak ang kaniyang kinabukasan. Hindi niya maintindihan kung ano ang kaibahan ng isang survivor at ang isang rape victim. Dahil para sa kaniya, ay parehong kahihiyan lang ang tinamasa ng dalawang biktima.

“We will talk to Tyler soon. Pero sa ngayon ay uuwi muna tayo. Sige ka papangit ka kung iiyak ka pa.” pagpapatawa ni Alex sa kaniya ng humupa na siya sa kakaiyak.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon