Chapter 15

4.5K 63 0
                                    

"Coming together is a beginning, staying together is progress, and working together is success." Henry Ford

Continuation….

Zornow Mansion

Amber is stunned. Anong ibig sabihin ni Zack na alam nito ang buhay niya after na ‘di sila nagkita right after their College Graduation?

‘No. That cannot be. Naging maingat naman ako. Hindi ko makakaya kung malalaman niya. Baka ikamatay ko ang araw na ‘yon.’ Sinaisip nalang niya ang kaniyang hinaing.

“W-what do you mean Zack?” natatameme niyang tanong. Patuloy pa rin sa pagmasahe ang lalaki sa kaniyang balikat.

“I know everything that happened to you right after we departed in College.” Nanginginig siya sa kaba. Akala niya ay nag-iingat siya. Hindi dapat malaman ni Zack ang nangyari sa kaniyang buhay. She just want to get out from him. Bakit kailangan pa nilang magkita? Nananahimik na sana siya. Ayaw na niya ng gulo.

           Zack was just bluffing. Sa totoo lang walang matinong balita ang narating sa kaniya. Ang mga detectives na kinuha niya ay iisa lang ang sinasabi. Somehow may reports na naiwang blangko. Wala daw makalap na connection ang mga ito. At iyan ang gusto niyang malaman buhat sa dalaga. Ano nga ba ang tinatago ni Amber? Bakit ganoon na lang ito ka ingat na pagtaguan siya? Matagal na ring naka-alis ito at ang pamilya nito sa tinitirhang squatter’s area. Walang makapagsasabi kung saan lumipat ang pamilya. Naalala niyang may kamag-anak ito sa Bulacan. Pero kahit ang mga ito ay walang balita kay Amber at sa pamilya nito.

             “Val?” untag ni Alex sa kaharap na dalaga.

“Huh?”

He gave her a small smile. “I asked if I can court you? Sabi mo naman ‘huh?’. Hindi naman iyan ang gusto kong isagot mo. Dapat either ‘Yes’ or ‘No’ lang. But I prefer the first one. Kasi hindi ko kakayanin… kung aayawan mo ang nais ko.”

“I’ll think about it.” Tanging sagot niya.

“Hey guys! Magsisimula na ang bonfire.” Tawag sa kanila ni Ethan.

Nagtipon-tipon na ang lahat ng lumapit sila sa mga ito. Si Sommers at Clark ay di matigil sa ka sweetan kaya naisipan niyang tumabi kay Nikki.

“Kumuha ka na.” abot sa kaniya ni Nikki ng tray kung saan may graham crackers, marshmallow at hershey’s bar para gumawa ng smores. Tumabi si alex sa kaniya at kumuha rin sa malaking bandiho. Sabay pa silang nag melt ng mallows at pinalaman sa crackers at chocolate.

“Hmmm I miss this.” Wika ni Sommers. “My grandparents have a farm in Montana and we always do this during Fall. And my stepdad’s father will sing some country songs and good ‘ol red neck songs. Then my step brother and I will hit on the floor and stomp our feet just for fun.”

“Baka puwede mo kaming sampulan niyan?” biro ni Clark dito.

“Sure! Si Zack nalang ang kakanta.”

“Bakit ayaw mong marinig ang boses namin ni Alex?” natatawang tanong ni Ethan.

Umungol lang si Sommers tanda ng pagkontra sa sinabi ng lalaki. Nagkatawanan naman ang lahat. Tumayo na sina Sommers at Clark para simulang ang pagsayaw habang si Zack ang kumakanta at nagpapatugtog ng guitara.

Tap tap tap….

 Iyan ang tanging ingay na maririnig sa loob ng opisina ni Alex. Nilalaro niya ang isang fine pen habang nakatunganga sa kawalan. Puno ang kaniyang isipan ng mga kuro-kuro. May mga katanungang bumabagabag sa kaniyang isipan. Saan ba siyang nagkulang? Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para maipadama niya sa babaeng iniibig na mahal niya ito?

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon