Kinahapunan pagkatapos ng klase ay
bisita na naman niya si Amber. Nagsu-surf sila sa net habang kumakain ng ice
cream. Magbubukas ng ibang branch ang mommy niya bukas ng gabi.
Ire-release din nito ang mga frozen products sa mga grocery stores. Malaking
project ito para sa mommy niya kaya’t busy na ito sa paghahanda ng mga
kakailanganin. Tumutulong rin ang Ate Gabby at Ate Jana niya sa pago-organize.
“Magpapayat kaya ako?” biglang sabi niya na
ikinatigil ni Amber sa pagsubo.
“Paano ka pumayat eh sige ka ng kain ng kain. Kahit
na kakakain lang natin eh ayun sumusubo ka na naman. At yan! Ice cream
nakakataba iyan, maraming calories.” Panenermon nito sa kaniya.
Inilayo niya ang bowl ng ice cream. Parang tinablan
siya sa sinabi nito.
“Eh bakit
ikaw kahit na subuan kapa ng isang baldeng ice cream eh hindi ka man
lang tumataba?” may sekreto siguro ito sa kaniya dahil hindi man lang
nadadag-dagan ng isang inch ang waist line nito. Tumayo ito at humarap sa
kaniya.
“Nasa genes na talaga ng Nanay ko ang mga slim.
Hindi rin ako palakain na katulad mo. Grabe ka kasing kumain parang mawawalan
na ng bukas. Naku sister hinay-hinay lang at dalaga na tayo. Type pa naman ng
mga boys ang coca-cola body.” Mahabang sermon nito sa kaniya.
Tumayo siya sa kanuupuan at humarap sa isang life
size mirror. Hinahawakan niya ang kaniyang bewang at balakang. Napangiwi siya
sa kaniyang nakita.
Nasaan ba ang salaming ito tuwing umaga?
Ba’t hindi ko man lang namalayan na ganito na pala ako?
Tanong niya sa kaniyang sarili. Bigla siyang
napa-iyak na naging hagulhol. Ynakap siya ng mahigpit ni Amber sa likod.
“Puwede tulungan mo ako sis?” tanong niya rito.
“Oo naman. Kung puwde nga magsimula na tayo ngayon.
Halika baba tayo at punta tayong kusina. Ipapakita ko sa iyo ang mga pagkaing
nakakataba. At kung ano-anong pagkain ang dapat mong kinakain.” Lumayo na siya
sa salamin at sumama rito.
Ayaw pa sanang umapak ni Alex sa bahay
ng mga Concio dahil sa masamang panaginip niya kagabi. Pero wala siyang nagawa
dahil inutusan siya ng Mommy niya na personal na ibigay sa Ninang niya ang RSVP
para sa magaganap na Grand Openning ng bago nitong Bakery. Nasa kabilang kalye
lang ang bahay nila kaya nilalakad lang niya ito. Pinapasok agad siya ng
hardenero.
“Nandiyan po ba si Ninang?” tanong niya rito.