WARNING!!! There’s some Profanity and vulgar words on this Chapter. Reader’s discretion is advised.
“Miss Val ‘eto na po yung schedule ninyo para ngayong araw.” Imporma sa kaniya ng kaniyang PA. Nasa dressing room siya at naghahanda para sa shoot niya ngayong araw. “Pagkatapos po ng shoot ninyo ay may pictorial po kayo at one o’clock. At pagka alas tres naman ay ang interview ninyo kay Mr. Abunda.”
“Salamat. Nakita mo ba iyong binalot ko para sa ‘yo?” tanong niya dito. Bago sila umuwi ni Alex ay dumaan muna silang dalawa sa Time Square kung saan kinuha ang idea sa Time Square New York. Isa ito sa pinakasikat na Mall sa Hongkong. Namili siya ng maipapasalubong niya sa kaniyang pamilya at kasamahan sa trabaho.
“Ay Ma’am Val salamat. Ang sosy mo talaga naisipan mo pa akong bilhan. Wow ang ganda naman nito Ma’am Val. Matagal ko ng gustong bumili ng sling bag na leather made. Thank you po!” hinalikan pa siya nito sa pisngi.
Masaya siyang napapasaya niya ito. Simula ng naging PA niya si Rene ay naging maayos na ang kaniyang schedule. Hindi gaya dati na nahihirapan siyang I balanse ang kaniyang career dito sa Pinas at ang negosyong naiwan sa America.
Kinuha niya ang kaniyang cell phone para I text ang kaibigang si Sommers.
Kumusta? ~Valerie
Maya-maya lang ay nag reply na ito sa kaniya.
Ayos lang ako. Nagde-decorate ako ng babies room para sa kapatid ni Clark. ~Sommers
Wow nice naman. Galingan mo ha. Kelan tayo lalabas nina Amber, Ciara, Nikki, Piper at Samantha? ~Valerie
Hindi ko pa alam. Busy rin kasi si Piper eh. Kumusta na kaya si Sam? ~Sommers
Hindi ko alam. Hindi ko pa siya natatawagan. Siguro mamaya pag-uwi ko. She really needs to get out dahil siya ang mas affected sa ating lahat. ~Valerie
True. Sige hahanap tayo ng paraan para dyan. ~Sommers
Agree. Alright! I have to go may shoot pa ako at interview kay Mr. Abunda. Ciao! ~Valerie
Wow! Galingan mo rin ha. Wink mo ‘ko para malaman ko na nag hi ka sa akin lol. ~Sommers
Lol Sure ‘yan lang ba? Bye ~Valerie
Inilagay na niya ang kaniyang cell phone sa loob ng kaniyang purse. Live ang magagawang interview mamaya. Isa kasi siya sa mga sumisikat na tv personalities kaya nasasabak ang pangalan niya sa mga issues sa dyaro at telebisyon. Na lilink din ang pangalan niya sa iilang artista na naging guest niya sa show. Kahit kailan ay hindi niya pantulan ang mga akusasyon sa kaniya dahil alam niyang hindi naman totoo ang lahat ng iyon. Pinipilit siya ng Mama niya na magsalita na para raw I defend niya ang kaniyang sarili. Pero hindi siya nakinig.
Excited na siyang maka-uwi at makita ang kaniyang asawa. Agad siyang bumaba ng sasakiyan pagka park sa labas ng kanilang bahay. Nakita niya ang katulog na karga ang tatlong buwang anak na si Chloe Kaye. Nilapitan niya ang mga ito.
“Hi Baby!” kinuha niya ang kanyang cute na anak at kinarga sa kaniyang bisig. Nakuha nito ang magandang mata ng mommy nito. Hinalikan niya ang noo ng bata. “How’s my little Princess doing?” tanong niya dito. Dahil sa hindi pa nakakapagsalita ito at tumawa lang ang bata ng buong tamis. Kiniliti ang kaniyang puso sa nakita. Kahit kailan ay hindi siya magsasawang titigan ang magandang ngiti nito.
“Nasaan ang Ma’am mo?” tanong niya sa nakangiting katulong na nakamasid lang sa kanilang mag-ama.
“Nasa itaas po Sir.” Sagot ng babae. Ibinalik niya si Chloe sa katulong at nagmamadaling umakyat sa itaas para makita si Ciara. Inilang hakbang lang niya ang hagdan dahil hindi na siya makapaghintay na makita ang asawa. Araw-araw ay nami-miss niya ito tuwing aalis siya ng bahay.