Seven Years later……
Kaka-uwi lang niya galing Davao para sa Family Outing sa bagong Resort nina Kelvin at Ciara. Nag-aayos siya ng mga gamit ng kumatok ang Ate Jana niya.
“Val, magsisimula na sila sa ibaba.” Ang tinutukoy nito ay ang Family Movie Night nila every Friday.
“Bababa na ako Ate.” Sagot niya dito. Manonood sila ng Sister Act 2 ni Whoopi Goldberg. Ilang beses na nila itong pinanood pero hindi pa rin nagsasawa dahil sa isa ito sa paborito nilang pelikula.
Nagsuot lang siya ng isang shorts shorts at sleeveless shirt na pantulog. Nakasanayan na niyang yun ang sinusuot tuwing gabi. Wala namang ibang nakatira dito dahil matagal ng hindi dito nakatira sa bahay nila ang Ate Gabby niya dahil ikinasal na ito kay Seth nuong isang taon. Nagdala rin siya ng paborito niyang kumot ng bumama siya. Pagpasok niya ay pumuwesto siya sa tabi ng Ate Jana niya sa malaking couch. Ang mga magulang naman niya sa sa loveseat umupo.
Nagsisimula na ang palabas ng pumasok si Alex sa family room dala ang isang baso ng alak. Nabigla siya dahil parang at ease na ito sa bahay nila. Parang matagal ng nakatira ang lalaki sa kanila. Isasatinig na sana niya ang katanungan sa kaniyang isipan ng magsimula ng magsalita ang mga bida.
Hindi siya mapakali sa buong palabas dahil naiilang at naiinis siya sa presensya ni Alex na katabi ni Jana. Isinampay pa nito ay isang braso sa likod ng kaniyang kapatid. Kaya kitang-kita niya ang maputing kamay ni Alex sa gilid ng kaniyang mata.
Ibinalik niya ang atensyon sa screen ng malaki nilang tv. Ang mga students ni Sister Mary Clarence ay gusto ng mag back out sa isang contest. Pero pinigilan ito ni Sister Mary Clarence.. “You’re all ready to leave cuz you got scared” sabi nito na sinang ayunan ng mga studyante. Nagsimula na siyang magkukot ng kaniyang daliri dahil alam na niya ang susunod nitong sasabihin. “O yeah now that’s your emo. See that’s how ya’ll operate ooohhh something new we better run away. Forget about all the people who busted their butt to get you here cuz they believed it. Let me remind you of something okay.. If you wanna go somewhere and you wanna be somebody you better wake up and pay attention because if everytime something scary comes up you decide to run… you all gonna be running for the rest of your lives.” Napakagat labi siya dahil sapul siya sa sinabi ni Whoopi. Matagal na niyang tinatago ang kaniyang sarili sa bago niyang katawan.
Naalala pa niya nuong bumalik siya ng Greece ay sinabi niya sa mga magulang na manatiling sekreto ang nangyari sa kaniya. Kahit si Amber ay hindi alam na muntik na siyang mamatay nuon. Nahihiya siya sa kaniyang ginawa kaya natuto siyang itago ang dating siya at magsuot ng maskara sa harap ng mga tao. Nang lumipat na sila ni Alejandro sa Italy para mag-aral ay tinulungan siya ng pinsan na mag exercise tuwing umaga at kumain ng tama. Halos anim na buwan niyang pinagpaguran ang itsura niya ngayon. Simula nuon ay nag-iba na siya. Hindi na siya si Valerie Dawn Concio na balyena, lumba-lumba, tabachingching at baboy. Lumaki ang kumpiyansa niya sa sarili at dumami ang kaniyang mga manliligaw. Doon rin siya natuto kung paano makikipag relasyon. Papalit-palit rin ang kaniyang naging nobyo. Bagay na kinukunsinti ni Alejandro. Para daw matuto siyang kumilala ng lalaking magiging kasama niya habang buhay.
Nagsimula ng magperform ang mga students ni Sister Mary Clarence. May nag rap din. Nalala tuloy niya ang naging nobyo sa San Francisco kaya binulungan niya si Jana.
“May naging nobyo ako na rapper sa SanFran sis.” Medyo napalaki ‘ata ang boses niya dahil sinabihan siya ng ama na huwag maingay.
“Talaga?” baling ni Jana sa kaniya. “Mamaya mo na sabihin sa akin ha.” Kinilig pa ito.
Patuloy sila sa panonood ng pelikula. Hindi nagtagal ay natapos na rin ito kaya nauna na siyang umakiyat sa kaniyang kuwarto.
“Good night mom and dad.” Sabay halik sa pisngi ng mga ito. “Sis bukas nalang tayo magkuwentuhan ha. Good night din.” Nagpaalam na siya sa mga ito. Hindi talaga niya binati si Alex ng good night dahil wala naman good sa night kung ito ang makakasama niya. Napasimangot siya sa naalala nung pumunta sila sa Davao. Lagi nalang, parang pinaglaruan sila ng masungit na panahon…. Lagi nalang silang magkatabi sa eroplano.
![](https://img.wattpad.com/cover/982314-288-k104712.jpg)