Chapter 6

4.7K 55 0
                                    

Maagang nagising si Val para sorpresahin ang kaniyang mga magulang bago umalis para sunduin si Amber. Ganoon siya kapag may kasalanan siyang nagawa, bumabawi siya sa pamamagitan ng paglalambing sa mga ito. Dumiretso na siya sa kusina para maghanda ng lulutuin.

Gagawa siya ng Breakfast Potato with eggs and Bacon.

             Naghiwa siya ng onions, green and red bell peppers, garlic, at diced potato. Niluto muna niya ang Bacon sa ibang pan. Kumuha siya ng mas malaking pot at pinainit konti sa stove bago siya naglagay ng konting sasame oil. Inuna niya ang onions after 4-5 mins. In a medium heat ay sinunod na niya ang garlic. Siniguro muna niyang hindi masunog ang minced garlic na inilagay niya. Sinunod niya ang potatoes at ng masigurong half cooked na ito ay nag beat siya ng limang itlog. Binaliktad niya ang bacon at ng maluto ay naglagay siya ng paper towel sa isang plato para maalis ang excess oil. Icho-chop pa niya ang bacon maya-maya. Gumawa siya ng bilog sa gitna ng pot na may potatoes para mailagay niya ang eggs sa gitna. Matapos maluto ng itlog ay hinalo na niya ang lahat-lahat kasama ng bacon. She seasoned it with Kosher salt and pepper.

“Hmm ang bango naman niyan.” Sigaw ng Daddy niya habang pababa ng hagdan.

“Good Morning Mom and Dad. Ako na po ang naghanda ng breakfast. Upo na po kayo at ihahanda ko lang po yung maiinom” inilagay niya ang lahat ng potato sa malaking bowl.

“Let me do the drinks baby at para makakain na rin tayo.” Nagsidatingan na rin ang dalawa niyang kapatid. “Jana help me with the coffee. Ikaw Gabby anong gusto mong inumin?” tanong nito sa nakakatandang kapatid niya na nagbabasa din ng newspaper gaya ng Daddy niya. Parang carbon copy talaga ang dalawa dahil parehong nakasalamin at nakatutok ang attention sa binabasa.

Nagkatinginan silang tatlo ng mommy at ate niya sabay tawa.

“Coffee it is…” sagot ng mommy niya.

“Hmmm Val this smells good. Saan mo ito nakuha? Ma, why is it si Val lang ang nagmana sa inyo na mahilig magluto? Even Jana here hindi nahilig sa kusina.” Tanong ng nakakatanda niyang kapatid.

“I don’t know. Bakit nga ba Val?” baling  sa kaniya ng mommy niya.

Nagkibit balikat lang siya. Matapos uminom ng orange juice ay nag excuse na siya para maligo. Mag Ma-malling silang dalawa ni Amber ngayong araw ng Sabado. Bibili sila ng acessories nila para sa Prom next Saturday.

“Ano bang nangyayari sa batang ‘yon at hindi na kumakain ng tama?” tanong ng Mommy niya.

“Baka hindi nasarapan sa luto mo mom” sagot ni Gabby.

“Hee! Tumigil ka nga diyan.” Bulyaw nito sa anak. Himagikhik naman si Mr. Concio.

“Kayo talagang mag-ama pati ugali carbon copy.” Alam ng mga ito kung gaano niya kamahal ng kaniyang pagluluto.

“Baka nag da-diet?” parang wala sa sariling sagot ni Jana.

“Oo nga Mommy baka in-love na iyang si bunso. Tingnan mo nga at nakikipaghalikan na kay Alex sa locker room kahapon.” Napahagikhik uli’t si Gabby.

Ibinaba ni Mr. Concio ang binabasa nitong news paper bago uminom ng kape. “Hindi ako tututol kung si Alex rin lang ang makakatuluyan ng bunso natin, dba mommy?” tanong nito sa asawa.

Napalabi naman ang Ginang. “Oo naman, pero daddy baby natin yun eh. Hindi pa ako handa na magka nobyo o magsipag-asawa sila.” Sabay turo sa dalawang anak. Inalo naman agad ito ng Mister.

“Dadating at dadating talaga ang panahon na magsipag-alisan na ang mga batang ‘yan. At tayo, puwede na tayong mag retiro at mag post-honeymoon gaya nina kumare at kumpadre.” Ang mga magulang ni Alex ang tinutukoy nito.

One Last Chance COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon