Chapter 19

5K 111 0
                                    

A/N: sorry for the typos and wrong grammars.
Alyssa

December 24,20**

Maaga akong gumising para pumunta sa mall, I need to buy some foods para mamaya and ofcourse gifts, hayss hindi ko kasi naharap nitong nakaraang araw.

I grabbed my car keys and drove to the mall.

I fished out my checklist para sa mga bibilhin ko

-Ham
-keso de bola
-spaghetti
-carbonara
Atbp.

Kumuha na din ako ng pushcart dahil marami talaga 'to for sure.

Nauna muna akong pumunta sa Pasta Section, where I could buy some pasta for my favorite dish.

"Damihan mo besh"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod.

"Shems. Bat ka ba nanggugulat Ella?"
I said.

"Nagulat ka pa non, eh ang ingay kaya dito sa SM"
Sabi nito

Tama nga naman, ang lakas kasi ng tugtog.

"Besh, kamusta na kayo ni babe Den mo?"
Tanong nito at sumabay na saking maglakad.

"Hah? Anong kami?"
Tanong ko habang nakatingin sa checklist.

"Nako, deny pa. Eh diba kayo na?"

"May sasabihin ako sa'yo promise me na hindi mo sasabihin sa iba"

She just nodded while waiting for my next words.

"Walang kami, Gusto lang kayong pagtripan ni Den that time."

Ella was a bit shocked.

"What?! Are you kidding me Ly? You kissed each other."
Hysterical na tanong nito.

"Part of a plan. "

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Naguguluhang tanong niya.

"It's a secret at gusto pa ni Den ipagpatuloy yung pagpepretend namin"

"And did you agree on her plan? C'mon Alyssa. Bakit?"
Inis na tanong nito sabay pamewang.

"Anong masama don, besh?"

"Do you want to know what's wrong with that? Yun yung pumayag ka na paglaruan yung feelings mo. Okay sana kung wala kang gusto ka sakanya pero besh naman, masakit sa part mo yon kahit hindi ka magsalita!"
Mahabang paliwanag nito.

Ella knows me well.

"You know when it comes to her I can't say 'no'"

"Unbelievable! Poor Alyssa! Ganyan ka na ba ka desperada? Bestfriend ko kayo, pero besh mali na yung ginagawa ni Dennise, I need to talk to her."

Hinawakan ko naman yung kamay niya.

"No besh. This is my fault dahil pumayag ako kaya wag mo siyang sisihin or what ginusto ko din naman 'to e tsaka isa pa masaya naman ako atleast kahit minsan kahit kunwari lang, naging kami diba?"
She just rolled her eyes.

"Sige dahil masaya ka naman. Okay tsk. Fine. Pero besh kapag masakit na.. Tigilan na hah?"

Namuo naman yung luha sa gilid ng mata kaya ang ginawa ko niyakap ko na lang si Ella.

"How can I stop if this is one of the reason why I want to wake up everyday?"
I said, almost a whisper.

-

"Besh paabot ng Nestle cream"
We're currently cooking spaghetti para mamaya, and yes I'm with Ella, dito daw siya magcecelebrate ng Christmas.

"Patikim naman!"
Sabi nito sabay sandok dun sa sauce.

Stars&Promises: (The Special One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon