Chapter 67

4K 76 18
                                    

Ella

"This is too much. Para kanino ba 'tong mga bulaklak na 'to?"
I asked Alyssa na busy sa pagpeprepare ng mga blue roses.

"You know what? I'm asking for your help besh."
Sandali pang tumingin ito sakin sabay abot ng white ribbon.

"Pwede naman kasing ipagawa 'to sa flower shop. Bakit ikaw pa nag-aayos?"
Reklamo ko habang itinatali ang ribbon sa isang rose

"Para kanino ba kasi 'to? Para kay Rad?"
Tanong ko ulit, pero ngumiti lang ito.

"Pakisunod yung iba"
Sabi nito at dinala yung ibang roses.

Sumunod naman ako habang hawak ang mga naiwan na bulaklak.

"Oh, eto"
Abot ko sa roses.

Maingat naman niyang isinalansan ang mga ito sa backseat ng kotse niya.

"Para kanino ba kasi 'to?"
Tanong ko ulit.

"Basta"

"Ewan ko sayo, Ly!"
Hindi na ito nagsalita at nagmadaling umikot upang sumakay sa driver seat.

Sumunod naman ako at naupo sa shotgun seat.

Parang shungang ngiti-ngiti naman si Alyssa habang nakatingin sa rear mirror.

Ang weird talaga ng taong 'to.

She started the engine, nagtataka man ay hinayaan ko na lang kahit wala talaga akong clue kung saan kami pupunta.

Habang tinatahanak namin ang daan kung saan kami pupunta ay napakunot noo ako dahil pamilyar ang daan ng pupuntahan namin kaya muli akong nagtanong.

"Where the hell are we going?"

"You'll see"
Sagot nito at kumindat.

Pilit kong inaalala ang pamilyar na daan na ito.

'C'mon Ella, madalas kang dumadaan dito para puntahan yung bahay ni...... ???'

"DENNISE!"
naisigaw ko ang nasa-isip ko.

Gulat namang napatingin sakin si Alyssa.

"Bakit kailangang sumigaw?"
Si Alyssa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit tayo pupunta kila Den?"
Direct kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman ito ng sobrang lapad.

"You'll know later"

-

Dennise

I was enjoying the environment here in my mom's garden, I really miss this place. I was siiting sa isang wooden swing habang inuugoy ito ng dahan-dahan. From here, I can see the flowers na alaga ni Mommy.

And i can feel the fresh air.

'This is life'

Pero biglang napasok sa isip ko si Alyssa, Natandaan ko yung nangyari kagabi. Sana noon pa lang nalaman ko na ang dahilan niya para hindi nasayang yung tatlong taon diba?

Pero naguguluhan pa din ako kasi All this time I was blaming her kung bakit nagkahiwalay kami pero ang totoo pala, she was the one who sacrificed a lot for us.

Ngayon lang na-absorb ng utak ko lahat,lahat.

But the painful thing is noong malaman ko na family ko pala ang naging dahilan why we separated, Kaya ako natatakot noon pa lang kasi alam ko na hindi nila kayang tanggapin ang ganito.

Hindi ko sila, makompronta ngayon dahil ayokong saktan sila, I know they did a mistake but still, they are my family. At kahit pagbaliktarin ang mundo, they will remain my family.

Stars&Promises: (The Special One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon