Chapter 2 - A Promising Start

84 4 0
                                    

True to his words, Matthew Luis Ocampo texted me at around 7 pm.  Unusual for me na laging kasama ang cell phone kung saan pumunta.  So, if anybody's observing me, medyo obvious na may kakaiba sa mga kilos ko.  At talaga namang may matalas ang matang nag-o-obserba, si Ate Rose.  Rosita ang name niya, pero since 28 lang naman siya, mas gusto niyang tawaging Rose, para tunog dalaga daw, kahit na dalagang-ina na siya.  Siya ang kasama ni Lola Amelia kapag nasa school ako, siya din ang katuwang ni Lola sa mga gawaing-bahay.

Medyo malaki ang tini-tirahan naming bahay dito sa may Cubao, Q.C., the nearest main road is Aurora Boulevard, medyo luma na nga lang, bahay ito ng Lolo at Lola ko, kung saan lumaki sina Mommy at Tita Annie.  My Tita and her family now live in Fairview, medyo malayo sa amin.  After my parents' separation, dun na kami tumira nina Mommy at Kuya Alex sa bahay ni Lola.  Di ko na matandaan ang Lolo ko, two years old pa lang ata ako nang mawala siya.   

Pagtunog ng cp ko alerting me of the text message, dinampot ko agad.  I was done doing my school works at nagku-kutingting na lang ako sa study table ko, located near our sala, when the text arrived. 

Hi Ashley Jane Garcia, I hope you still remember me.  This is Matthew Luis Ocampo.  How are you now?, I hope you're safely home.  Iyon lang kinilig na ako, Hi Matthew, home na ko, I was about to send the message when I decided na maghintay ng 5 minutes bago ko i-send.  Baka naman isipin niya, hinihintay ko ang text niya kaya nakareply agad ako.  Exactly 5 minutes after, si-nend ko na, with matching smile on my face.  How's your day?, na-traffic ka ba?,  Kaka-rating ko lang, syempre traffic na naman sa Makati, he texted back.  Okay naman, medyo mahirap sumakay, I replied. 

Ang tipid mo naman sumagot, is it ok to call you?, he texted again.  Before I can reply, tinawag na ako ni Ate Rose, magdi-dinner na daw kami, We'll have dinner lang, you may call me after an hour, if you like.  He replied, I'd love to,  talk to you after an hour, Ashley

"Uuuy, may ka-text, boy ba iyan?" tukso ni Ate Rose, I like her, mabait naman siya, pero medyo mausisa.  "Paano mo naman nasabi na boy?', nakangiting tanong ko sa kanya.  "Kung friends mo yan, sa telephone mo kakausapin, ngayon ko lang nakitang bitbit mo ang cell phone mo kahit saan ka pumunta. Ibig sabihin, may hinihintay kang tawag sa cp, o text", panganga-tuwiran ni Ate Rose.  Kinindatan ko lang siya, "huwag kang maingay kay Lola", sabay kaming kinilig. 

After dinner, pumunta na ako sa kuwarto ko, talagang hinintay ko ang tawag ni Matthew.  After two rings ko sinagot ang cell phone (smooth ha, para di halatang hinihintay ko siya).  "I'm really glad that you're accepting my call, I thought natakot ka sa akin and don't want anything to do with me anymore", opening niya after ng routine hello and hi.  "Do I have anything to fear, Mr. Ocampo?", pabiro kong sabi.  "None at all, Ms. Garcia...I'm very glad I decided to drop by sa school kanina.  If bumalik agad ako sa office ko, I would have missed a great opportunity", he said. 

"Naligaw ka ba pagpunta sa mga pamangkin mo?, are they happy to see their tito?", tanong ko ulit sa kanya.  Umupo ako sa gilid ng kama, napatingin ako sa side table ko at sa phone extension na nandoon,  saka ko na-realize, pwede naman kaming mag-usap sa landline, baka maubusan siya ng load.  I doubt it, malamang naka-line siya, di tulad ko na naka-prepaid, still, magastos pag sa cp kami mag-uusap. 

"You know, we have a landline, if you like, you may call me there".  "Sure", sabi niya at binigay ko sa kanya ang landline number namin, this one kabisado ko, mas konti kasi ang numero kesa sa cp number.  This is my normal mode of chatting with friends, and I'm giving it to this guy whom I just met.  What the heck?...I'm not being cautious, but so what?  I like talking to him, he makes me laugh.

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon