"Thanks, Ferdie. Basta ako na ang bahalang mag-print and collate para okay na lahat sa Monday", nakatayo pa ako sa may pinto ng kotse ng classmate ko, kaka-baba ko lang from the backseat, sa likod ng driver's side. Nasa harap ko si Ferdie dahil pinagbuksan niya ako ng door. Galing kami sa bahay ng isang classmate namin, gumawa ng project. Since on the way ako sa house ni Ferdie, nakisabay na din ako. Nasa loob lang ng car ang dalawa pa naming classmates, si Cheena, nasa backseat din, at si Ron na nasa passenger seat.
"Uhurm", someone cleared his throat, nasa may likuran ni Ferdie, malapit sa may gate namin. We both looked at the source of the sound. Nakatayo si Matthew sa may gate namin, arms crossed in front of him. "Matthew!, hi, tapos na ang party ni Lance?", dali-dali akong lumapit sa kanya, "si Ferdie, groupmate ko, this is Matthew, my boyfriend...sina Ron and Cheena over there". After ng hi and hellos, umalis na din agad sina Ferdie.
Pumasok na kami sa loob at bumati ako kay Lola. Dumiretso kami ni Matthew sa garden, it was actually more of a backyard na may mga plants at ilang mga puno, it was too untamed to be called a garden. Dito ang tambayan ko madalas sa bahay kapag nag-iisip, or nagpa-palipas ng oras. May duyan doon na nakakabit sa dalawang puno, it was shady there, at minsan pag sinuwerte, presko ang hangin. Sa tabi ng duyan ay may maliit na iron table na may dalawang upuan. Sa ilalim ng table ay may katol, madalas ay may nakasinding katol doon ke araw o hanggang gabi, kung may tao pa din, pantaboy daw ng lamok, sabi ni Lola. Sementado naman ang kinalalagyan ng lamesa, so di naman fire-hazard ang katol.
Umupo si Matthew sa upuan near the table, ako naman ay umupo sa duyan, iyon talaga ang domain ko dito sa bahay, si Kuya kasi mas madalas sa kuwarto lang niya, or sa lakwatsahan. "Huy, bakit wala kang kibo?, may sumpong?", pabirong tanong ko. Napansin ko na tahimik lang siya simula pagpasok namin ng gate. "It's not my fault that I missed your newphew's birthday, di ba? Sabi mo Sunday yun, eh nasabi ko na naman sa iyo na kelangan naming tapusin ang project namin today, sino ba naman ang gustong gumawa ng schoolwork almost all day of Saturday?", pagpa-paliwanag ko sa kanya.
"It's not about missing the party, aalis ang Dad ni Lance tomorrow that's why we moved it today, as I have told you. Saka syempre you have to prioritize your schoolworks, pero what I can't understand is ayaw mong magpa-sundo sa akin, pero nagpa-pahatid ka naman sa iba", inis niyang sagot. "Uyyy, nagse-selos ang boyfriend ko, touched naman ako. For your information, wala kang dapat ipag-selos...mas pogi ka naman dun", pumunta ako sa likod niya at niyakap ko siya.
He held my hands, maybe to keep me there, embracing him (kilig), he sighed. "Hindi ako nagseselos, naiinis lang". "Eh kasi naman, on the way pauwi ni Ferdie dito, so pinasabay niya ako. Saka nakita mo naman, hindi lang ako ang nasa kotse, remember?", bumalik na ako sa duyan, he held on to my right hand. "Pwede naman kasi kitang sunduin, para di ka na nagpapahatid kung kani-kanino", pagmamaktol pa din niya.
"Aalis ka sa party ng pamangkin mo?, nakakahiya naman, di na nga ako nakapunta, tapos aalis ka pa. Baka naman kung ano na ang isipin sa akin ng relatives mo", palambing kong sagot. Tumayo siya at umupo sa tabi ko sa duyan. "Andun lang naman sila sa bahay, pagbalik ko mamaya, andun pa din sila. It's my responsibility to keep you safe", sabay akbay sa akin. I love the smell of him and the warmth of his body. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, it's late in the afternoon, pa-palamig na ang simoy ng hangin.
"Huwag mo naman akong i-spoil, baka masanay ako, kawawa ka", I looked at him, all smile, I still can't get over that crazy feeling when we're near each other. He looked down at me, "I intend to stay, at hinding-hindi po ako magsa-sawang siguruhin that you will always be safe, and happy". I laughed a little, I poked him at his side, may kiliti siya dun, "Bola mo, hindi na po kailangan kasi I'm yours na, nanliligaw ka pa din". Napa-igtad siya at pinigilan ako, he held my two hands, "you're doing it again ha...charming your way out of trouble".

BINABASA MO ANG
The End of Your Song
RomanceWho is more deserving to be loved---the one you prayed for?, or the one who came along and fulfilled all you've been wishing for? Si Angelo?, ang lalaking matagal na ipinagdarasal ni AJ sa bawat umagang dumaraan siya sa campus chapel nila. Si Mat...