Chapter 13 - Revelations

48 3 0
                                    

Malakas na palakpakan at halakhakan pagkatapos ng birthday song para kay Lance. It's a big event, 21st birthday ng panganay na apo, lalaking apo. No wonder ang handaan nasa malaking bahay, sa mga Lolo at Lola niya. Syempre, bilang prospective member ng angkan, I have to be there. I never left Matthew's side, though halos kilala ko na lahat ang mga kapatid at pamangkin niya.

It's been a long while since we last talked or even interact. Sineryoso ko ang payo ng mga kaibigan ko na iwasang mapalapit kay Lance, though dapat din yatang medyo lumayo din ako kay Patrick. I can't help it, mas friendly at masayahin naman si Pat, mas madaling kasama, at walang kaming past. Para namang may past kami ni Lance.

Minsan na-gi-guilty lang ako, why should I play favorites? Pareho lang naman sina Pat at Lance na close kay Matthew. I tried on those occasions na kailangan naming mag-interact ni Lance to be casual, since I cannot be as usual. Buti na lang, as expected tahimik lang siya, right in the shadows of his uncle and his cousin.

Pat brought a girl, for the first time, kahit na nga madami na daw itong naging girlfriend, ngayon pa lang sya nagsama ng girl sa kanila. I'm glad there's someone new na pagtu-tuunan ng pansin ng mga kamag-anak nila. She's a friend of his classmate, from our school din, so it's easier for me to chat a little bit with her.

Syempre, hindi nakawala sa pansin ng ibang kamag anak na mas nauna pa si Pat magdala ng girl bago sa nakata-tandang pinsan niya. In fairness, parang bale-wala naman kay Lance ang comment na iyon. Parang mas concern pa ako for him, but then again, bata pa naman siya. Not having a girlfriend yet, if you're a 21 year old guy is not that big of a deal. Besides, nagka-gf na din siya dati, kahit na sandali lang iyon at di niya ipina-kilala sa mga relatives nila.

Sa dami ng bisitang kamag-anak at mga kaibigan ng iba't ibang miyembro ng pamilya, mas matao pa lalo ngayon. Mas maingay at magulo. "Napansin mo sina Pat at Lance?, parang kanina pa wala", tanong ni Matthew kay Candice, girlfriend ni Pat, na noon ay kausap ko. Kausap niya ang mga tito niya sandali kaya naiwan ako para estimahin si Candice. "Parang sabi ni Pat, may kukunin daw sila dun sa house nina Lance, pero kanina pa iyon", sagot nito. Nilapitan siya ng Mommy ni Pat, may ipa-pakilala daw.

"Puntahan ko muna sila", paalam ni Matthew sa akin. Di sadyang napabuntong-hininga ako, he looked at me with concern. "Are you okay?". "Nahihilo na ko sa dami ng tao", I smiled guiltily. "Samahan mo na lang ako, para makalabas ka, at least mas presko paglabas". We went out through the backdoor, then to the common driveway that make all the houses in the compound accessible. Third house ang bahay nina Lance, though panganay ang Dad niya, ito ang nakuha niya sa bunutan. We got in the front door.

May nagsi-sigawan sa loob ng room sa ground floor, dinig na dinig namin kahit kakapasok pa lang namin sa bahay. Medyo nakabukas kasi ang kwarto, kaya nadidinig ang pagtatalo nila. Boses nina Pat at Lance, I was surprised, I've never heard any story from Matthew na aktuwal na nag-aaway ng ganito ang mga pamangkin niya.

Wala namang ibang tao doon, I doubt kung narinig nila ang pagpasok namin. I knew immediately na a-awat si Matthew, pinigilan ko siya, I held his left arm, umiling ako. I'm not sure if tama bang maki-alam siya, sigawan pa lang naman ata. I feel like we're intruding at them, gusto ko na sana siyang yayain palabas.

"You have to move on, ang tagal mo nang nagmu-mukmok!", galit nga ata si Pat, "minsan kasi nakaka-limutan mo ata!". "Ang alin?!", ngayon ko lang narinig na ganoon ang tono ni Lance, full of negative emotions, either galit na galit siya or sobrang sama ng loob niya.

"That AJ belongs to Tito Matt!", pasigaw pa ding sagot ni Pat. "Yung nangyari sa inyo sa may holy water sa chapel, ni hindi niya naa-alala, and you still think it was a magical moment?...wake up Lance!".

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon