Chapter 19 - The Completion of a Song

84 5 0
                                    

"AJ, kumusta ka na?", masayang bati ni Patrick, he gave me a quick hug. "You look great, ang tagal mong nawala, buti naman naisip mong um-attend ngayon". He's still handsome, and boyish, pero medyo chubby na. I was reminded of Jelly Beans, kumusta na kaya ang batang yun?, hindi na pala siya bata ngayon, binata na siya.

"Okay naman, napilit nila ako, ita-takwil na daw nila ako sa barkada kapag di pa din ako naka-attend ng kasal ni Lindsay", pabiro kong sagot. "Ikaw, kumusta na?, dalawa na pala ang babies mo", tanong ko sa kanya. "Eto mukhang Daddy na", he laughed.

"Pareho pala kayo nitong si Lance, pinilit kong umuwi kasi kelangan niyang mag-attend this time sa binyag ng baby ko. Hindi siya naka-uwi nung binyag ng panganay. Hindi pumayag si misis na ipalista ang pangalan niya sa mga Ninong kung papa-proxy lang daw, sa susunod na lang daw, buti na lang nasundan pa", he laughed, he's still the talkative Pat I know.

Lance is with him, the separate college programs are already finished, may mingling time sa grand ballroom ng alumni building. Yung ibang mga attendees nga ay nagsi-uwian na. "Kung alam ko lang na uuwi ka din, kinuha sana kitang Ninang, kaya lang kumpleto na ang listahan ni misis, baka paghanapin na naman ako ng isa pang Ninong", he laughed again. Then he turned his attention to my other friends, kumustahan, we all sat in one table for a little chit-chat.

It was a normal catch up with friends, anyway, my friends and I, Pat and Lance, we go way back. I joined in the conversation which was dominated by Belle and Pat. Hindi namin namamalayan ang paglipas ng oras, Lei's phone rang. She said she has to go na, hinahanap na siya ng anak niya. We bid her goodbye, with a promise of seeing each other in a few days. Hindi ko pa nabibigay ang pasalubong ko sa kanila, we have a date for that.

"Naku, nakalimutan ko, dapat pala na-invite ko si Lei sa binyag ng baby ko, I can call her. O kayo?, pwede ko ba kayo i-invite, next Sunday na iyon?", ani Pat sa amin. "Naku, sayang, may business trip ako sa Singapore, Sunday ang alis ko", sagot ni Mandie. Totoo naman, kaya nga next Friday night at Saturday niya sinet-up ang lakwatsa namin. "Ako, may fitting ng gown ko", sagot ni Lindsay.

"Oh AJ, I hope you can come. Wedding anniv din nina Mom and Pop, everyone will be happy to see you", baling naman ni Pat sa akin. Hindi muna ako makasagot, simula nung nawala si Matthew, hindi na ako nakabalik sa kanila. Not on his forty days, not even when his Mama and Papa died. According to Mandie and Lei, three days apart lang namatay ang mga magulang ni Matthew. That time, we were preparing for Kuya's wedding. I talked with Pat then, told him I will try to come, but when he learned of the wedding preparations for Kuya, he told me to just stay. Siya na daw ang bahalang magsabi sa kanila.

Now, as much as I don't want to go back to their compound, I don't think I have any reason to refuse the invitation. "Anong oras ba ang binyag?", I asked buying for time. "10:30 am ang binyag, pero para di ka mahirapan, kahit sa kainan ka na lang pumunta, mga lunch time". "Okay", what else can I say? Their family has been good to me, ano ba naman ang sandaling time na ii-spend ko with them?

Lindsay received a call from her fiancé, sinusundo na siya. Medyo kumu-konti na nga din ang mga tao sa venue. Maya-maya, dadating na din si Stephen to pick up Mandie. "Gusto mong ihatid ka na lang namin, AJ?", tanong niya. "No need, I have a car, pinahiram sa akin ni Sharon", sagot ko sa kanya.

After a while, the four of us who are left, decided to take our leave. "Dun ako, sa labas ako nag-park para di malayo ang lalakarin", ani Belle. "Dun ako sa parking sa may hospital", sabi ko naman kay Belle. It so happen na dun din pala sina Lance at Pat. Hinatid namin si Belle sa labas ng campus sa sasakyan niya, bago sabay-sabay na kaming pumunta sa parking near the hospital.

Pat didn't change much, he's as talkative as ever, middle of an anecdote about his infant son, nag-ring ang cell phone niya. "Hinahanap na ko sa bahay, okay lang ba if I go ahead?, andyan naman si Lance", he told me, "ikaw na ang bahala kay AJ", sabi niya sa pinsan niya. Tumango lang si Lance, Pat walked faster and in a short while, malayo na ang distansiya niya sa amin.

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon