They said it will pass, after some time. The moment I went home, dumiretso ako sa special place namin ni Matthew sa duyan, it seems I never left from then. They have to bring me food, it doesn't matter kung kinakain ko yon o hindi. They keep on putting food on the iron table na katabi ng duyan namin.
The days turned to weeks, the weeks into months, I have nowhere to go. I recall Daddy and Mommy saying goodbye. Whatever words of comfort they said, I can barely remember. Then Kuya Alex has to go, he told me we can go to Philly together. He said it will be better for me.
"Go back to Philly, Kuya, I'll stay here", it was a matter of fact statement. "There's nothing for you here", there's always concern in his voice these days. "I'll stay here, there's nothing for me anywhere", then I turned my back on him. Sabi niya, babalik siya when he can, it doesn't make a difference to me. If there's one thing I learned from losing Matthew, it is that I can be on my own.
All my friends visit me, too often, I think, especially Mandie. Too bad, they are talking to a wall, as much as I love them, they cannot reach me as well. Here in this place, in our special place, is the only spot where I can still exist. Sometimes, I go to my room para matulog, come day time, andito na uli ako. I have the huge teddy bear that Matthew gave me, I hugged it tight, but even that cannot give me comfort.
"Malapit na ang start ng review natin, you need to go there to submit the requirements, or they will forfeit your down payment", paalala ni Mandie, nakaupo siya sa silyang bakal. Our other friends are there, my cheering squad, too bad, no matter what they do or say, I forgot how to even smile.
"I'm not reviewing", maikli kong sagot. A sob, coming from Lei, "sayang naman, classmates pa naman uli tayo sa review". I just looked at her, I'm sorry Lei, even my emphaty has left me. "You can't be like this forever", pagalit na sabi ni Belle. Concern, mad, sad or pitying, it doesn't work on me anymore, Belle. Lindsay, being her usual self, didn't say anything. At least she knows, there's nothing she can say that will work on me now.
One morning I woke up from my room, as usual pumunta ako sa backyard. Nakita ko si mang Nestor, handyman na laging pinapatawag ni Lola kung may mga ipa-pagawang gripo or puputuling sanga sa mga puno sa likod-bahay. Binibilot niya ang duyan namin ni Matthew, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Bumangga pa ang hita ko sa nakaharang na silya, napatid ako at napa-subsob sa sementong parte ng backyard. Dali-dali akong tumayo at tumakbo.
Hinila ko sa kanya ang duyan, galit na galit ako, "ibalik mo ito!, wala kang karapatang pakialaman 'to!". Natulala sa pagkabigla ang matanda, para siyang nakakita ng baliw na gusto siyang patayin. Hindi pa din siya kumikilos, I was enraged, walang tigil ang hagulgol ko, but he still remained standing there. I took the rope, kung ayaw mong kumilos, ako ang magbabalik nito.
Humahangos sina Lola at Ate Rose papunta sa amin. Pinipigilan nila ako, pinapa-kalma. "No!, patayin niyo na lang ako kung aalisin niyo ito!", bakit ba hindi ninyo maintindihan na ito na lang ang mundo ko? "Ikabit niyo ito, please", I'm like a wounded animal gasping its last breath.
Niyakap ako ni Lola, umiiyak din siya. "Ano ba ang nangyayari sa iyo AJ?, huwag mong sayangin ang buhay mo ng ganito, apo". Nakasalampak na pala ako sa lupa, kaya pala nakaluhod siya, hirap siyang lumuhod dahil sa rayuma, pero eto, gusto niya akong pakalmahin.
"Please Lola, maawa ka naman sa akin, ipabalik mo ang duyan", I'm clinging to her like a drowning person. Tumango siya, tiningnan si Mang Nestor. Pinag-tulungan kami nina Ate Rose at Mang Nestor na tumayo. Umupo ako sa silyang bakal malapit sa pwesto ng duyan, binantayan ko si Mang Nestor hanggang sa maikabit niya ulit ang duyan.
Napansin ko na lang si Ate Rose na nililinis ang mga palad at tuhod ko. Nasugatan pala ako nang mapa-subsob kanina, may pasa din ang hita ko, they didn't even hurt. Puno ng awa ang mga mata niya, hindi siya kumikibo, tuloy lang siya sa pag-gamot sa mga sugat at pasa ko.
BINABASA MO ANG
The End of Your Song
RomanceWho is more deserving to be loved---the one you prayed for?, or the one who came along and fulfilled all you've been wishing for? Si Angelo?, ang lalaking matagal na ipinagdarasal ni AJ sa bawat umagang dumaraan siya sa campus chapel nila. Si Mat...