Chapter 3 - Sketch of Melancholy and Hope

64 4 0
                                    

Kina-kabahan ako sa paghintay sa pagdating ni Matthew, panay ang silip ko sa bintana ng sala, giving view to our gate.  As if makikita ko ang pagdating niya, ang taas kaya ng gate namin, may silipan lang na kapiraso para makita kung sino ang anduon.  The doorbell will be a give-away kung may tao sa labas.  So, pointless ang pagsilip ko, unless dun ako sa may gate sisilip.  This is the first time na may "aakyat ng ligaw sa akin", in the words of my Lola.  Okay naman siya nang magsabi ako sa kanya na baka may bibisita akong "kaibigan".

My ever-hospitable Lola, nagluto pa talaga, na-overdo nga nila ni Ate Rose, ginawang pang-fiesta ang menu.  Samantalang isang ulam nga lang kami pag nagluto, for lunch at dinner na iyon.  May kare-kare (specialty ni Lola), may grilled salmon, may pansit, at may fried chicken din.  Gumawa pa sila ng leche flan (which is favorable sa akin, I love desserts).  I wonder lang, if ever madadalas ang punta ni Matthew sa amin, lagi kayang ganito ka-effort sina Lola?

"Lola, si Matthew po, dati po siyang taga-school ko", nagmano siya sa Lola ko, na ikina-bigla ko, assuming naman.  "Good evening po, may dala po akong suman from Antipolo, minsan kasi nabanggit ni Ashley na paborito ninyo daw ito.  Purong malagkit po iyan, may suki na binibilihan ang mga parents ko doon.  Medyo malamig pa po, kasi kelangan kong i-ref sa office, para di masira.  Pero masarap pa din po yan kapag nai-init", kinuha ni Ate Rose ang supot ng suman at pumunta sa kusina. 

"Magandang gabi naman, maupo ka iho", sumunod kami ni Matthew kay Lola.  "Saan ba ang office mo?, paano kayo nagka-kilala ng apo ko?".  Ang Lola naman, ikinuwento ko na nga sa kanya, tinanong pa din niya si Matthew.  Sinabi naman nito sa kanya ang buong kuwento nang aming pagkaka-kilala, very animated siyang magkuwento.  I can see that he is also using his charm on her, alam kaya niya ang effect niya sa mga babae?, effective kaya sa age group ni Lola?  Iniwan kami nito para ipahanda na ang table, tatanggi sana si Matthew dahil nahiya sa abalang ginawa namin.  Pero pumayag naman nang malamang hinanda iyon specially for him.

"Naka-kahiya naman sa Lola mo, baka sabihin, makiki-kain lang ako sa inyo", nasabi niya nang wala na ito sa sala.  "Don't worry, kasiyahan na niya ang ganyan, mahilig siyang magluto dati.  Eh kaming tatlo lang naman dito sa bahay ngayon, kaya hindi na lang siya masyadong nag-e-effort. Kapag nandito ang mga friends ko, or ng Kuya ko, ginagawa din talaga niya yan".  I'm trying to make him feel at ease,  mukha kasing nahihiya pa din siya. 

A week had passed since we met, every night, walang palya, he calls me.  Text muna, making sure na di ako mai-istorbo sa pag-gawa ko ng school works.  Hindi naman masyadong big deal kay Lola na medyo mas matanda sa akin si Matthew, di naman daw masamang makipag-kaibigan sa mas matanda.  I wonder if she's basing that opinion on the fact that ten years ang age gap nila ng Lolo Dado ko.  Iyan ang gusto ko sa Lola ko, open-minded and never naging judgemental sa ibang tao. 

Syempre pa, updated ang mga friends ko sa mga pangyayari.  Medyo lumalambot na ang stand ni Mandie about him, from my kuwento, wala naman siyang makitang kaduda-duda.  Now lang nagkaroon ng chance si Matthew makapunta sa amin, two days ago lang ako naka-tyempo na makapag-sabi kay Lola.  He patiently waited for my go signal na pwede na siyang pumunta sa amin. 

"I have something for you", he took out something from the backpack na dala niya.  It's a photo frame, smaller than a short bond paper.  Ini-abot niya sa akin with the right side facing him, so kailangan ko pang baliktarin to see kung ano ang nasa harap.  Di ako makapag-salita agad when I saw what it was, he's really a good artist.  It's a sketch, of me, half-body drawing, background ko ang field sa school.  He was able to capture me well, but I wonder if that's the way I was when he saw me.  I looked so pensieve there, or was I sad?  "That's the first time I saw you, pagbaba ko ng kotse, napa-tingin ako sa kina-uupuan mo, I was captivated".

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon