Chapter 8 - Jeremy Lance Ocampo

87 3 0
                                    

Day after my birthday celebration sa bahay, sigurado akong nag-usap-usap ang mga kaibigan ko to make sure na magkaka-abot kaming lahat sa eskwela. We had lunch at Chuck's Chops, isa sa mga hindi masyadong pinapasok na kainan sa labas ng campus dahil sa medyo mahal at di sulit ang lasa ng food. We chose the place dahil tahimik ito at makakapag-usap kami nang maayos.

"Of all the complicated situations, yours is the most", napapa-iling si Lei habang unti-unting kinakain ang inorder niyang pork chop. "As in wala kang idea na ang pamangkin ng boyfriend mo ay ang taong iniyakan mo?", usisa ni Belle. Halos hindi ako makasingit sa mga kaibigan ko, I can't blame them, what's happening to me right now is really an extraordinary situation. "Anong gagawin mo?", may pag-a-alala sa boses ni Mandie.

Anong gagawin ko?, eh di wala, "wala lang, what will I do?, sasabihin ko sa boyfriend ko na, alam mo ba na yung mahal mong pamangkin ang minsan ay pinag-ilusyunan ko na may special something between us? Despite the fact na hindi naman niya ako kilala". Neither Lance nor Patrick mentioned or even hinted na kilala nila kami ng mga barkada ko, or kahit man lang familiar kami sa kanila.

Sandali silang natahimik, tama naman ako di ba?, we're worrying about something that didn't really happen. "Can you act like Lance was never a part of your past?, kaya mo?", mahinahong tanong ni Mandie. Hindi ako nakakibo, judging by my reaction yesterday, na parang halos ayaw kong makipag-interact kay Lance, my friends have the right to doubt if I can hold myself together. "I just have to focus on Matthew, kapag nasa tabi ko siya, lumilinaw ang isip ko".

"Paano kung may pagkakataon na wala si Matt sa tabi mo, at andun si Lance?, hindi mo siya kikibuin?", tanong ni Lindsay, as usual she's asking the difficult question. "Kailangan mong isipin na package deal sina Matt at Lance, hindi pwedeng palagi mong iiwasan yung isa na hindi mahahalata ng isa, sa ayaw mo at sa gusto kelangan mong matutong pakiharapan si Lance".

Lindsay is right, I have to accept that Lance is a part of Matt, a very big part. I told myself, I may not like some, or most, of Matthew's relatives when I meet them, but I can't show my animosity to any of them. So, if meron akong di gusto sa relatives niya, I still have to be nice, right? The problem is Lance is not a part that I don't like, he's a part that I used to like...used to like very much.

"Mabuti naman at nakarating ka iha, ang tagal na naming kinukulit si Matt na isama ka dito", saglit akong niyakap ng Mama ni Matthew. She still looks beautiful, looks younger than her age, sa kanya pala nagmana si Matthew ng kulay, but he resembles his Papa more. Kamukha din ni Matthew ang eldest Kuya nila (Dad ni Lance), but he's taken after their Papa in coloring. Everyone welcomed me warmly. As I have guessed, maingay nga sa paligid dahil madami ding batang pamangkin si Matthew. Bukod sa mga kapatid at pamangkin, may mga extended relatives pa sila na bisita doon. "Bakit di mo sinama ang Lola mo?, tanong ulit ng Mama niya. "Pasensiya na po, di po siya pwedeng hindi sumama sa activity nila sa church today", pagpa-paumanhin ko.

Matthew spent most of his actual birthday with me, nag-leave na naman siya para maihatid ako sa school, so we can have lunch and dinner together. I gave him a very predictable gift of polo shirt, sabi ni Belle, a guy can never have too many shirts. I'm not sure if he felt that I was able to make his day as special as the way he made my last birthday special. I really hope I did, he looked happy naman when I bid him goodnight and kissed him goodbye.

Itong araw ng Linggo na ito, ngayon naman ang araw niya para sa iba pang nagma-mahal sa kanya. Sa bahay ng parents ni Matthew ginaganap ang celebration ngayon, kung saan siya na lang sa mga anak ang nakatira. Ang iba niyang mga kapatid at pamangkin ay nakatira sa iba't-ibang mga bahay, on the same compound. As expected, andoon sina Lance at Patrick. I tried my best to act normal whenever Lance is around, hindi naman mahirap gawin dahil sa dami ng mga tao doon, we rarely have an encounter.

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon