It became easier as days passed by, hindi ko naman madalas maka-interact sina Lance at Patrick. Sa bahay naman namin kami laging nagha-hang out ni Matthew. Since morning ang sched nila, it doesn't coincide with any of my activities, so I don't really see them in school. On some Wednesdays, nakikita sila nina Mandie and Lindsay sa novena nila, nagba-batian lang sila kasi may sari-sarili din silang groups.
Unti-unti, na-realize ko, whatever I felt for Lance then was just a simple crush, an admiration, or even a fascination. He's got admirable qualities—good looks, good character, then those were enhanced by the difficulty of being noticed by him. He was a challenge for me, though it was not obvious na sumugal ako, I actually did. I invested too much emotions for a stranger, and that was not his fault.
One time, nagpa-alam sa akin si Matthew na kung pwedeng isama niya ang mga pamangkin sa bahay namin dahil manonood daw sila ng basketball together, after niyang dumalaw sa amin. Pumayag naman ako, glad that somehow, nakakagawa pa din siya ng paraan para hindi naman totally ma-balewala ang ibang taong importante sa kanya. Hindi naman ako mahilig sa kahit anong sports, kaya iyon ang bonding time nilang magti-tito, where I won't feel excluded daw.
Nalibang din naman si Lola sa dalawa, mababait at magagalang din ang mga ito. As expected, ibinida kami ni Lola, ang mga paborito daw niyang apo. Panay pakita ng mga pictures namin ni Kuya Alex simula noong mga bata kami hanggang sa pinaka-bago. Malakas palang mang-alaska si Patrick, he had fun teasing me sa mga baby to toddler pictures ko, that time I was chubby. I reminded myself then na pag-alis nina Matthew, itatago ko na ang mga lumang photo albums.
Last weekend before Christmas, nagyaya si Belle ng overnight sa rest house nila sa Tagaytay. Mansion is the more appropriate term dahil sa laki ng bahay nila doon. Nauna na ang parents at dalawang kapatid niya sa Italy, where they will be spending Christmas this year. Susunod din si Belle sa kanila in a few days. Lucky for me, dahil last Christmas at summer break ay nandun naman ako sa amerika, pumayag sina Mommy at Daddy na hindi na muna ako pumunta doon. Biniro pa nga ako ni Kuya na pinayagan lang ako, so I can spend the holidays with my new boyfriend.
Minsan lang naman kaming maku-kumpleto sa lakwatsa so pinilit naming magba-barkada na makapunta lahat. Kasama namin ang boyfriend niya, surprisingly, si Jasper pa din. The invitation also extended to Stephen and Matthew. Di ko sure kung bakit niyaya na din ni Belle sina Patrick at Lance when she saw them in school. Para equal daw ulit ang composition ng teams, in case of charade, or whatever games na pwede naming gawing palipasan ng oras.
Sa kotse ni Matthew kami sumakay nina Patrick at Lance, Pat dominated the conversation on the way. Belle and the others are riding in their van. Masarap magbakasyon sa resthouse nina Belle, para kang nasa hotel. Mag-asawa ang caretaker nila at magaling magluto yung babae, so you get rest and great food while you're there. May outdoor pool din sila, which can only be used by the toughest kapag ganitong December, at ganito kaginaw. Patrick and Jasper tried it earlier in the day, pero umahon din sila dahil hindi kinaya ang lamig.
I'm proud to say that the Ocampo boys (including Pat, middle name din naman niya yun) have good singing voices. Sila ang bumabangka sa kantahan, though si Lei ang pambato ng girls. Pagdating sa kantahan, wala akong ibubuga, kaya malakas lang ang loob ko kung group singing. Nagdala pa sila ng gitara, marunong silang tatlo, but Lance is the designated guitarist, siya daw ang pinaka-magaling mag-gitara sabi ni Matthew.
We're gathered around the fireplace (see?, may fireplace pa sina Belle), nagpa-palipas ng oras at syempre nagpapa-init na din, habang nagka-kantahan. Isa-isang pinakanta ang magagaling, at naki-palakpak na lang kaming mga hindi masyadong magaling, haha! Lahat kami nasa lapag, feeling namin nagka-camping kami sa loob ng bahay. Nakasandal ako kay Matthew habang nakasandal siya sa isang armchair na pinakamalapit sa fireplace. I extended my feet para mainitan, my back is leaning on his body, his arms wrapped around my waist. I can feel every beat of his heart and I enjoy the warmth of his body.
BINABASA MO ANG
The End of Your Song
RomanceWho is more deserving to be loved---the one you prayed for?, or the one who came along and fulfilled all you've been wishing for? Si Angelo?, ang lalaking matagal na ipinagdarasal ni AJ sa bawat umagang dumaraan siya sa campus chapel nila. Si Mat...