Chapter 4 - Distance and Doubts

55 4 0
                                    

Absence makes the heart grew fonder, totoo nga ata. I'm very happy at the moment dahil ka-chat ko si Matthew. Malapit na ang Christmas eve dito sa Philadelphia, he called me, he's inside his room, maingay daw kasi sa buong kabahayan nila. Christmas day na sa Pilipinas, na-miss ko tuloy lalo ang 'Pinas, and how I wish I'm there. Nasa room din ako na tinutulugan namin ni Lola, dito sa house nina Mommy at ng stepfather ko. Nagpa-alam ako sa kanila na dito muna ako dahil makikipag-chat lang ako sa Pilipinas.

Kaninang Christmas eve duon, Matthew texted me, just to wish me a merry one, nagpa-text din siya kung kelan niya ko pwedeng kontakin bago mag-pasko dito. So here we are, medyo hirap magka-rinigan, pangit kasi ang signal, tapos maingay pa sa kanila. "Pasensya ka na ha, andito na ang buong baranggay, ang ingay, ano?", he was almost shouting. He's wearing a santa cap, may special number daw sila.

Natatawa ako sa kanya, he looks so happy, masaya naman talaga ang atmosphere sa kanila, "bagay sa iyo ang cap, nasaan ang balbas mo, Santa?". "Elf ako, hindi ako si Santa Claus", nakangiting sagot niya, "anong ginagawa ninyo diyan ngayon?". "Wala lang, naghihintay ng 12 o' clock para mag-kainan at mag-open ng gifts. Bukas pa kami magsi-simba, di na kaya ni Lola ang lamig sa gabi dito", napalingon ako sa pagbukas ng pinto. Si Lola at si Kuya, papasok, mukhang makiki-usyoso.

"Si Matt ba iyan?, pabati naman ako sa kanya, iha". Masayang nagku-mustahan ang dalawa, akala mo matagal na hindi nagkita. Ipina-kilala ko din si Kuya kay Matthew, hindi sana sa ganitong way ko gusto silang magka-kilala, pero andiyan na, sige na nga. Pumasok din si Mommy sa kuwarto, kasama ang little girl at baby boy niya , naki-bati din siya. Akala mo naman, magka-kilala silang lahat, but I feel kind of warm inside. Parang ang dali lang pumapasok sa buhay namin si Matthew. Finally, lumabas na ang mga istorbo, kami na lang ulit.

"Feeling ko para akong fish in a tank, pasado kaya ako sa kanila?, kay Lola sana oo na, konting suman pa", sabay halakhak niya. "Sira!, anong akala mo sa akin, suman lang ang kapalit?", natatawa din ako. "Okay lang ba kung ipakilala kita sa mga pamangkin ko?, hindi muna sa buong angkan ha, baka ma-overwhelm ka". "Di ba fourteen sila, baka abutin tayo ng umaga", pabiro kong sagot. "No, kina Pat at Lance lang muna, after all, schoolmates mo naman sila, you have something in common".

Papayag na sana ako, nang tawagin ako ni Kuya, 12 am na daw, Pasko na. "I got to go, it's 12 now...Merry Christmas". "Merry Christmas", he smiled and put his two fingers on the screen, as if he's touching me. I'm missing him already. Kung pwede lang hilahin ang mga araw para maka-uwi na sa Pilipinas. Sa susunod na araw, pupunta naman kami ni Kuya Alex kina Daddy sa Las Vegas.  Maiiwan siyempre si Lola kina Mommy.

This is how we usually spend our occassional holidays here in the U.S., pati ang yearly summer breaks, sa dalawang set of parents na may kanya-kanya nang pamilya. Usually pag Pasko, umuuwi sa Pilipinas sina Mommy, those were the holidays when we can stay in the Philippines. How I wish isa ito sa mga taong iyon.

I went out and put out my reserved smile, kahit ilang taon na, my feelings are the same towards my parents. I convinced myself that everything was forgiven, pero minsan, itina-tanong ko sa sarili ko kung talaga nga bang natanggap ko na ang ganitong set up. I greeted everyone and embraced each of them, even my stepfather, mabait din siya, tahimik lang. Pinoy ang second husband ni Mommy, pero laking U.S. Masuwerte kami ni Kuya na mababait naman ang mga step-parents namin, parehong maayos ang pakitungo sa amin. Kaya nga I'm doing my best na makisama at tanggapin na ganito ang sitwasyon, after all, sila ang family ko, no matter how untradional we are.


"Seryoso talaga ang lalaking iyon sa panliligaw sa iyo ha?", pilyong tanong ni Kuya Alex habang papauwi kami from the casino strips where the big fireworks show for the new year's eve was held. He was driving our stepmom's car, di kasi kami kasya lahat sa isang sasakyan, so nakahiwalay kami kina Daddy and his family. I chatted with Matthew before we left for the fireworks, just so we can wished each other a happy new year. Nagbatian din sila ni Kuya at pinakilala nito kay Daddy si Matthew. Gising din ako kanina while New Year is happening in the Philippines, sandali lang kaming nag-chat kanina, mahirap magkarinigan eh.

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon