Chapter 11 - Women's Shoes and Men

62 4 0
                                    

"I'll miss you", ang higpit ng yakap ko kay Matthew, I don't want to let him go. Nasa airport kami, sumama ako sa paghatid sa kanya, almost a month din siyang mag-i-stay sa Australia for a training. 

We celebrated Valentines Day the way he promised last year---cake and ice cream galore kami, then we watched a romantic comedy that I really wanted to see. Just to draw a laugh out of me, aside from roses, he gave me an almost life-size teddy bear. Katabi ko daw sa duyan while he is away. Bumitaw ako sa pagkaka-yakap sa kanya so I can look at his face, he didn't let go of my waist.

"Hindi bale, this coming summer break, matagal tayong magka-kasama sa U.S., na-file ko na ang leave ko for that, a long time ago. He held my chin, "behave ka ha". "Ikaw ang mag-behave, baka pag may nakita kang seksing Australian doon, ipagpalit mo ako", nagmamaktol kong sabi. He laughed, "hinding-hindi po, promise", he let go of my chin, nag-krus siya sa may kaliwang dibdib, "cross my heart". "Aral kang mabuti for your finals".

He gave me a quick kiss on the lips, then turned to his nephews. Kasama namin sina Lance at Pat, Lance will be driving his car back home. "Take care of Ashley for me, okay?, bahala muna kayo sa kanya while I'm away. Huwag ninyong papabayaan ang Tita nyo", he laughed mischievously, alam niyang ayaw na ayaw kong patawag ng Tita kina Pat at Lance. Sumimangot kunwari ako, but I'm not really in the mood na patulan ang pang-aalaska niya.

He embraced me again, tightly. "Uy!, langgamin kayo, mahuhuli ka na Tito", tudyo ni Pat. I was teary-eyed when Matthew let me go, kung pwede lang sumama sa kanya. "Okay, I'll go na...ingat sa pag-drive, Lance".

"Ang tahimik naman niya, don't worry, mabilis lang ang isang buwan", Pat was trying to cheer me up. He's sitting in the passenger seat, mag-isa lang ako sa likod. They will drop me off sa bahay, then uuwi na din sila. "Buti may place na ang Kuya mo doon sa Philly, dun ba kayo mag-stay ni Tito Matt?", tanong niya.

"He will stay with Kuya, medyo maliit lang yung place niya dun eh. Dun ako kina Mommy, pero magkalapit lang naman yun", I answered him. "Buti nga sa Vegas, may friend pala siya dun, nahihiya daw siya kina Daddy makitira".

"Syempre, ang takot lang ni Tito, lahat ata ng lalaki, kinakabahan to meet the fathers of their girlfriends", natatawang ani Pat. "Ganun ka din ba?", tanong ko. Pat laughed again, he's really the kind of person you won't have a hard time conversing with. Lance on the other hand is in his defensive mood again (I think), di lang ito kumikibo at nakatuon lang ang pansin sa pag-drive.

When I arrived home, I was feeling blue, miss ko na agad si Matthew. I have to accept that there will be times like this, when he will be away for work, or whatever. That's real life di ba?, hindi pwedeng lahat ay naka-ayon sa schedules mo.

"Hello, pauwi na kayo?", salubong ni Pat sa akin paglabas namin nina Lei at Belle sa building. "Oh, nandito na naman kayo, projects again? Last week, twice, now eto ulit kayo", ani Belle nang makita sina Pat at Lance. "Madadaig ninyo pa si Matt niyan sa pagsundo kay AJ, sobrang dedication yan ha", pilyang aniya.

"We will have a novena", maikling sagot ko, medyo nahihiya ako sa biro ni Belle. But she's right, mukhang tinotoo ng dalawa ang bilin ng Tito nila sa kanila. They're claiming na nale-late daw kasi sila ng uwi dahil sa mga group works. So, dina-daanan nila ako bago sila umuwi para makasabay na lang daw ako sa kanila. Tutal naman daw ay pinahiram naman ni Matt ang kotse nito sa kanila.

"Kami din magno-novena muna, di namin nagawa kanina dahil busy, pwede kaming makisabay?", ani Pat. "Oo naman", walang gatol na sagot ni Belle. We all went to the chapel, somehow, I feel uncomfortable to come here with Lance just nearby. Tigil ka nga, ang tagal na nun, move on na. Saka dati mo pa naman silang naka-kasabay, di nga lang sila ganung kalapit sa inyo. I sat with Lei, Belle and Jasper, sa likuran namin pumuwesto sina Pat at Lance.

The End of Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon