Cup #7

3.3K 81 0
                                        

Naging busy ako buong linggo. Sinigurado kong espesyal lahat ng ihahandang dessert sa birthday ni Tita Raquel.

Naghanap din ako ng mga bagong recipe at nag experiment ng bagong timpla para mas sumarap ang mga partries ko.

Wala akong inatupag kung hindi magtrabaho buong linggo. At sa kadahilanan din na para madivert ang atensyon ko sa ibang bagay. Just exactly a few days habang naglalakad malapit sa cafe ay nakita ko nanaman ang demonyo. Imbis na tumakbo ay napako ako sa kinatatayuan ko.

Akala ko ay kukunin na niya ako pero hindi. Hindi siya makagalaw dahil maraming tao sa paligid. Laking pasasalamat ko lang at hinayaan niya ako. Pero alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niya. He wants to warn me.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. I wanted to escape pero wala akong mapupuntahan at ayokong maiwan sina Tita at Tasha dito dahil alam kong gagawin lang silang pain ng demonyong yun para makuha ako. The best way to protect them is to be with them. Hindi ko na sila pwedeng iwan dahil naging parte na sila ng larong ito.

"Scar magpahinga ka muna. Mukhang pagod ka na oh. Sige ka magiging haggard ka niyan mamaya sa party." Sabi ni Tasha sabay bigay ng juice.

"Ayos lang ako Tasha. Kailangan ko lang tong tapusin para maipadeliver na sa venue. Ayaw kong madisappoint si Tita."

"Kung sabagay. Sana malaki ang bonus natin ano para naman hindi masayang yung effort mo."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Tasha.

"Ano ka ba. Malaki man o wala ayos lang naman no."

"Hay nako.. ayan ka nanaman sa pagiging sobrang bait.  Oh siya punta muna akong spa para naman hindi ko maiwanan ng beauty mo mamaya sa party. Baboosh!" Atsaka siya umalis.

Napailing na lang ako.

Halos alas tres na ako natapos sa shop. Bumalik muna ako ng penthouse at nagpahinga.

Sakto namang ala-singko ako nagising kaya naghanda na ako.

I just applied some light make up and let my curly hair down. I choose to wear a sky blue long gown with a high slit. Ayaw ko naman kasing maging masyadong agaw pansin sa event dahil hindi naman ako yung celebrant.

Sinundo ko si Tasha sa bahay nila atsaka kami pumunta sa venue. Pagkarating doon ay agag naming inasikaso yung mga desserts lalo na yung cake ni Tita.

"Maam may problema po sa cake." Sabi ni Gin.

"Anong nangyari?"

"Nasira po kasi yung icing sa bandang ilalim eh hindi po namin alam kung paano niyo po iyon ginawa kaya hindi na namin ginalaw."

"Ganoon ba. Yung frosting marami pa bang natira?"

"Konti na lang po maam."

Napabuntong hininga ako.

"Sige dalhin mo sa kitchen area at gagawan ko ng paraan. Pahiram na lang din ang apron." Saka ako pumunta sa kitchen.

Konti lang naman ang damage ng cake kaya walang masyadong problema. Kaagad ko itong inayos habang hindi pa nagsisimula ang event. Sinabihan ko na lang si Tasha na puntahan ako kapag nag umpisa na.

Ilang minuto ay may kumatok sa pinto.

Tamang tama lang ang timing ni Tasha nung natapos ako.

"Tasha nag uumpisa na ba--"

Natigilan lang ako nang makitang hindi pala si Atasha ang pumasok.

Ilang linggo ko din siyang hindi nakita.

EPITHYMÍA: cup of desiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon