Cup #20

2.5K 46 2
                                    

Tahimik kami pareho ni Daryl habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay namin.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung sino ba talaga ang sinasabi nilang si Bridget.

Pero base sa sinabi ni Danise. It is his Ex-Fiance.

Biglang sumikdo ang puso ko habang iniisip kung gaano kalaki ang naging parte niya sa buhay ni Daryl.

Alam kong may malaking puwang pa siya sa puso nito dahil hindi naman maaapektuhan si Daryl ng ganoon kung nakalimutan na niya yung babae.

Bigla tuloy akong natakot.

Paano kung bigla akong iwan ni Daryl isang araw para balikan si Bridget.

Alam kong peke lang ang lahat sa amin at ang sakit isipin na hindi siya kailanman magiging akin.

"Hera..."

Nabalik lang ako sa katinuan sa tawag niya.

Doon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa bahay namin.

"Ah sorry.. m-may iniisip lang ako." Dahilan ko.

"Are you... thinking about what Danise said."

Napatingin ako sakanya.

"Its up to you if youll bake her cake."

Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay yung tungkol sa Ex niya yung iniisip ko.

Ayaw ko lang na sabihin niyang masyado ko siyang pinakekealaman.

"Uhmm, y-yeah.. kaya ko naman eh. I guess ill accept it."

Nang makapasok kami sa bahay ay wala kaming kibuan.

Hindi ako sanay sa ganito. Ang lamig niya. Parang anytime gustong tumulo ng mga luha ko.

"Hera.." napalingon siya sakin.

"Bakit?" Peke akong ngumiti.

"Ill be leaving.."

Parang may sumabog na bomba sa mga tenga ko.

"What do you mean?"

Ang bilis naman niyang magbago ng isip. Ano to? Iiwan na niya ba ako?!

"Its just.. ill have a conference in Macau."

Napapikit ako.

Akala ko kung ano na.

"G-ganoon ba.. uhm ilang araw ka ba doon? Gusto mo bang sumama ako sayo?"

Pero umiling ito.

"I need you here. Ikaw muna ang bahala sa company until i comeback after 4 days."

Ang tagal naman ng four days.

"O-okay.. you can count on me. Happy trip na lang." Sabi ko at umakyat na.

Pinipilit kong huwag umiyak sa mga sandaling to.

Bakit ganoon? Parang okay naman kami kanina ah.. bakit nag iba ang lahat ng dahil lang sa naalala niya ang Ex niya.

Iniwan na siya nito diba??

Sobra niya ba talaga itong minahal at hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan??

Ang swerte naman ng babaeng yun. Mahal siya ng isang Daryl Johann Marx.

Agad akong pumasok sa banyo namin at doon binuhos ang lahat ng luha ko.

Sana pala hindi na lang ako pumasok sa gusot na to kung alam ko lang na magiging komplikado ang lahat. Nailigtas ko nga ang buhay ko pero nangnanganib naman ang puso ko.

EPITHYMÍA: cup of desiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon