Cup #29

2.4K 49 0
                                    

Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng mga gamit namin ni Daryl.

I also pack some food dahil gusto kong ipakita kay Daryl yung pinakafavorite spot ko sa buong hacienda.

"Looks like my wife is excited huh??" He said as he sit near the counter top.

Napangiti naman ako.

"Syempre naman. Ilang taon din akong hindi dun nakabalik. Kaya salamat ng marami Daryl."

"Well, if you really want to thank me, then kiss me." At nagpout pa siya.

Napatawa na lang ako.

"Hahaha, hindi bagay Daryl.. hahaha"

"Ah gamun ha.."

At bumaba siya sa pagkakaupo sa high stool at agad akong kiniliti.

"Waaaah... Daryl.. hahahaha!! S-top it! Hahaha!! S-tooopp.. haha!"

Nang nakita niyang hindi na ako masyadong makahinga sa kakatawa ay tumigil siya.

He hugged my waist and kissed my nose.

"The most beaitiful women ive known." He whispered.

Napangiti na lang ako.

Halos tatlong oras din kaming magbabyahe patungong Hacienda. Namimiss ko na ang sariwang hangin.

Simula kasi nang mamatay sina Mama at Papa ay agad akong kinuha ni Tita bago pa ako makuha ni Tito Julio. At ngayon halos anim taon na ang nakakalipas ay makakabalik na ako sa lugar kung saan ako nagka isip at lumaki.

Alam kong hindi pinabayaan ni Tito Julio ang hacienda dahil ito ang magbibigay sakanya ng pera. Gusto niya din sana itong ibenta nung una yun nga lang ay wala sakanya ang titulo at makukuha niya lang yun kapag makukuha niya din ako. Nasa abogado kasi namin ang titulo ng lahat ng kalupaan namin. Sinigurado kong nakatago ito.

"What's with the smile??" Tanong ni Daryl.

"Wala lang.. kasi naaalala ko yung kabataan ko. How i was raised in this place. Yung mga taong nag alaga sakin tapos yung ganda ng lugar."

"Really? Mas may gaganda pa sa mukhang yan?"

Medyo pinamulahan naman ako sa sinabi ni Daryl.

"Tss.. binola mo pa ko eh."

"No im not! Its true... youre the most beautiful creature ive seen."

Then he pinch my chin.

Masaya lang naming tinatahak ang daan at sinasamsam ang bawat magandang tanawin na madadaanan namin.

Ang ganda talagang manirahan sa probinsya. Napakapayapa at nakakarelax.

Pagkarating namin sa sementeryo sa San Benitez ay hinanap ko ang puntod nina Mama At Papa.

In the loving memory of
Henry Adriano & Elena Adriano

"Hi Ma, Pa.. namiss ko po kayo." Sabi ko sabay lapag ng bulaklak.

Gusto kong maiyak.. naaalala ko na naman ang huling sandali na magkasama kami. It was my birthday. Masaya kaming idinaraos yun kasama ng mga trabahador sa hacienda at malalapit na kaibigan. Yun na siguro ang pinakamasayang birthday ko.

"Ma, Pa.. diba pangako ko babalik ako.. nandito na po ako. Promise ko po sa inyo babawiin ko ang lahat ng kinuha nila satin." Tumulo ang mga luha sa mata ko.

Naramdaman ko namang niyakap ako ni Daryl.

"Promise Ma, Pa.. youll have justice." I cried.

EPITHYMÍA: cup of desiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon