Cup #2

6.3K 107 1
                                    

Ring...ring...

Agad akong bumangon at sinagot ang phone ko.

<Hey girl!! I know youre tired and everything but you need to get to the cafe right away! The clients are looking for you! See you!>

At agad na pinatay ni Tasha ang tawag.

Napasapo na lang ako sa noo ko.

Last night...

Muntikan na naman akong makuha.

Its been happening a lot of times pero hindi parin ako nasasanay.

Hindi ko alam kung bakit ba ayaw niya akong tigilan. Alam kong dapat akong magdoble ingat pero sumusulpot lang naman ang mga tao niya kapag nasa isa akong tahimik na lugar o kaya kung saan nag iisa lang ako at walang tao sa paligid.

It feels like a nightmare.

Sariwa parin ang lahat ng nangyari sakin 6 years ago.

How i saw my parents died hanggang sa kupkopin ako ng Tita ko.

Akala ko hindi na nila ako susundan pero mali ako. He is everywhere.

Hindi siya titigil hanggat hindi ako nakukuha.

And last night was almost the end of my life.

Mabuti na lang at may mga tao pa palang marunong magmalasakit.

I appreciate how he saved me.

Gusto ko man siyang pasalamatan ang sobra sobra pero hindi pwede. Alam kong makamasid lang siya sa paligid at binabantayan ang bawat kilos ko. Ayaw kong may madamay pang ibang tao nang dahil sakin.

How hard to be a Scarlet Hera Adriano??

Very hard.

Nagpapasalamat lang talaga ako at may mga taong handang tumulong sakin.

At isa na yung lalaki kagabi.

Napangiti na lang ako.

"Nat ijah pupunta akong Davao this weekend gusto mo bang sumama??" Tanong ni Tita.

Siya ang kaisa isang pinsan ni Mommy. Siya na ang mag alaga sakin simula nang mamatay ang parents ko. She owns several cafes at binigyan niya ako ng sarili kong branch nung nakagraduate ako.

"Sa susunod na lang po siguro Tita. Kailangan po kasi ako sa Cafe."

"O siya basta mag iingat ka ha. Kung bakit kasi hindi ka na lang magsumbong sa mga autoridad para mahuli na yang hayop na yan."

Napabuntong hininga ako.

"Tita masyado pong malakas ang pader na binabangga natin. Paniguradong may koneksyon siya sa batas kaya sayang lang kung lalaban pa tayo."

"Pero ijah hindi pwedeng ganito na lang ang nangyayari. Paano kung makuha ka talaga niya. Ayaw kong mapahamak ka." Nag aalalang sabi ni Tita.

Nginitian ko siya.

"Kaya ko po ang sarili ko tita. Hindi niya ako basta basta makukuha."

Napabuntong hininga siya.

"Kung pwede sanang mag asawa ka na lang ng mas mayaman at mas makapangyarihan pa sakanya. Tiyak lulubayan ka nun."

"Si tita talaga nagpapatawa. Wala pa po yun sa isip ko no."

Si tita talaga oh! Im just 22 tapos gusto na niya akong magpakasal. Hay nako!

Pero isa rin yun sa pwedeng solusyon para tigilan na ako ng demonyong yun.

Sana lang talaga matapos na ang gulong ito.

EPITHYMÍA: cup of desiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon