Para akong nakapako sa kinatatayuan ko.
Sobrang bikis ng tibok ng puso ko.
"Oh princess halatang gulat na gulat ka.. happy to see me??"
Napaatras agad ako mang nagsimula siyang maglakad.
"Tito Julio please tama na po ito. Hindi po ako magsusumbong pabayaan niyo lang po ako." Pagmamakaawa ko.
Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. He killed my parents. At hindi ko siya mapapatawad.
"Pabayaan?? No my dear princess.. isasama kita sa kung saan ako pupunta. All you need to do is come with me peacefully and your friend and aunt will live in peace."
"Tito please, nakuha niyo na po lahat ng meron ako. Anong pa po bang gusto niyo?"
"Hmm... its not for me princess you know that."
Nanlaki ang mga mata ko.
"William is waiting for you princess. He wants to marry you and ill do everything for my only son."
Umiling ako.
I can feel my tears all over my cheeks.
"That's incest tito. Pinsan ko si William at hindi ko siya mahal!" Diing sabi ko.
"Princess nakalimutan mo na ba im just the stepbrother of you father. We are not blood related but as my father's son i have to give him everything he wants and that includes you."
"No.. no!"
"Capture her." Utos niya atsaka nagsilabasan ang mga tauhan ni Tito.
Sinikap ko tumakbo palayo sakanila pero naabutan nila ako.
"Bitawan niyo ko!!! Tulong!!!!"
Iyak lang ako ng iyak habang pinipilit na kumawala sa kanila.
"Please maawa kayo sakin!! Pakawalan niyo ko!!!!"
I tried to free myself pero sadyang marami at malakas sila.
Ito na ba talaga ang katapusan ko??
"Where are you all going??" Napatigil kaming lahat sa boses na nasa likuran.
"Leave her alone." Matigas nitong sabi.
Parang nabuhayan ako ng loob.
"Bumalik ka na doon ijoh. Wag kang makealam dito." Sabi nung lalaking nakahawak sakin.
"Not without my girl."
At sa isang iglap ay nakahandusay ang lalaking may hawak sa akin.
Nakikipagsuntukan si Daryl sa mga tauhan ni Tito Julio. Nakatayo lang ako habang nakikita kung paano labanan ni Daryl ang mga tauhan ni Tito atsaka doon nakarating sina Coby at tinulungan si Daryl.
Nang makalapit sakin si Daryl ay agad niya akong hinatak palayo sa lugar na iyon.
"T-teka sina Coby..."
"Its okay. Kaya na nila yun." Sabi niya na lang at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang alam ko ay ligtas na ako ngayon.
Thanks to my superman.
Nagising lang ako sa isang mahinang haplos sa pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa buong byahe.
"Where are we??" I asked.
"Tagaytay. My rest house"he said.
He opened the door for me at sabay kaming naglakad patungo sa isang malaking bahay.
BINABASA MO ANG
EPITHYMÍA: cup of desires
RomansaHot... Steamy... Seductive... Let's take a sip... ...Credits for the cover