Cup #31

2.4K 58 0
                                    


Nagising ako na may ngiti sa labi.

Baliw man kung isipin pero ilang araw na din kasing maganda talaga ang gising ko.

Simula yun nung nangyari ang gabing hindi ko inaasahan.

Akala ko talaga kung aalis na ako sa buhay ni Daryl but it turned out that i will stay with him forever because of love.

Nang bumangon ako at napaupo ay may nakita akong isang long stem white rose sa side table.

Kinuha ko iyon at inamoy kasabay ng pagbasa ng isang note.

Good morning my love!
--- D

Napangiti ulit ako.

Para tuloy akong teenager na kakasagot pa lang sa boyfriend. Walang humpay na kilig at saya ang nararamdaman ko ngayon.

"Youre awake."

Napatingin ako sa pinto.

Bumungad sa akin ang isang napakagwapong mukha ng asawa ko.

Lumapit ito sa akin na may dalang tray na puno ng pagkain.

"Good morning too." I said at sinalubong ang halik niya.

"You prepared all of this??"

Bacon, pancakes, milk at fruits yung nakalagay sa tray. At ang dami ha!

"Yup! I want my wife to eat all of this. Look at you namamayat ka na."

"Anong payat! Ang sexy ko kaya.." nakapout kong sabi.

He just laughed.

"Well, sooner or later lalaki ka din especially if you will carry our first baby."

"Ah ganoon??"

Tumango ito.

I pinched his pointy nose. Ang cute eh! Lalo na pagnamumula.

"Hmp! Sweet na sana eh kaya lang nilait mo pa ko! Baka naman mamaya pagtumaba ako ipagpalit mo ko!"

"Ako? Ipagpapalit ka? Ofcourse not! Ikaw lang kaya ang love ko. Pakiss nga!"

And he did.

I smiled for that.

"I love you."

"I love you too." I answered back.

"O sige kumain ka na, we should be in the office at 8:30."

At kinuha niya ang fork atsaka akmang isusubo yung food sakin.

"Ako na, you should also eat." Sabi ko at sabay kuha ng fork.

"But i have nothing to use. Share tayo! Subuan kita tapos subuan mo ko!" Then he grinned.

Napailing na lang ako.

Simula nung magconfess siya sakin ay parang ibang Daryl ang kaharap ko.

He is opening his naughty side now. Hindi ko alam na ganito pala siya kakulit at isip bata. Parang hindi sa yung cold, arrogant CEO na kilala ko.

Matapos naming magbreakfast ay agad kaming nagprepare para sa office.

Sabay kaming pumasok ni Daryl at binati kami ng mga empleyado.

Today is gonna be a busy day lalo na at nauumpisa na yung construction ng Flaux Empire.

Open na naman ang mga big investors at client para sa project. At more stress para sakin.

Sinabihan ko na nga si Tasha na full hands on muna siya sa cafe at sa iba pang branch dahil baka hindi ko na maasikaso.

"So you'll be meeting the Korean investors later?" Daryl asked.

EPITHYMÍA: cup of desiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon