"Oh eto na yung kape mo. Grabe gurl namiss kita!" Masayang sabi ni Tasha.Ito pa lang kasi ang unang beses na bumisita ulit ako sa Cafe simula nung ikasal ako.
Magkikita kami ni Danise to plan for her upcoming welcome party.
"Mabuti na at nakadalaw na ako. Atleast i got the chance to check how is it everything here." Sabi ko at uminom ng kape.
I miss the freshly ground coffee blend! Sa office kasi 3 in 1 yung coffee. Hindi din ako masyasong makapagpadeliver sa sobrang busy.
"Okay lang naman yung cafe. Ikaw ang kamusta. My lumevel up ba sa buhay mo?" She asked.
Simula nung makabalik si Daryl galing Macau naging iba na siya. He became more vocal and sweet. Minsan nga nadadala na ako sa mga sinasabi niya sakin.
I can feel that we are real couple.
Gusto ko mang magtaka pero hinahayaan ko na lang. I love the feeling. Kaya lang takot pa rin ako deep inside.
"Still the same Tash, medyo mas busy lang since im working in the company."
"Eh yung Tito mo, ginugulo ka pa rin ba?"
"Not anymore."
Simula nung huli naming pagkikita sa opisina ko hindi ko na nakita si Tito. Parang naging normal ang lahat sa akin. Hindi ko kailangang matakot lumabas ng bahay at pumunta sa kung saan.
Pero alam kong may plano siya para sakin. Hindi niya ako titigilan.
"Atleast diba makakahinga ka din ng maluwag. Kung bakit bakit hindi pa siya pwedeng mamatay!?"
"Dont worry Tash. Magiging okay din ang lahat." I just said.
Sandali akong iniwan ni Tasha para magasikaso ng mga customers.
Ilang minuto pa ay dumating na din si Danise.
Kaagad ko siyang sinalubong at nakipagbeso.
"Im sorry if im late. I got stuck in traffic." She apologized.
"Its okay, lets take a sit."
At naupo kaming dalawa. I showed her the menu of the cakes and pastries pati na rin ang designs nung cake.
At nung nakapagdecide na siya nung design ay nagCake tasting kami.
"Hmmm.. this is so delicious Scarlet. Youre really talented!" Puri niya habang kumakain ng Chocolate Cake.
"Thanks, actually hobby ko lang talagang magbake until my aunt assigned me to manage the cafe."
"Naku! Mabuti ka pa nga marunong magluto not like me, i only love to eat." Masayang sabi niya.
Sandali akong tumayo at may kinuha sa kitchen fridge. Balak ko kasing ipatikim yung bago kong recipe na next month pa sana namin ibebenta.
"Taste this Danise, kakagawa ko pa lang niyan and its not yet sold in the market."
"This looks yummy! What is it?"
"Its a carrot cake with belgian cream frosting and walnut brittle on top."
Kinuha niya ito and have a bite.
"My gosh! This is great! I want this to be my cake on the party!"
Napatawa na lang ako. Kasi naman nagsasalitang puno ang bibig.
"Alright. Im glad you like it."
"Are you kidding me, i love it Scarlet! Youre such a genius doing this."
Medyo tumagal pa kami sa dami ng pinag usapan namin about the party. Tumulong na din kasi ako sa pag organize.
Pero hindi ko mapigilang hindi siya tanungin tungkol kay Daryl.
"Uhmm, Dan mind if i ask you something?"
"Ano yun?"
"Can you tell me.. about Bridget."
Natigilan naman siya sa sinabi ko.
"Scar, i think im not the right person to tell you that. Hindi ba siya kinuwento sayo ni Kuya?"
Umiling lang ako.
Hindi ko naman kasi alam na may sabit siya eh.
She sighed.
"Ayoko man siyang pangunahan but i guess i can give you some information."
Napatango ako sakanya.
Then she began to speak.
"Well, Bridget Antoinette Stuart is his first love."
"Bridget and Daryl met way back in High School. Sumasali si Bridget noon sa mga activities sa school kaya maraming nagkakagusto sakanya including Kuya. She is beautiful and smart but actually i dont like her. May pagkaBitch kasi siya. What she wants she gets pero mukhang hindi yun nakikita ni Kuya."
"Its was before our graduation nung naging sila. And then they went to the same university in college. I was in a different school then but Bridget is always in our house visiting Kuya. I may not like her but as long as my brother is happy ay payag na din ako sakanila. They were an amazing couple and two years ago my brother asked her to marry him and she said yes until the day of their wedding."
"Bridget didnt came on that day. Daryl waited in the church but there was Bridget. I know my brother was in deep pain that moment. He loved her so much that he even payed someone to look for her pero wala eh. Alam kong hindi tumigil ang kapatid kong hanapin siya. Nashock na nga lang ako na ikinasal na pala si Kuya sayo. I thought mom and dad were joking but seeing you and my brother i know there is something and that is Daryl's smile. I can see that he is changing because of you."
Nakikinig lang ako kay Danise.
Nakakapanghinayang naman pala talaga ang mga nangyari. Pakiramdam ko tuloy ako yung kontrabida sa pag iibigan nila.
"Dan, do you think you brother is still i-in love with her??"
"Oh cmon Nat! You two are already married. Dont you think you too late to think about those?"
Pilit na lang akong napangiti sa sinabi niya.
Pero paano kung talagang mahal pa rin ni Daryl yung Ex niya?
"Sweetheart.."
Nagulat ako sa pagtawag sakin ni Daryl. Sinund niya kasi ako sa cafe at nagdinner kami sa labas. And now pauwi na kami sa bahay.
"Kanina ka pa walang kibo? Tell me if there is something wrong."
Napatingin ako sakanya at pilit na ngumiti.
"Im fine, pagod lang siguro ako." I excused.
"Alright, mukhang napagod ka kay Danise ah. Is she that talkative??" Tawang sabi niya.
"Hindi naman, talagang pagod lang ako sa pagasikaso ng cafe." Sabi ko at umiwas na ng tingin.
"Okay, i guess you should rest immediately when we reach our house."
Napatango na lang ako.
I need to make this doubts disappear in my head. Ayokong maging dahilan pa ito ng panibagong problema.
And if one day this things will happen ill just face it.
BINABASA MO ANG
EPITHYMÍA: cup of desires
Roman d'amourHot... Steamy... Seductive... Let's take a sip... ...Credits for the cover