"Nay,Tay anong nangyayari? Bakit kayo naka luhod sa mga lalaking yan? At ano po bang pinagsasabi nila na may utang kayo sa boss nila? At ano po yung magpapakasal?"
Sunod sunod kung tanong sa magulang ko, habang inaalalayan ko silang tumayo mula sa pagkaka luhod"At kayo sino ba kayo? Alam nyo ba na pwede namin kayong kasuhan dahil sa pagpapasok basta basta sa bahay namin, at ano bang atraso ng mga magulang ko sa inyo" baling ko sa mga lalaking naka itim na naka tayo sa harap namin
"Teka gusto mo ba talaga ako ang sumagot sa mga tanong mong yan at hindi ang iyong mga magulang?" Sabi nung lalaki kanina na tumuro sakin sabay baling saking magulang na naka ngisi
"Nak, patawarin mo ako ng dahil sa pagsusugal ko nagka utang ako sa kanilang boss na mahigit dalawang milyon hindi ko naman alam anak na matatalo si tatay kasi nung una anak palagi na akong nanalo" lumuluhang sabi ni tatay habang hawak hawak ang aking kamay at naka luhod na sa harap ko
"Tay naman sabi ko ng tigilan nyo na ang pagsusugal eh, dahil wala yang maidudulot na maganda at isa pa kasalan yan sa diyos,
Pano na yan paano natin mababayaran ang utang nyo?""Kung wala kayong maibabayad sa utang, mas mabuti pang sumama ka na samin binibini at pakasalan mo ang boss namin para na rin sa kabayaran ng pagkakautang ng ama mo,at kung ayaw mo ipapakulong namin ang ama mo"
Sabi ng lalaki sabay tingin sakin"Parang awa nyo na po huwag nyo syang kukunin,sya lang ang nagiisang anak namin" Inay na hindi matigil sa pagiiyak at pagmamakaawa,
Naiiyak na rin ako dahil hindi ko kayang makita ang magulang kung umiiyak at nagmamakaawa sa mga lalaking ito"Tama na yung palugit na ibinigay namin sa inyo.
Kunin nyo na sya at dalhin sa mansion" baling nito sa mga kasama nya na kapwa naka itim.
Agad naman nilang sinunod ang utos ng lalaki at agad akong hinawakan, pilit na inilalabas sa bahay upang maipasok sa isang sasakyan na itim"Ano ba bitiwan nyo ako, di ako sasama sa inyo mga hay*p kayo,"pilit kung pagpupumiglas sa mga lalaking may hawak sakin.
"inay,,,,
itayyyyyyyyyyyyyyyy" diko na nakita ang nangyari kay itay matapos itong matumba dahil tuluyan na nila akong naipasok sa sasakyan at agad sinara.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...