REXIE POV:
Mabilis kong tinulak ang pinto ng restaurant at tinungo ang lamesa kung na saan naka upo si dean kasama ang isang magandang babae ,teka parang familiar sya sakin parang nakita ko na sya pero di ko matandaan kong saan.
Diko na inisip kung sino ba sya o saan ko sya nakita dahil sa ngayon naiinis ako sa kanya dahil kasama nya lang naman ang asawa ko.
Mabilis akong humila ng isang upuan mula sa katabi nilang lamesa at iniligay ito sa kanilang lamesa at ako ay umupo.
"hi sa inyo"
Bati ko sa kanila, na ikina gulat naman nila pareho, ang dala kong mga kahon ng shopao ay iniligay ko sa natitirang space sa lamesa nila may mga naka handa narin na pagkain sa lamesa nila.
"ahm mukhang masarap ang pagkain huh,pwede patikim nito" sabay turo ko sa isang dessert,
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot dahil kumuha na akong kutsara at mabilis na sumabdok nung tinuro ko at mabilis na kinain.
"nu ba yan sobrang tamis naman, tiyak na ang kakain nyan ay magkaka diabetes.,
Dahil sa sobrang sweeeeeeeet" komento ko sa pagkain na yun at nung sabihin ko ang salitang sweet naka tingin ako kay dean.
"ahm miss sino ka?"
Narinig kong komento nung babae.
Bat nagsalita pa sya?????
Bwesit lalong uminit ang aking ulo..
"miss mo mukha mo, nakita mo ba itong singsing ko? " sabay taas ko ng daliri kung na saan ang aking singsing na tanda ay kasal na ako
"hindi na ako miss, dahil MISIS Na ako at ang MISTER ko lang naman ay itong kasama mo,
Naintindihan mo?? Asawa ko ito"
Sabay turo ko naman kay dean na makikita kk na sa kanyang mukha ang pagpipigil ng tawa???
Baliw na ba sya bat sya natatawa eh nahuli ko na nga na may kasama syang babae dapat sa kanya ngayon nagpapaliwanag na sakin.
"hoy dean bat ka natatawa?"
Tanong ko sa kanya, at di na nya napigilan ang pagtawa.
"pffft.. HAHAHAHAHAA" tawa nya na naka hawak pa sya sa tiyan nya kulang na lang ang gumulong sya sa sahig dahil sa pagtawa..
"hoy ano ba kasi ang nakakatawa?" muling tanong kl sa kanya, pero hindi nya ako sinagot at patuloy parin sya sa pagtawa.
Maya maya pa may naramdaman akong yumakap sakin.
"hi ate," sabi nung babae na kasama ni dean habang yakap yakap ako.
teka ano bang nangyayari dito diba kabit sya ni dean at nagde date sila ngayong dalawa.
"teka bakit ate ang tawag mo sakin?
diba kabit ka ni dean at nagdedate kayo ngayon? " nalilito kong tanong sa kanya at naramdaman ko na lang ang pag kawala ng yakap nya sakin, at sya ay mabilis na humarap sakin
"kadiri naman ate yang pinagsasabi mo yan si kuya kabit ko?? Ewwwww..
no ka ba naman ate diko sya kabit no pinsan ko yan si kuya dean" sabay tingin nya kay dean na katitigil lang sa pagtawa kita mo rin sa kanyang mga mata ang luha dahil siguro sa na sobrahan sa tawa,
naka ngisi na lang si dean ngayon habang naka tingin sakin.
waitttt,
tekaaa,
Pinsan nya si dean??
Pinsan as in cousin as in kapamilya silang dalawa magpinsan???
OMG ano naman tong nagawa ko.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...