Untitled Part 14

92 6 0
                                    


  DEAN POV:

Hindi ko sinasadyang sigawan si rexie, siguro na dala lang ako sa aking galit dahil na laman kung sinadya ang pagkaka-bundol kay rexie,
Ayon kay ginoong jin na nagimbistiga tungkol sa nangyari kay rexie at sinabi rin ni ginoong jin na Nahuli na ang driver ng sasakyan na nakasagasa kay rexie at sinabi nitong may nag-utos lang sa kanya gawin yun ngunit ayaw nitong sabihin kung sino.

Kaya mula sa paglabas ko ng kwarto namin ni rexie dumeretso ako sa hotel na pagmamay-ari ko dahil don dinala nila ginoong jin ang salarin.

Pagkapasok ko sa isang kwarto dito sa aking hotel ay na bungaran ko ang isang lalaki na naka upo sa isang silyang bakal, wala rin itong damit pang itaas at ang paa at kamay nito ay nakakadena,
Nakikita ko rin ang sariwang dugo na tumutulo sa kanyang bibig, marami na rin ito sugat at pasa sa katawan at mukha, putok na rin ang labi nito at isang kilay.
at alam kong kahit anong lakas ng sigaw nya ay walang makaka rinig sa kanya sa labas ng kwartong ito dahil ang bawat kwarto dito sa aking hotel ay soundproof.
Katabi ng lalaki si ginoong jin na may hawak na dos por dos na kahoy na may bahid pa na dugo,
Napansin ko rin ang nasa sampong tauhan ko at may kanya kanyang armas na baril na hawak na nasa tabi lang dito sa loob ng kwarto.

Agad akong lumapit sa isang tauhan ko at mabilis kong kinuha ang hawak nitong baril at lumapit ako sa lalaking duguan na ngayon ay naka pikit ang isang mata, nakita ko rin itong ngumisi sakin.

"sino ang ang nagutos sayo na patayin ang asawa ko?" mabilis na tanong ko dito

"Tss.. Bat ko sasabin pa sayo eh papatayin nyo rin naman ako,
At hanga ako sa asawa mo huh, may sa pusa ata ang buhay nun eh, biruin mo na buhay parin kaso nga lang na walan ng paningin" tuloy tuloy na sabi nito na hindi alintana ang sakit na nararamdaman dahil sa mga sugat na natamo.

"At tsaka di mo mapapatay si boss, dahil mas makapangyarihan pa sya kisa sayo,
Bantayan mo rin ang asawa mo dahil hindi titigil si boss hanggat hindi ito na papatay,
humanda ka na rin sa pagagsak mo---------"

Natigil sya sa pagsasalita ng barilin ko sya sa kanyang ulo, agad na kumulat ang dugo nito sa pader na malapit sa kanya.

Ang ayaw ko sa lahat ay yung tao na pagtinanong ko ay mali mali ang sagot sakin.
Kaya ayan napadali ang pagpunta nya sa impyerno.

Agad kong binigay kay ginoong jin ang baril na ginamit ko sa pagpatay,
At naglakad na ako patungo sa pintuan nitong kwarto upang bumalik na sa mansyo at humingi ng tawad kay rexie dahil hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko sa kanya at abg pagasigaw.

Malapit na ako sa pinto ng biglang bumukas ito,
at nagulat ako ng si rexie ang nakita ko.

"Dean" sambit nya habang naka tingin sakin subalit binawi nito ang tingin sakin ng makita sa likod ko ang bagay na dapat sana nyang hindi makita.
At nakita ko sa kanyang mukha ang gulat na may halong pagkatakot?

...
..
.  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon