Untitled Part 5

129 8 0
                                    


  Dean's POV:

mahigit labing limang taon ko syang sinusundan at tinatanaw mula sa malayo, sabihin man ng ibang stalker ako wala akong pake dahil para sakin sya lang ang tanging babaeng nararapat para sakin.

(flashback)

Umaga noon, tumakas ako sa mga nagbabantay sa akin na mga katulong at guard sa mansion .
dahil sawang sawa na kasi ako sa pagaaway ng mga magulang ko halos araw araw na kahit simpleng bagay lamang ay pinagaawayan nila.
Bitbit ang aking maliit na bag na may lamang kunting pera na baon ko sana noong araw na yun.
Maka lipas ang ilang oras na paglalakad ay napadpad ako sa isang park base sa nakikita kung palaruan at mga batang katulad kung naglalaro . Umupo ako sa sa isang bench dahil sa pagod nakatulog ako nagising ako dahil sa isang pagtapik ng mahina sa aking mukha.

"hay salamat nagising ka na rin,kanina pa kaya kita ginigising alam mo ba yun bata huh? Ay natural hindi pala kasi tulog ka" sabi ng isang batang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lamang habang may hawak itong isang ice cream

"bat dyan ka ba natutulog, wala ka bang bahay?, huh, huh,huh" sabi nung bata habang hinihila ang damit ko.

"huwag mo ngang hilahin ang damit ko, at tsaka may bahay kami noh malaki, pero lumayas lang ako" sabi ko sa kanya at

"ganun? Ahmmn gusto mo bang ice cream? Masarap ito gawa ito ng tatay ko, dito kasi sya madalas magtinda ng ice cream" tanong nya sabay upo sa tabi ko at pilit na tinatapat sa bibig ko

"ayaw ko, busog pa ako at may pera ako" sabi ko sa kanya at agad inilayo nya naman ang ice cream mula sakin,

"ok bahala ka,
Ahmm bakit ka nga pala umalis sa bahay nyo? Alam mo bang masamang lumayas? Madami pa naman ang mga nakikidnap ngayon na mga bata at kinukuha nila ang laman loob at ibenebenta. Kaya kung ako sayo bumalik ka na sa inyong bahay, dahil sa malamang nagaalala sayo ang mga magulang mo" dere-deretsyong sabi nya

"dami mong sinabi, close ba tayo? " sabi ko sa kanya at agad naman lumukot ang kanyang mukha

"hindi nga tayo close, pero sinasabi ko sayo kawawa magulang mo kung iiwan mo sila, kung ano man yang dahilan kung bakit ka lumayas sa inyo isantabi mo muna, dahil na sa huli ang pagsisi" sabi pa nya na naka ngiti na sakin habang kumakain ng ice cream,
pansin ko ang ganda nya at mabait rin sya.

"ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya, pansin kung nabigla sya sa tanung ko at balis itong na palitan ng isang matamis na ngiti

"ah ako nga pala si rexie smith-"
Naputol ang sasabihin nya ng may tumawag sakin.

"SEÑORITO" agad naman kaming lumingon sa sumigaw at nakita kong tumatakbo papalapit sakin si ginoong jin marami syang kasamang tauhan ni papa

"señorito, ano bang ginagawa nyo dito? At bakit ka umalis sa mansion,? Pinagalala mo kami pati na rin sila boss nagaalala sayo, tara na at umuwi na tayo señorito" sunod sunod na sabi nya habang hinawakan ako sa kamay at dadalhin na sana sa sasakyan namin

"sandali lang po, may camera ka po ba dyan dala o cellphone, pahiram po bilis ginoong jin" sabi ko at madali naman nitong kinapa ang cellphone sa bulsa

"kuhaan mo ako ng larawan kasama itong babaeng ito, huh yung magandang pagkakakuha"
Nabigla si ginoong jin sa sinabi ko pero kinuhaan nya parin kami ng litrato at pina kita sakin

"salamat ginoong jin, tara na po uwi na tayo" baling ko kay ginoong jin at agad naman itong tumango.
pero bago ako pumasok sa sasakyan ni lingon ko muna si rexie

"paalam rexie, pangako magkikita pa ulit tayo" sigaw ko sa kanya at agad naman syang tumango

.....
..
.
kaya nung araw na yun pingako ko sa sarili ko na sya ang babaeng para sakin at ang nagiisang magiging ina ng aking mga anak.  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon