Untitled Part 8

109 6 0
                                    


  Mabilis kong pinunasan ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak mula sa aking mga mata, at agad akong tumayo sa pagkakaupo ko na naging dahilan para tumigil sa paghalik ang babae kay dean mukhang na pansin na nya ako, nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni dean pagkakita sakin.

"bat di mo na ako tinatawagan babe,?" tanong nung babae kay dean na ngayon ay naka yakap at naka kandong na kay dean,
Tiningnan ko naman si dean kung ano ang isasagot pero umiwas lamang ito ng tingin sakin

"happy 2nd anniversary babe, sigurado akong masasayahan ka sa aking regalo ngayon tulad nung regalo ko sayo nung 1st anniversary natin hahaha" sabay halik ulit nito sa labi ni dean,
Pero hindi na ako na bigla doon sa paghalik ngunit na bigla ako sa sinabi nyang 2nd anniversary nila? At regalo??

...
..
.

Bago pa ako humagulhol sa pagiyak ay tumakbo na ako at agad binuksan ang pinto ng restaurant upang makaalis na mula sa loob at upang maiwasan narin ang sakit sa aking dibdib dahil sa mga narinig ko mula don sa babae na mukhang girlfriend ni dean.

Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang maka alis sa lugar na ito,
Mabilis ring nagsisipatakan ang mga luha ko at nanlalabo na ang aking paningin dahil sa bwesit na luhang ayaw tumigil.

"REXIE" narinig kung may sumigaw na pangalan ko kahit di ko lingunin ay kilala ko na kung sino yun si dean.

"sandali lang rexie, magpapaliwanag ako mali ang pagkakaintindi mo " sigaw pa nya pero di ko sya pinansin at mas binilisan ko pa ang pagtatakbo ko kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.

*beeeeeeeeeeeep*
Pero sa pagmamadali kong wag maabutan ni dean ay may sumulpot na mabilis na sasakyang umaandar at papalapit ito sakin,
Dahil sa bilis nito di na ako nakaiwas, at agad akong tumalsik at nagpagulong-gulong.
Naramdaman ko na lang na tumigil ako sa pagulong, namamanhid na rin ang buong katawan ko dahil sa lakas ng pagkakabangga sakin, unti unti na rin pumipikit ang mga mata ko.
Pagod na ako.........

"REXIEEEEEEEEEEEEEEEERE "
Bago ako tuluyang pumikit
Narinig ko ang aking pangalan na sinigaw nya .

Ng aking asawa na si dean  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon