Ngayong araw ang punta namin sa tagaytay para sa honeymoon namin ni dean, kaya handang handa na ang mga dadalhin ko dahil tatlong araw kami doon na kaming dalawa lang, sa isa sa mga hacienda nya kami tutuloy..
Andito na ako nakatayo sa tapat ng sasakyan nya."ako na ang lalagay sa mga gamit mo sa loob ng sasakyan, kaya mauna ka ng pumasok sa loob" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya, agad naman akong tumango sa sinabi nya at agad pumasok sa sasakyan, di na ako nagsalita kasi na aalala ko na naman yung ginawa nya sakin kagabi, ang malambot nyang labi, ang sarap pala ng feeling na mahalikan diko naman sinasadya yung pagtulak ko sa kanya kagabi nabigla lang talaga kasi ako sa ginawa nya---
Naputol ang pagiisip ko ng pumasok na sya sa loob ng sasakyan.
Tumingin sya sakin at bumuka ang kanyang bibig."dito ka sa tabi ko sa unahan, dimo ako driver asawa mo ako" mabilis na pagkakasabi nya at mabilis naman akong bumaba ulit sa sasakyan at pumasok sa unahan at tumabi sa kanya. Di na ako umangal kasi tama naman sya.
Pagkaupo ko agad nyang binuhay ang sasakyan at agad na itong pinaandar papunta sa lugar ng pupuntahan namin.
Makalipas ang ilang minuto,
Pasulyap sulyap ako sa kanya habang busy sya sa pagda-drive, napansin ko ang kanyang mapupulang labi at agad naman akong napa lunok--"bakit? May problema ba? Kanina ka pa naka tingin sakin, may naka limutan ka ba sa bahay? Nagugutom ka ba? " nagulat ako sa bigla nyang pag salita at agad naman akong umiwas sa pagkaka titig sa kanya ay mali sa labi nya at mukhang uminit pa ang aling pisngi.
"ah-eh wala, wala naman, sige magdrive ka muna dyan at matutulog lang ako, medyo inaantok na kasi ako" palusot ko dito, hindi naman sya sumagot ngunit napansin ko ang pag guhit ng isang ngiti sa kanyang mukha.. Shittttttttttttt bat ba ang gwapo nya pag ngumingiti sarap tuloy nyang halikan-----
Ayy. Bwesit ano ba itong utak ko at yun ang naiisip.
haixxxt makatulog nga muna baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
----------------------------------
Naalimpungatan ako dahil sa may mahihinang pagtapik sa mukha ko,
"rexie gising na, kumain muna tayo"
Rinig kung sabi ni dean, kaya agad akong nagising, at natitigan ko na naman ang mga labi nya..
Ehhhhh bat kasi ang lapit ng mukha nya sa mukha ko???"tara na, bumaba ka na dyan, at sumunod sakin" eh? Agad naman syang bumaba sa sasakyan at naglakad papasok sa isang mamahaling kainan.
Nag ayos muna ako sa aking sarili bago bumaba sa sasakyan at sumunod papasok kay dean.Pagkapasok ko sa loob ay agad kung nakita si dean sa isang lamesa na tama ang pangdalawahan lamang na taong kakain don.
Agad naman akong pumunta sa kanya at umupo sa harap nya."nag-order na pala ako, at ako na rin pumili ng sa iyong order, ayos lang ba iyon? " tumango naman ako sa sinabi nya, dahil sa bukod na wala na akong magagawa don eh wala naman din akong alam tubgkol sa mga pagkain dito.
"ahhmmm" napalingon naman ako sa kanya
"may sasabihin ka ba dean? " tanong ko sa kanya kasi parang meron syang sasabihin eh
"Ahhh eh tung---kol do-n sa nang-yari kaga--b-i ahmm pasensya na kung nagawa ko yun, diko sinasadya, pasensya na ulit at sana kalimutan mo na yun" putol putol na sabi nya napatitig naman ako sa kanya at tumango.
"ayos lang, pasensya na rin kung natulak kita kagabi" sagot ko naman sa kanya,
Pero bakit parang may tumusok sa aking dibdib na libo-libong mga karayom dahil narinig ko sa kanya na di nya sinasadya yung halik, at pagkakasabi nyang kalimutan ko na lang yun.masakit--"DEAN" may sumigaw na babae at tumakbo papalapit samin, ay mali kay dean palang kinaruruonan.
Maganda ito, makinis ang balat, maganda ang katawan at mahaba ang buhok.
Pero nabigla ako sa ginawa nya kay dean dahil pagka lapit nya kay dean ay hinalikan ng babae sa labi si dean na asawa ko...
...at na bigla akong may pumatak na tubig sa aking balat, at nalaman ko na lang na luha ko ito at umiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...