Untitled Part 4

132 7 0
                                    

  Kalalabas ko lang ng CR dahil naligo, kaya hinanap ko agad kung asan ang damit pang tulog o pang bahay na sinabi kanina ni ginoong jin,
Makalipas ang ilang minuto kakahanap ay sa wakas nakita ko na rin, agad akong naghanap ng pwedeng pang tulog na damit dahil na rin sa dami ng damit medyo na tagalan ako bago naka hanap at maisuot ito.

Gabi na rin kakatapos ko lang kumain dahil pinahatiran ako ni ginoong jin ng pagkain sa katulong dito sa kwarto,
Kaya ito naka upo lang ako sa malaking kama pinagmamasdan ang laki ng kwarto.
Habang sa pagmamasid masid ko sa kwarto napako ang aking tingin sa isang frame naka lagay sa lamesa dito sa loob ng kwarto, agad ko naman itong nilapitan at kinuha, pagka kita ko sa sa frame nagulat ako sa aking nakita,
Isang batang babae ang nasa larawan at hindi lang ito kung sino dahil ako ito, ako ang nasalarawan habang nakaupo sa isang bench sa park at kumakain ng ice cream kasama ang isang batang lalaki na hindi na lalayo ang edad sakin.
Palagay ko nasa walong taong gulang palang ako nuon at ngayon ay dalawangput tatlong taong gulang na ako .
Bakit ako may larawan dito?
Hindi lang ito marami pa akong nakitang larawan ko sa ibabaw ng lamesa tiningnan ko rin yun meron nung nagtapos ako sa high school, meron rin nagtitinda ako ng gulay sa palengke,meron ring minsan nagsimba ako kasama ang pamilya ko.

Kinuha ko ang mga larawan at umupo ulit sa kama, at tinitigan ulit ito.
At nagisip king sino ba talaga ang boss na sinasabi nila,bakit meron sya ng mga larawan na ganito.

Hanggang sa nakatulog na ako kakaisip.
At hawak hawak ang mga larawan ko.


---------------------------------------

  Lumuluha ako habang lumalakad patungo sa altar habang naghihintay roon ang aking mapapangasawa na ngayon ko lang makikita. 

Na pako ang tingin ko sa aking magulang na bakas sa mukha ang pagka lungkot dahil sa mangyayari ngayong araw.
Tiningnan ko rin ang mga bisita sa bawat dinaraanan ko, sinundo na ako ng aking magulang upang ihatid sa mapapangasawa ko na naghihintay sa altar.

Na laman ko rin na nahimatay lang si itay nuon kaya sya bumagsak nung pinapasok ako sa sasakyan nila manong,
Humingi na rin si itay ng tawad sakin dahil ako ang kapalit sa pagkakautang nya , pero hindi ko pa sya napapatawad ng lubusan,

...
..
.

Andito na ako sa altar at bumalik na sila inay sa kanilang upuan.
Kaya ito kaharap ko na ang aking mapapangasawa makinis na mukha, matangos na ilong, mapupulang labi,at may magagandang mga mata,
Ang gwapo nya,malaki rin ang pangangatawan, at matangkad.

"dean scoth" wika nito at tumalikod sakin at humarap sa pari na nakatayo sa harapan

"ah-eh" diko alam kung ano ba ang sasabihin ko o isasagot.,
Dean scoth pala pangalan nya, pangalan ng asawa ko.


........
....  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon