Untitled Part 11

118 8 0
                                    

  DEAN POV:

Matapos turukan ng pampatulog si rexie agad naman itong nakatulog habang yakap ko,
Kanina pa syang iyak ng iyak at nagwawala dahil hindi nya matanggap na na wala ang kanyang paningin.

Natingnan na rin sya ni troy at base sa pag oobserbasyon nya ay makakakita rin daw si rexie dahil minsan may naging pasyente na rin sya katulad ng kay rexie ng kalagayan kaso nga lang aabutin ito ng ilang taon bago bumalik ang paningin ni rexie.
Sanhi ito ng pagkaka bagok ni rexie ng sya ay nasagasaan.

Inalis ko mo na ang pagkakayakap nya sakin ng dahan dahan upang hindi sya magising.
Tatawagan ko mo na ang kanyang magulang upang ipaalam ang kalagayan ng kanilang anak at upang papuntahin narin dito sa ospital dahil yun na lamang ang naiisip ko upang kahit papano ay mabawasan ng kahit kunti ang problema ng aking asawa.

Agad kung kinuha ang aking cellphone at mabilis na diniall ang number ng ina ni rexie, ilang ring rin ang na rinig ko bago sinagot nito ang aking tawag.

( hello, sino to? ) rinig kung tanong ng ina ng asawa ko mula sa kabilang linya

"dean scoth, asawa ng anak nyo" sagot ko naman dito, at na rinig ko ang malalim na paghinga mula sa ina ni rexie

( ah-eh ba-kit po? Anong pong kailangan n-yo? Kamusta po ang A-king anak? ) sunod sunod na tanong nito at batay sa boses ay kinakabahan

"pumunta kayo dito ng asawa mo sa ****** hospital," sagot ko ulit dito

( huh? BAKIT ANONG NANGYARI SA ANAK KO?? BAKIT SYA NA SA HOSPITAL? sa oras na may mangyari sa anak ko, babawiin ko sya sayo-- ) rinig kong galit na sabi nya pero agad kong pinutol ang tawag,

Dahil baka masabi ko pa sa kanya na alam ko ang tinatago nilang mag asawa na sekreto.

....
...
..
.

LYDIA POV (nanay ni rexie) :

Andito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan ng diko sinasadya na mahulog ang baso sa sahig na kinabasag nito, dahil sa bigla ko nasugatan ang aking daliri dahil sa bubog na nag mula sa na basag na baso,

"oh Lydia na dumurugo na ang iyong daliri mukhang na sugatan ka pa,
Huwag mo na kasing pulutin yan, umalis ka na dyan at pumunta sa sala upang gamutin mo yan at ako na ang bahala dito sa na basag at ako na rin magpapatuloy sa paghuhugas mo ng pinggan." sabi ni lando na aking asawa, agad ko naman ito sinunod dahil tama sya at mukhang masama ang aking pakiramdam,

kaya pumunta na lang ako sa sala upang doon gamutin ang sugat ko,

..
.
Di pa ako tapos sa pag gagamot ay biglang tumunog ang aking cellphone, kaya tiningnan ko ito at nakita kung may tumatawag at diko kilala kung sino dahil numero lang ang nakalagay at walang pangalan.
Kaya agad ko itong sinagot

"hello, sino to" agad na tanong ko dito

(dean scoth, asawa ng anak nyo) at pagkasabi ng pangalan nya para akong kinabahan, kaya napa buntong hininga akong ng malalim.

" ah-eh ba-kit po? Anong pong kailangan n-yo? Kamusta po ang A-king anak? " sunod sunod na tanong ko dito na kahit
natatakot ako.

( pumunta kayo dito ng asawa mo sa ****** hospital ) mabilis na sagot nya, na ikinabigla ko, bakit sa ospital tanong ko sa aking isip, at kinakabahan ako

" huh? BAKIT ANONG NANGYARI SA ANAK KO?? BAKIT SYA NA SA HOSPITAL? sa oras na may mangyari sa anak ko, babawiin ko sya sayo-- " di pa ako tapos sa pag salita pinutol agad nya ang tawag..
Kaya binitawan ko mo na ang aking cellphone at agad na tinawag si lando upang pumunta kami sa ospital kung na saan andon ang aking anak, hindi na nagtanong pa si lando at agad naman itong sumond sakin,.
binuksan ko na ang pinto ng bahay para makalabas na kami ng may babaeng naka harang sa pinto namin, mukhang mayaman ito batay sa kanyang pananamit at mukhang maganda naka sunglass ito malaki kaya diko mamukhaan kung sino ito.

"sino ka? At ano ang kaylangan mo?"
tanong ko agad dito, pinagmamasdan ko ang hitsura nya kaso diko mamukhaan dahil sa sunglass na naka harang sa mga mata nya.

"oh lydia, dimo na ako natatandaan?grabe ka naman, nakakapagtampo ka" sabi naman nito at dahan dahan tinanggal abg sunglass na suot nya, at sumilay sa kanya mukha ang mala demonyong ngiti

"s.... S-tella? " tanong ko rito ng mamukhaan kung sino ito, kaya napalunok ako ng maraming beses. at parang nanlambot ang aking tuhod.

"ako nga lydia, buti naman at natandaan mo pa ako,
ahhm narito pala ako upang bawiin na ang aking

...anak"

at pagkasabi nya nuon ay agad akong napa upo sa sahig,
hindi......
maari ito, anak ko lamang sya.  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon