REXIE POV:
"ahm ate ako pala si shine pinsan ko si kuya dean" sabi nya habang sya ay naka ngiti, sabay lahad nya ng kamay sakin,
Kaya mabilis ko naman itong tinanggap."ah-eh ako naman si rex---"
Diko na tapos ang aking sasabihin ng pinutol agad ito ni shine."kilala na kita ate rexie actually nung bat---
" di nya rin na tapos ang dapat nyang sabihin dahil agad naman tinakpan ni dean ang bibig ni shine,
Na bigla ako sa ginawa ni dean at nagulat ang biilis nya..."hmmmppp.. Hmpp" rinig kong gustong magsalita ni shine kaso naka takip ang kamay ni dean sa kanyang bibig.
"Huh? Anong sabi mo kilala mo na ako? Dean alisin mo nga yan kamay mo sa bibig nya nang makapagsalit sya"
Agad kong binalingan ng tingin si dean, mukhang nagaalinlangan sya ng sabihin kong alisin nya ang kamay sa bibig ni shine.
Pero agad naman na nya itong tinanggal."yuck kadiri ka kuya baka kung saan saan mo yan hinawak yang kamay mo" agad na nasambit ni shine ng alisin sa bibig nya ang kamay ni dean
Nakita ko sa aking mata na pinandilatan ni dean si shine, agad naman si shine na ngumisi dahil sa ginawa ni dean.
Ano bang meron???? Hayysss
"chill ka lang dyan kuya, hindi ko naman sasabihin eh, medyo madudulas lang sana kanina hehe" rinig kong sabi ni shine kay dean.
"ahm ate nakilala kita kasi sinabi ni kuya dean ang pangalan ng kanyang na pangasawa, at base sa ginawa mo kanina sa tingin ko ikaw yung tinutukoy ni kuya na napangasawa nya" sabay tingin nito kay dean at bingyan nya ito ng isang kindat sabay ngisi,
"diba shine may flight ka pa? Baka ma-late ka nyan" rinig kong sabi ni dean kay shine,
Nakita ko naman na mabilis na tiningnan ni shine ang kanyang relo sa kamay."ahm Oo nga pala, masaya akong makita ka at makilala ka ate rexie kahit na napaka bilis lamang,
Ohh pano kuya dean alis na ako huh!'"
Sabay tayo nito at kinuha ang kanyang bag"di ka na ba magpapahatid sakin shine sa airport" pagprepresinta ni dean dito na ihatid pero mabilis naman na umiling si shine
"huwag na kuya, salamat na lang" sagot ni shine, at tatalikod na sana sya upang lumabas pero lumingon muli ito samin ni dean
"by the way bagay na bagay kayong dalawa, i think baby na lang ang kulang sa inyo" sabi nito na nakangiti, muling tumalikod na ito at lubusan ng lumabas ng restaurant.
Nang diko na makita si shine ay mabilis kong hinawakan ang aking tiyan,
sana nga matanggap ni dean ang baby namin.
"Bakit may ganito ka?? "
napabalik ako sa reyalidan ng magsalita si dean,
agad naman akong lumingon sa kanya at nagulat ako ng hawak nya sa isang kamay ang isang vitamins para sa pagbubuntis ko,
At sa isang kamay naman nito ang paper bag na pinaglalagyan ko ng mga vitamins,
Kaya agad akong kinabahan at pinagpapawisan na rin ako." rexie sumagot ka,bakit ka may ganito? " muling sabi nya,
"ahm-eh sle-eping pi-lls yan dea-n, tama sleeping pills yan kasi nitong mga nakaraang araw hin-di kasi ako maka-tulog ng maayos. " pagsisinungaling ko sa kanya, pero base sa pakiramdam ko mukhang hindi ito naniniwala.
-----------------------
"Hindi ako tanga rexie para hindi ko malaman kong para saan ito," sagot naman nito sakin, napansin kong lumapit sya sakin at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"sabihin mo nga sakin rexie buntis ka ba" mabilis na tanong nito sakin habang nakatitig sa mga mata ko, pero agad naman akong yumuko .
"buntis ka ba?" agad nyang hinawakan ang aking mukha at pinaharap sa kanya nakita ko ang pagkaseryoso nya.
Kaya mabilis naman akong tumango.
"Oo dean buntis ako" at pagkasabi ko nun mabilis na nagsi tuluan ang mga luha ko na aking pinipigilan.
Nakita ko ang pagkagulat nya dahil sa sinabi ko.
"pwede bang ulitin mo rexie" mahinang sambit nito
"buntis ako dean, buntis ako" muling sabi ko at tuluyan na akong umiyak at yumuko,
Nagulat na lang ako ng biglang yakapin ako ng sobrang higpit ni dean,
At naramdaman ko ang pagbabasa ng aking balikat...
Teka umiiyak ba si dean???"salamat rexie, salamat dahil magiging tatay na ako, alam kong nagaalinlangan kang sabihin sakin dahil sa palagay ko dahil don sa sinabi kong ayaw kong magkaanak, patawarin mo ako dahil na sabi ko yun sayo na dala lang ako sa galit nuon dahil na laman kong sinadya noon yung pagkaka aksidente mo, natakot lang ako na baka may mangyari pa sayo o saktan ka nila, dahil ikaw na nga lang diko pa naprotektahan pano pa kaya kong magka anak tayo!! "
Rinig kong sabi nya at mukhang tumigil na sya pagiyak"pero ngayon na nalaman ko na magkaka anak tayo at magiging tatay na ako, ipapangako ko sayo at sa magiging anak natin na proprotektahan ko na kayong mag-ina ko" muling sabi nya
"salamat dean" yun lamang ang aking nasabi, at tumigil na rin ako sa pagiyak ko
Naramdaman ko ang pagkalas nya sa pagkakayakap sakin at nakita ko syang mabilis na lumuhod saking harap, at hinimas ang aking tiyan.
"ahmm hello anak, ako nga pala si dean scoth ang iyong tatay" napa ngiti ako sa na rinig kong kinakausap nito ang baby namin sa loob ng aking tiyan,
"promise baby ikaw at ang nanay mo mula ngayon proprotektahan na kayo ni tatay" huling sinabi nya at hinalikan nya ang aking tiyan bago tumayo,
"salamat baby, i love you" at hinalikan nya ako sa aking noo,
"salamat din dean, at i love you too "
At ngayon ako naman ang yumakap sa kanya..Narinig ko na lang pagpalakpakan ng mga tao samin, diko pala napansin na nasa loob pa kami ng restaurant,
pero binaliwala ko na lang ulit ito dahil sa ngayon masayang masaya ako..(A/N: malapit na itong matapos MHS,
kaya maraming mangyayari sa mga susunod na pag UD ko..
about don sa kung sino ba talaga ang gustong pabagsakin o papatay si dean!!
At about don sa tunay na magulang ni rexie , !!! )
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...