"Rexie, nakakakita ka na? At
Anong ginagawa mo dito?"usal nya sakin habang naka tingin parin sakin"Oo dean nakakakita na ako,
Kaya ako pumunta dito gusto ko sanang humingi ng tawad sayo don sa nasabi ko na ikinagalit mo kanina,
At gusto sana kitang sorpresahin dahil sa nakakakita na ako at alam kung ikakatuwa mo ito. , pero bakit mukhang ako pa ata ang na sorpresa??? " sagot ko sa kanya at tumingin ulit sa likuran nya na kung saan andon ang bangkay ng lalaki.Hindi man lang sya umimik ng sinabi ko yun.
Nakita ko si dean na unti unting lumalapit papunta sa kinatatayuan ko,
At akmang hahawakan nya ang aking kamay ng inilayo ko ito, at dahan dahan akong umatras palayo sa kanya.Nakita ko sa kanyang mukha ang pagka gulat at dismaya, subalit hindi ko ito pinansin.
"hu-wag mo akong hahaw-akan" sambit ko ng tumigil na ako sa paghakbang papalayo sa kanya
"sino ka ba talaga dean scoth?
At ikaw ba ang may kagagawan sa lalaking yun? " tanong ko sa kanya.Nakitang ko lalapit sana si ginoong jin kay dean pero agad na pinigilan ito ni dean.
"ako na ginoong jin, ligpitin nyo na lang yang bangkay ng maayos" sabi nya rito at agad naman tumango si ginoong jin at lumapit ulit don sa bangkay upang gawin na ata ang inutos ni dean sa kanya.
Muling tumingin si dean sakin na nakikita ko na sa kanyang mukha na wala na itong emosyon na nagparamdam sakin ng takot?
..
Magsasalita na sya ng biglang tumingin ito sa aking likuran at agad na kumunot ang kanyang noo.Kaya akmang lilingon na sana ako sa aking likuran dahil na curious ako kung ano ang nakita ni dean doon.
Ng sumigaw sya
"DAPA" kaya kahit na, na bigla ako sa pagsigaw nya at pagsabi ng dapa ay agad ko itong sinunod.
Narinig ko na lang ang mga malalakas na putok ng baril.
At Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni dean habang naka dapa ako,
Siguro pinoprotektahan nya ako para hindi ako matamaan ng bala ng baril, pero na inis ako sa ginawa nya."diba sabi ko sayo wag mo akong hahawakan at lalong lalo na ang pagyakap sakin? " sinabi ko sa kanya habang naririnig ko parin ang mga putok na baril,
Nakita ko rin nagpapaputok na rin ang mga tauhan ni dean upang ma protektahan kami sa mga gustong bumaril samin.
"pwede ba rexie tumahimik ka muna ngayon at hayaan mo muna akong yakapin ka para hindi ka na rin matamaan ng bala ng baril" rinig kong sabi nya at naramdaman ko ang paghalik nya sa leeg ko.
"ano ba bakit ka nanghahalik?
ang manyak mo, nakita mo nang nasa bingit tayo ng kamatayan tapos ikaw dyan pa easy easy lang,
at tandaan mo galit parin ako sayo, " sabi ko ulit sa kanya"na miss ko kasi agad ang amoy ng baby ko eh hmmmmmp at hayaan mo sila basta nasa tabi kita masisigurado mong ligtas ka baby" sabay halik ulit nito at amoy sa aking leeg.
"bwesit ka DEAN" muling sabi ko sa kanya
nakita ko rin na papalapit na samin ang mga tauhan ni dean upang tulungan kami.
habang sila ay nagpapaputok ng kanilang mga dalang baril."eh mahal mo naman" rinig ko pang sabi ulit ni dean
"oo mahal nga kita pero galit parin ako sayo mr. Dean scoth, kaya magpaliwanag ka mamaya sa mga nangyari at nangyayari ngayon" sagot ko sa kanya.
Narinig ko pa ang mahina nyang pag tawa bago ulit nagsalita"opo magpapaliwanag ako mamaya pagkatapos ang barilan na ito mrs. rexie smith-scoth." sagot nya sakin at naramdaman ko ang pag hawak nya sa aking mukha at pinaharap sa kanya
"i love you mrs. scoth" sabi nya pa at mabilis na hinalikan nya ako sa aking labi.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...