Untitled Part 19

80 6 0
                                    

  (2 months later.........)


REXIE POV:

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana,
Ilang sandali pa agad kung naramdaman na wala na akong katabi sa kama,
Wala na naman si dean, halos isang linggo na syang ganyan, yung gigising ng maaga at uuwi ng madaling na.
Pero pinagsasawalang bahala ko lang ito siguro sobrang busy nya lang sa trabaho nya, dahil sabi nya rin sakin na medyo nagkaka problema ang kanyang kompanya.
Hindi ko narin ito inusisa pa tungkol don dahil wala rin naman akong alam sa mga kompanya na yan.

Maya maya pa bigla na lang ako parang naduduwal, kaya agad akong tumayo sa kama at dumitso sa lababo ng banyo at doon ako nagsusuka,
Halos tatlong araw na rin na sunod sunod ang aking pagsusuka tuwing umaga at palagi rin akong nahihilo nitong mga nakaraang araw .

Ilang minuto rin bago ako natapos sa pagsusuka kaya medyo na mumutla na rin ako, kaya agad na akong naghilamos gusto ko sanang maligo pero medyo masama ang aking pakiramdam.


---------------

Bumaba na ako sa aming kwarto ni dean at dumiritso sa kusina upang mag almusal.

"Magandang umaga señorita" sabay sabay na bati sakin ng mga katulong dito sa mansyon pagkapasok ko sa kusina

"ahm magandang umaga rin po sa inyo mga ate" sagot ko naman sa kanila na may kasamang ngiti kahit na masama ang aking pakiramdam.
Agad naman akong umupo sa upuan na nasa tabi ng napaka habang lamesa.

Nakaka lungkot naman at ako lang ang kakain wala akong kasabay, yayain ko man ang mga katulong dito na saluhan ako sa pagkain pagkain dahil nga sa magisa nga lang ako, pero sinasabi lang nila sakin na tapos na silang kumain...
Hayysss.

Agad akong napalingon sa isang katulong na may dala dalang isang mangko na adobo na aking paborito, sumunod naman ang iba pang katulong na may dalang pritong itlog, hotdog, ham, bacon at marami pa at inilagay ito sa lamesa..

Pero parang may na amoy ako na hindi kaaya-ayang amoy parang amoy bulok at sobrang baho,
Lumapit ako don sa adobo dahil parang doon nagmumula ang aking na aamoy,
Nang makalapit na ako don inilapit ko ang aking ilong at inamoy ito.

tama nga ako dito nagmumula ang aking na aamoy, nang na amoy ko ito parang biglang na duwal na naman ako kaya mabilis akong dumitso sa lalabo dito sa kusina at doon naman ako nagsusuka...

Naramdaman ko na lang ang paghawak sa likod ko ni anne ang isa sa mga katulong namin dito masasabi kong sya ang pinaka close ko sa kanilang mga katulong,
habang ako ay patuloy na sumusuka.

"señorita ano pong nangyayari sa inyo?
..ayos lamang po ba kayo? Maghintay lamang po kayo dahil tumawag na kami kami ng doctor upang papuntahin dito"
sunod sunod na sabi pa nito na bakas sa boses ang kaba,
hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagsusuka,,,

shitttttt ano bang nangyayari sakin???

ilang sandali pa naramdaman ko na lang ang pagkahilo at kasabay nun ang pagbagsak ko at pagpikit ng aking mga mata.

----------------

minulat ko ang aking mga mata dahil naramdaman kong may humahawak sakin.

"señorita ayos lamang po ba kayo? "
agad kong nakita si anne na naka upo malapit sakin at hawak nya ang aking kamay, habang ako naman ay naka higa sa kama

"sabihin mo anne may sakit ba ako?
asan ang doctor kakausapin ko"
walang paligoy ligoy na sabi ko sa kanya

  

-----------------------


   "ah-eh señorita hindi ka na po na hintay pa ni doc troy na magising, dahil may tumawag sa kanya at emergency daw yun kaya mabilis syang bumalik sa ospital" wika muli ni anne at parang di mapakali

"ganun ba, deritsohin mo nga ako anne may sakit ba ako?? "
Muling tanong ko sa kanya, nakita ko ang pagkabigla ng mukha nya pero maya maya pa napalitan ito ng isang ngiti mula sa kanyang labi.

"ah señorita may ipanabibigay po pala sa inyo si doc troy"
May dinukot sya sa kanyang bulsa, nakita kong isa yung papel at mabilis na ibinigay sakin.

"ano ito anne? " tanong ko sa kanya

"ah señorita mas mabuting buksan nyo na lang po"
Sagot nya sakin habang naka ngiti

Kaya sinunod ko naman ang kanyang sinabi binuksan ko ang papel, at nabasa ko mula don ang mga pangalan ng vitamins????
Kaya muli kong tiningnan si ann

"para san naman ito anne? "

"sa inyo po yan señorita, upang maging malusog ang pagbububtis nyo" masayang pagkakasabi nya.

Teka anong sabi nya???

sa inyo po yan señorita, upang maging malusog ang pagbububtis nyo.....

sa inyo po yan señorita, upang maging malusog ang pagbububtis nyo.....

sa inyo po yan señorita, upang maging malusog ang pagbububtis nyo......

sa inyo po yan señorita, upang maging malusog ang pagbububtis nyo......


Mabilis na nagpa balik balik sa isip ko ang kanyang sinabi,
Muli kong tinanong sya para siguraduhin na hindi ako nagkakamali sa pagkakarinig ko sa kanya

"anne buntis ako? "

"opo señorita buntis ka po, kaya magkaka baby na po kayo ni señorito dean" masayang pagkakasabi pa nya.

Totoo nga ang narinig ko, buntis ako magkaka baby na kami ni dean.

Kaya mabilis kong hinawakan ang aking tiyan at hinimas himas ko ito.
May na bubuhay na pala dito na munting sanggol, kaya dapat pala mas doble ingat pa ako.

Masaya ako na magiging ina na ako, pero may isang parte na nalulungkot dahil naalala ko na naman yung sinabi ni dean sakin noon na ayaw pa nyang maging isang ama..

"anne sino pa ang nakaka alam na buntis ako? " mabilis kong tanong sa kanya

"ako at si doc troy lang po señorita"
Agad naman na sagot nya

"ahm anne pwede bang isekreto na muna natin ang tungkol sa pagbubintis ko wag mong ipagsasabi kahit kanino kahit kay dean, "
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko, pero tumango naman ito.

"at may cellphone ka ba? Pwede mo bang tawagan si doc troy, upang makausap ko sya"
Sabi ko sa kanya at ibinigay ko ang cellphone number ni troy na naka sulat don sa papel na may mga pangalan ng vitamins,
gusto kong paki usapan si troy na huwag mo ng sabihin kay dean na buntis ako.

maya maya pa naka usap ko na si troy at napakiusapan ko naman sya na wag mo na ngang sabihin kay dean, at sinabi ko na gusto kong sopresahin si dean... pagsisinungaling ko kay troy.

Maghahanda mo na ako ng lakas ng loob para sabihin kay dean na magkaka baby na kami.

at sana huwag syang magalit.  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon