Untitled Part 10

103 6 0
                                    


  DEAN POV :

kakatapos ko lang tawagan si ginoong jin para pa-imbistigahan ang nangyari at kasama na don kung sino ang iresponsabling nagmamay-ari ng sasakyan naka bundol kay rexie.
Dahil masama ang kutob ko na sinadya ang pagsagasa kay rexie, dahil narin marami ang kalaban ko sa negosyo na gustong pabagsakin ako.
Pwes nagkakamali sila ng kinalaban dahil hindi pa nila ako lubusang kilala, sisiguraduhin kong mamamatay ang gumawa kay rexie nito.

"boss gising na po, si señorita rexie" agad akong lumingon sa isa kong body guard dahil sa sinabi nya, hindi ko na ito pinansin at tumakbo na ako agad papasok sa kwarto kung saan naroroon si rexie.
..
.
Pagkapasok ko ng kwarto ni rexie agad kung ngang napansin na gising na sya agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ko sya sa kanyang noo.

"salamat, at gising ka na,
Natakot ako sa nangyari sayo kala ko mawawala ka na naman sakin.
please wag mo na ulit yung gagawin na umalis na di ako kasama, rexie"
Sabi ko sa kanya ngunit wala akong narinig sa kanyang sagot at nanatili itong tulala lamang.

"rexie, may gusto ka bang kainin?
O gustong bagay? Gusto mo bang papuntahin ko dito ang magulang mo"
Sabi ko ulit sa kanya

"D-EAN ikaw ba yan" nagulat ako sa sinabi nya

"dean asan ka?" ulit nito sabi.
Agad ko namang ginalaw ang kamay ko sa harap ng mata nya, ngunit parang hindi gumagalaw ang itim ng kanyang mga mata naka tingin lamang ito sa kisami na parang andon ang kanyang kausap.

"rexie, ako ito si dean,
Rexie nakikita mo ba ako?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lamang ito

"D-ean wa-la akong -makita, dean..
Di kita makita, puro itim ang nakikita ko. "
Nagulat ako sa kanyang sinabi.
Hindi, hindi maaari ito.

"Dean hindi na ako maka-kita" humahagulhol na sya habang sinasabi nya ito.
Agad kong tinawag ang mga body guard ko upang tawagin si troy na doktor.

Nilapitan ko ulit si rexie at niyakap.

"shhhhhhh tahan, pinapangako ko sayo babalik ang paningin mo,
Makaka kita ko ulit" sabi ko sa kanya habang pinapatahan ko sya.

"ayaw kung mabulag ng tuluyan dea-n.."  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon