DEAN POV:
Nakikita ko sa mukha ng asawa ko ang pagkabigla habang patuloy ito sa pagluha ng sabihin ni estella na sya ang tunay na ina ni rexie habang sya ay nakayakap dito,.
Naawa ako sa asawa ko dahil ang kinikilalang magulang nya na nag palaki sa kanya ay hindi pala nya tunay na magulang.
Kanina tumingin sya sakin na tila bay nagtatanong ang kanyang mga mata na kong ano bang nangyayari, ngunit nag iwas na lamang ako dito ng tingin, dahil hindi ako ang pwedeng magsabi ng katotohanan sa kanya.
Noon pa lang alam kong hindi na sya talaga tunay na anak ng kinikilalang magulang nya dahil noong hindi pa kami kasal ni rexie at pinapa subaybayan ko palang sya noon sa isa sa mga tauhan ko pero di sinasadya na narinig ng tauhan ko na hindi daw anak si rexie ng kinikilalang magulang nya. Pero ang hindi ko lang alam kung anong pangalan ng tunay na magulang nito.
Nalaman ko na lang ang pangalan ng tunay na ina ni rexie nung minsan ay bumisita kami sa bahay nila rexie upang sabihin na nagdadalang tao ang asawa ko.
(flashback.....)
Pauwi na sana kami noon ni rexie mula sa pagbisita sa mga magulang nya ng kausapin ako ng ng magulang nya,
"alagaan mo si rexie huh, ngayon pang nagdadalang tao sya" sabi ng tatay ni rexie
"kahit hindi nyo na po sabihin ay yun talaga ang ginagawa ko ang ingatan sya at ang aming baby na nasa sinapupunan nya" sagot ko na naman sa kanila
Mahabang katahimikan muna bago magsalita naman ang ina ni rexie.
"ang totoo talaga hindi nya kami tunay na mga magulang, iniwan lang sya samin ng kaibigan ko na isang bayaran, sabi nya babalikan rin daw nya yung bata, pero lumipas ang araw,buwan at taon ngunit hindi na binalikan si rexie ng tunay nyang ina,
Kaya inako na lang namin si rexie dahil hindi na rin kami na biyayaan ng anak ng aking asawa,
Minahal namin sya na parang isang tunay na anak, pinalaking may takot sa diyos, at pinalaking mabuting tao" sunod sunod na kwento ng ina ni rexie habang umiiyak na ito."pero isang araw bumalik ang tunay na ina ni rexie at sinabi nitong kukunin na nya ang iniwan nyang anak samin,
Natakot kami ng pagbantaan nya kami na ipapakulong kapag di namin ibinigay si rexie dito," paliwanag pa nito sakin"ano po bang buong pangalan ng tunay na ina ni rexie?" tanong ko naman dito
"Estella.... Estella Dela Cruz" sagot nito sakin.
"at ang ama naman ni rexie sa pagkaka alam ko ay si timothy willamor"
na bigla ako ng sabihin ng ina ni rexie na kung sino ang tunay na ama nito.
timothy...
timothy willamor!!!!ang pumapangalawa sakin na pinaka makapanyarihan sa buong bansa,
at
ang gustong magpabagsak sakin...
"ngunit sa pagkaka alam ko ay hindi alam ni timothy na nagka anak sya kay estella, dahil nga sa bayaran noon ang tunay na ina ni rexie"
Natauhan ako ng muling nagsalita uli ang ina ni rexieSa pagkakataong iyon gusto kong yakapin si rexie, dahil sa mga na laman ko tungkol sa buhay nya..
(end of flashback)
Nakita ko na lang na tumugon na rin sa yakap rixie sa tunay na ina.."ma- mama" sambit ng asawa ko sa tunay na ina nya.
Pero nagulat kami ng bigla na lang itong bumagsak sa sahig habang yakap yakap ito ni rexie.
"ma??? "
*BOOMMMMM*
Kasabay ng pagsigaw ni rexie ay may narinig kaming malakas na pagsabog sa labas ng mansyon, at maiingay na putok ng baril.
Dali dali kong pumunta sa asawa ko na ngayon ay naka upo at takot na takot habang yakap parin nito ang ina na duguan na...
Agad kong binuhat ang aking asawa, upang dalhin sa basement na kung saan doon lamang ang ligtas na lugar dito sa mansyon..
"dean si mama at si inay at si itay..... " rinig kong sabi ni rexie habang umiiyak
"shhhhh baby babalikan ko sila, sa ngayon mabuting dalhin muna kita sa basement doon ka muna mag tago hanggang di pa to natatapos, sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat" nakita kong tumango na lamang si rexie sa mga sinabi ko.
Kaya mabilis kong tinungo ang daan papunta sa basement habang buhat ko si rexie,
Naririnig ko ang mga putukon sa labas, may mga nasira na rin o na basag na gamit dito sa loob ng mansyon,Shittttttt bakit ngayon pa sila kumilos............
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
AçãoPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...