Untitled Part 9

120 6 0
                                    

  Dean POV :

"salamat troy" pagpapasalamat ko sa doktor na kaibigan ko

"walang ano man pre, tsaka doktor ako obligasyon kung iligtas ang aking mga pasyente,
Ahmm sige mauna na ako, patawag mo na lang ako kapag may kaylaingan ka pa, madami pa kasi akong pasyenteng naghihintay" sabay alis nya.

Kaya agad naman akong pumasok sa kwarto kung saan ipinasok si rexie mila sa paglabas sa emergency room.
Nilapitan ko sya sa kamang pinaghihigaan nya, sabi ni troy yung kaibigan kung doktor buti na lang daw naidala kaagad si rexie dito sa ospital dahil kung hindi baka may masamang ng yari sa kanya,.

Bakas parin sa kanyang mukha ang maraming gasgas, pati na rin sa kanyang braso at tuhod pero sabi ni troy mga isang linggo mawawala din yang mga gasgas na yan.
Na aawa ako sa kalagayan nya kung hindi dahil sakin hindi ito mangyayari sa kanya.

(flashback)

"DEAN" habang kami naguusap ni rexie dito sa loob ng restaurant may sumigaw sa pangalan ko, kaya agad ko sana itong lilingunin pero na bigla ako dahil paglingon ko ay agad na hinalikan ako nito sa aking labi.

"bat di mo na ako tinatawagan babe? " hindi pa man ako nakaka pagreak sa ginawa nyang paghalik sakin, ay niyakap na ako nito at umupo ito sa aking hita.

Sya si stephanie dati kung girlfriend tumagal kami ng isang taon, pero agad ko itong hiniwalayan dahil na laman kung pera lang pala ang habol nya sakin, pero hindi nya matanggap ang pagkikipaghiwalay ko sa kanya kaya habol sya ng habol sakin.

Nakita ko naman si rexie na nakatingin sakin at kaagad ko napansin na nagtutubig ang mata nito.
Teka umiyak ba sya??? Shittttt...
Pero umiwas ako sa pagtitig nya sa akin dahil nahihiya ako at galit ako sa aking sarili, dahil nakita nya akong hinalikan ni stephanie sa labi,

"happy 2nd anniversary babe, sigurado akong masasayahan ka sa aking regalo ngayon tulad nung regalo ko sayo nung 1st anniversary natin hahaha" natatawang sabi ni stephanie at muling hinalikan nya ako sa labi.

Nakita ko na lang si rexie na palabas sa restaurant... F*ck dean anong ginawa mo, napa sabunot na lang ako sa aking buhok. shittttt.

tinulak ko agad si stephanie mula sa pagkaka upo sa aking hita at agad akong tumayo

"diba sabi ko sayo wala na tayo, at ayaw ko na yang makikitang pagmumukha mo? Sa oras na may mangyari sa asawa ko hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo, hindi mo pa ako lubos na kilala stephanie, kaya ngayon palang tumago ka na dahil sa oras na makita uli kita sisiguraduhin kung mamatay ka,
naiintindihan mo?? "
Mabilis naman syang tumango at bakas sa mukha nya ang takot, dahil nanginginig na rin ang buo nyang katawan.
at kahit ganun wala akong pakialam sa kanya.
agad kung tinawag ang waiter at binayaran ang pagkain na hindi pa na babawasan kahit kunti man lang.

wala akong pake sa mga taong naka tingin sakin dito sa loob ng restaurant
basta ang mahalaga ay maabutan ko si rexie kaya agad akong lumabas sa restaurant at tumakbo.
nakita ko naman agad si rexie na tumatakbo medyo malayo na ito sakin pero agad ko naman itong hinabol.

"REXIE" tawag ko sa kanya, di ito huminto at di man lang ito lumingon sakin.

" sandali lang rexie, magpapaliwanag ako mali ang pagkakaintindi mo " sabi ko ulit sa kanya pero mukhang mas binilisan pa nya ang pagtakbo dahil don sa pagsigaw ko.

hindi parin sya tumitigil sa pagtakbo pero diko rin sya titigilan sa pagsunod sa kanya hanggang sa mapagod sya sa pagtakbo.
kanina sasabihin ko na sana na matagal ko na syang kilala at matagal ko na rin syang mahal pero di ko na sabi dahil sa pagsulpot ni stephanie-----

*beeeeeeep*

napa hinto ako sa pagtakbo dahil may nakita akong mabilis na sasakyan paparating sa kinarorounan ni rexie
mukhang di ito napapansin pa ni rexie dahil hindi parin sya tumitigil sa pagtakbo.

Tatakbo na sana ulit ako pero huli na ang lahat,
dahil na hagip na sya ng sasakyan at tumilapon sya at nagpagulong-gulong.

parang huminto ang mundo ko noon dahil sa nang yari.

"REXIEEEEEE"
sigaw ko ,at agad ng tumakbo papalapit sa kanya na ngayon ay duguan na sya.
wala na rin syang malay,
agad ko syang binuhat upang maipasok sya sa sasakyan ko at upang maidala ko na sya sa pinaka malapit na hospital.
diko na pinansin ang ban na naka hagip kay rexie dahil ipapahanap ko ito mamaya kay ginoong jin at tanda ko naman ang plaka ng sasakyan na yun "JMD964" kulay puti ito na ban.
humanda ang nagmamay ari ng sasakyan na yun dahil ipapa-patay ko sya dahil sinaktan nya ang pinaka mamahal ko.  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon