REXIE POV:
Hapon na ng magising ako dahil naramdaman ko ang paghapdi ng tiyan ko , tsaka ko lang ulit na alala na hindi pala ako nakapag umagahan dahil don sa nangyari kanina at di rin ako nakapagtanghalian dahil pinagpahinga muna ako ni anne dito sa kwarto,
Shitt nagugutom na talaga ako.
Kaya dahan dahan akong bumangon sa kama at maingat na tinungo ang banyo upang maligo na, medyo maayos naman na kasi ang aking pakiramdam.
Tsaka kaylangan ko magingat ng mabuti para di mapano si baby..
------------
Natapos akong maligo at nagbihis ng isang kulay pink na dress at nagsuot ng pink na dollshoes.
napagdesisyonan ko kasi na sa mall na lang ako kumain dahil na rin sa may gusto akong kainin at dadaan narin ako sa pharmacy upang bumili ng mga vitamins para sa pagbubuntis ko, mukhang dito ko na magagamit ang binigay sakin ni dean na ATM.. hihihi
---
Nagpahatid ako kay mang ramon, sya yung palagi kong tinatawag na manong na tauhan ni dean,
Kanina nya lang sinabi sakin ang kanyang pangalan, siguro na bwesit na sya kakatawag ko sa kanya na manong kaya sinabi nya sakin na ramon pangalan nya.
Sinabi ko kay mang ramon na hintayin nya na lang ako sa parking lot,
Hiniram ko na rin ang cellphone nya dahil tatawagan ko si dean dahil sasabihin ko sa kanya na nasa mall ako.
Habang papasok ako sa mall tinatawagan ko sa cellphone si dean ngunit ring lang ito ng ring hanggang sa hindi ko na ito makontak, ganun ba sya ka busy na kahit cellphone di nya masagot??? Sa Isip isip ko.
Hays bahala na nga sya basta ako sinubukan kung sabihin sa kanya na pupunta ako sa mall kaso di nya sinasagot..
Ilang minuto pa ang lumipas naglalakad lakad ako dahil may hinahanap akong pagkain, nakabili na rin kasi ako ng mga vitamins para sa pagbubuntis ko.
Kaya ito hinahanap ko ang tindahan ng gusto kong kainin.
Nang makita ko ang tindahan na hinahanap ko mabilis akong nagtungo doon, napansin ko rin na mahaba ang pila pero ayos lang basta maka kain ako ng shopao...
Kanina ko pa naiisip ang shopao at kanina pa ako natatakam dito.
Nang ako na ang bibili mabilis akong nag order ng sampong kahon na shopao at ang laman ng isang kahon ay naglalaman ng anim na shopao, mukhang nagulat si ate na tindera ng sabihin ko yun mabilis naman syang nagtungo at kumuha ng sampong kahon ng shopao at mabilis na ibinigay sakin kaya agad ko naman syang binayaran gamit ang ATM na bigay sakin ng asawa ko.
----
dala dala ko ang sampong kahon na shopao sa kanang kamay ko nakatali naman kasi ito kaya madaling bitbitin, hindi rin naman ito gaanong kabigat at sa kanang kamay ko na naman ang isang paper bag na may laman ng mga vitamins,
Wala rin akong pake sa mga taong naka tingin sakin siguro iniisip nila na ang takaw ko dahil ang daming kong dalang kahon ng shopao.. hmp pake ko sa kanila basta ako makakatikim na ng shopao mga ilang araw ko rin itong kakainin sa mansyo siguro lalagay ko lang ito sa ref. At iinitin ko na lang pagkakainin ko na.
habang iniisip ko ang tungkol sa shopao, napahinto ako sa paglalakad at sabay tingin sa loob ng isang restaurant dahil parang may napansin ako ay mali may nakilala pala,
nakaupo sya sa loob at may kasamang babae magkaharap sila at napansin ko rin na mukhang masaya sila dahil nagtatawanan sila ng babae.
nakatalikod sya sa may pinto ng restaurant kaya hindi nya agad ako mapapansin.
kala ko busy sya sa kompanya dahil nagkaroon iyon ng maliit na problema, tapos ngayon makikita ko lang sya dito sa mall na may kasamang babae.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...