Untitled Part 2

171 8 0
                                    

  ( sa loob ng sasakyan )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  ( sa loob ng sasakyan )

"tay," mahinang usal ko, wala akong ideya kung may masama bang ng yari kay itay, pero kitang kita ko ang pagbagsak nya sa lupa

"parang awa nyo po pauwiin nyo na ako sa bahay, baka kung ano nangyari sa tatay ko please pababain nyo na ako, alam kung may mga magulang din kayo" baling ko sa mga lalaking nasa magka bila ko naka upo habang akoy humihikbi

"pasensya na binibini pero hindi maari ang gusto mong mangyari malalagot kami kay ginoong jin na kanang kamay ni boss" tukoy nito sa lalaki kanina na masungit

Hindi na lamang ako kumibo, palihim akong nagdadasal na sana walang masamang nangyari kay itay dahil kung hindi sisihin ko ang sarili ko.

Makalipas ang ilang oras na pagbabyahi pumasok kami sa isang liblib na lugar mga puno lamang ang makikita sa dinaraan.
Tumahan na rin ako sa paghihikbi dahil walang mangyayari kung ganun lang gagawin ko.

"manong san nyo ba ako dadalhin, at anong lugar ba ito"
Tanong ko kay manong na nasa tabi ko lang habang ako ay patuloy na nagmamasid sa dinaraan.

"kay boss" yun lamang ang nakuha kong sagot mula sa kanya at wala ng sumunod pa.

Katahimikan, paghinga lang at tanging pag andar lang ng sasakyan ang naririnig ko dito sa loob ng sasakyan.

...........
........
....
..
.

Nagmulat ako ng aking mata dahil sa paghinto ng sasakyan, at kaagad akong napa upo ng ayos dahil na Alala ko na naman ang nangyari. Tiningnan ko sa bintana kung ano ang nasa labas at kung bakit huminto ang sasakyan. Agad ko naman natanaw ang isang napakalaking bahay ay mali mansion, napakalaking mansion at sa labas nun ang mahigit sa dalampung katulong na naka hilera sa labas at mga lalaking naka itim, na sa tingin ko hinihintay nila ang pag labas namin dito sa sasakyan upang salubungin kami.

"ilabas na yan, upang ipasok sa loob ng mansion dahil naghihintay si boss sa kanyang kwarto" mabilis na sabi ni ginoong jin ba yun, sabay labas sa sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng mansion

"tara na binibini lumabas na tayo dito sa sasakyan, at baka magalit si boss palagi pa naman nun mainit ang ulo" sabi ni manong na katabi ko yung kaninang pinagtanungan ko.
Agad naman akong tumango kahit kinakabahan ako..

Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan kaya agad akong lumabas ng dahan dahan.
Nagtaka naman ako dahil biglang nag si yukuan ang mga katulong at ang mga lalaking naka itim naman ay nagsiyukuran.

At ang mas ikinagulat ko ay ang

.....
...
..
.
"maligayang pagdating madam rixie smith"

pagbati nila ng
sabay sabay sakin
Paano??????
paano nila laman ang pangalan ko???  

MY HUSBAND STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon